CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Pwede na kayong mag si-uwian," sabi ni Quinn. "Maliban sa 'yo Lennox." Napahinto naman ako sa pageng gamit ko. "Bakit?" tanong ko. "Hintayin na muna nating umalis ang mga ibang member," sabi niya kaya nag cellphone na muna ako habang hinihintay na umalis ang mga member namin. "So, bakit niyo ako pinaiwan?" tanong ko ng mawala lahat ng mga member. "Every year nagkakaroon kami ng one month training sa day shift," panimula ni Quinn. "Tradition na iyon ng club natin kaya ng maging leader kaming lima pinangako namin sa mga dating leader na ipagpapatuloy namin ang ginagawa nila." Tumango naman ako. "Then ano naman kinalaman ko?" tanong ko. "Sa ilang araw mo dito lagi ka naming pinapanood, nakikita namin na kapag may free time ka tinuturuan mo ang mga kasama

