CONSTANTINA'S POINT OF VIEW
"Anak kalat na kalat sa labas na nag grocery kayo ni Yula at ang sabi nila ikaw daw ang gumastos 'nun, totoo ba iyon?" tanong ni Mama.
"Opo, gusto ko kasing suklian ang pag tulong niya sa atin noon," pag amin ko.
"Mabuti naman iyon anak pero akala ko ba wala kang pera?" tanong niya.
Nginitian ko naman siya. "Kahit papano po ay nakapag ipon ako doon kaya may pera ako," sagot ko sa kanya. "Kaya po bukas tayo naman po ang mag go-grocery para may stock po tayo."
"Kahit 'wag na anak, ipunin mo na lang iyan para sa future mo," sabi niya.
Heto ang gusto ko kay Mama inuuna niya ang kapakanan namin, ni minsan hindi niya kinuha ang pera namin. Kapag may natatanggap kaming aginaldo sa mga ninong namin ni Kuya, hindi niya gagastusin iyon, iniipon niya para may pera kami kung gusto naming bumili ng makakain.
"Don't worry Ma, may seperate na ipon naman ako, iyong naipon kong isa ay para sa pamilya natin para hindi na kayo mangungutang pa," paliwanag ko sa kanya. "Speaking of utang po, kani-kanino po kayo umuutang at magkano para mabayaran natin."
"Kay Janet lang naman ako umuutang at hindi naman ganun kalaki," sagot niya.
Nagpapautang pa rin pala si Aling Janet, siya ang takbuhan namin kapag walang wala kaming maulam. Pinautang naman niya kami nung nangailangan kami ng pera para kay bunso sadyang kulang lang ang pera dahil hindi naman kalakihan ang pinapahiram niya.
Tumango naman ako. "Magkano po para makapag withdraw ako bukas," sabi ko.
"Limang libo lang naman ang inutang ko pero may interest," sabi niya.
"Magkano po ang interest?" tanong ko.
"Isang daan kada libo at kada buwan na hindi nababayaran nadadagdagan ulit ng isang daan kada libo, tatlong buwan ko ng hindi nababayaran ang utang ko sa kanya," sabi niya.
"So, bali six thousand lahat," sabi ko. Hindi naman ganun kalaki. "Bukas po babayaran na natin para wala na po tayong utang."
"Ayos lang ba anak? Baka maubos ang inipon mo," nag aalalang sabi niya.
"Kaya nga po inipon ko po ito para magastos natin," sabi ko.
"Ikaw ang bahala anak pera mo iyan," sabi niya.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Narinig niyo ba ang sinabi ng mga chismosa sa labas?" tanong ni Flora, pang apat na kapatid ng Papa ni Consta na si Antonio.
"Ang alin?" tanong ni Lolita, pangalawang kapatid ni Antonio.
"Sabi nila nag grocery daw sina Yula at Tin at sabi nila na si Tin daw ang nagbayad doon," sagot ni Flora.
"Si Tin ang nagbayad? Aba ang sabi niya wala naman siyang pera," sabi ni Lea. "Sinungaling talaga ang batang iyon."
"Nagdadamot siya," sagot ng nanay nilang si Barbara. "Nung nagpunta ako doon ang sabi konti lang ang chocolate nila pero marami pala."
"Kung binilhan niya ng grocery si Yula dapat tayo din kamag anak nila tayo," sabi ni Flora.
"Tara puntahan natin siya," sabi ni Lea.
Naglakad sila papunta sa bahay nina Constantina, nakita nilang nasa labas siya kasama ang Mama niya.
"Hoy, Tin," tawag ni Lea kay Constantina. "Sabi mo wala kang pera pero bakit mo na bili ng grocery si Yula?"
Hindi naman maiwasan na magtaka ni Constantina, bakit parang galit na galit sila? Anong masama kung bilhan niya ng grocery ang bestfriend niya.
"Bakit po anong problema doon?" mahinahong tanong ni Constantina.
"Ang sabi mo wala kang pera kaya hindi ka nakabili ng mga pasalubong pero meron naman pala, sinungaling ka," inis na sabi nito.
"Eh ano naman po kung nag sinungaling ako? Karapatan ko naman pong itago ang pera na pinaghirapan ko," sagot niya.
"Wala kang modong bata ka ha? Tandaan mo mas matanda kami sa 'yo," galit na sabi ni Flora dito.
"Alam niyo naman po pala na matanda na kayo pero bakit hindi kayo mag isip na naaayos sa edad niyo," sagot niya.
"Aba't bastos kang bata ka ah," galit na sabi ni Barbara, akamang sasampalin sana si Constantina ng hinawakan ni Margaret ang kamay nito para pigilan.
"Mawalang galang na pero wala kayong karapatan na saktan ang anak ko," sagot ni Margaret. "Ni minsan hindi ko po iyan napagbubuhatan ng kamay."
"Pagsabihan mo iyang anak mo napakabastos," sabi ni Barbara tsaka binaba ang kamay niya.
"Ano po bang masama sa sinabi niya? Totoo naman ang sinabi niya may karapatan siya na itago ang perang pinaghirapan niya," sagot ni Margaret.
"Ang yabang yabang mo na porket galing lang sa ibang bansa ang anak mo," sabi ni Lolita.
Hindi alam ni Constantina kung anong irereact niya sa sinabi nito. "Paano mo naging mayabang si Mama? Wala naman sinabing kayabangan?" takang tanong ni Constantina.
"Eh paano pano ang damot damot niyo," sagot ni Lea.
"Eh ano nga pong masama kung ipagdadamot ko ang pera ko? Ako naman po ang naghirap doon," sagot niya.
Hindi niya alam kung anong pinano-point out nila, dahil lang ba sa tinago niya na may pera siya? Karapatan naman niya iyon ah, hindi naman niya kailangan sabihin pa sa iba na may pera siyang dala.
"Kamag anak mo kami kaya dapat bigyan mo rin kami, si Yula nabigyan mo tapos kami hindi mo bibigyan," sabi ni Flora.
Napasinghal naman siya bigla tapos biglang sumeryoso. "Bibigyan ko kayo? Bakit? Bakit namin kayo bibiyan? Tsaka alam niyo pala ang salitang magbigay? Akala ko hindi eh kasi nung panahon na kailangan namin ng tulong, nagbigay ba kayo?" seryosong sabi niya. Hindi naman maiwasan na makaramdam ng takot ang mga ito pati ang Mama niya ay nakaramdam ng takot. "So, how dare you say that thing? You were able to feed us. You don't know if I gave Yula a grocery. After all, she deserves it because she was there when we needed help but you? Nothing."
Hindi na niya napigilan na ilabas ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Ayaw niyang sumagot sa mga ito dahil katabi niya ang mama niya, ayaw niyang isipin nito na sumasagot na siya sa mga matatanda.
Hindi naman nakapagsalita ang mga kamag anak niya, natulala lang sila habang nakatingin sa kaniya. Nagulat din kasi sila na sasagutin sila ni Constantina dahil noon kahit anong sabihin nila tahimik lang ito pero ngayon sinasagot na sila.
"Kung wala na kayong sasabihin umalis na lang kayo," mahinahong sabi ni Margaret. Nagulat din siya sa inasal ng anak niya pero naiintindihan naman niya, sa katunayan proud pa nga siya dahil kaya na nitong ipagtanggol ang sarili nito na hindi niya nagagawa. Matagal na niyang gustong lumaban sa biyenan at mga in-law niya pero wala siyang lakas ng loob.
"Ma, sorry po sa ginawa ko kanina," sabi ni Constantina ng makaalis ang mga kamag anak nila.
"Ayos lang iyon anak, naiintindihan ko naman ang ginawa mo," sabi ni Margaret tsaka hinawakan ang kamay nito. "Proud pa nga ako dahil kaya mo ng ipagtanggol ang sarili mo."
"Hindi po kayo galit?" tanong nito.
"Bakit naman ako magagalit?" tanong niya.
"Kasi sumagot ako sa mas matanda sa akin," sagot nito.
"Oo sumagot ka nga pero walang mali doon, sinagot mo lang sila dahil mali sila. Mas maganda nga iyon para malaman ng matatanda na hindi porket mas matanda sila ay lagi silang tama kaya kailangang ipaalam sa kanila na mali sila, na kailangan nilang makinig sa mas bata sa kanila," sabi niya.
Minsan may mga matatanda na tumatanda ng paurong, akala nila lahat ng ginagawa nila ay tama dahil lang sa matanda sila. Karamihan hindi nila tinatanggap na nagkamali sila, kahit maling mali na sila para sa kanila tama sila dahil lang sa matanda ang mga ito.
Napangiti naman si Constantina. "Akala ko po magagalit kayo sa akin," sabi niya.
"Swempre hindi, ayoko rin naman na ganunin ka nila, na gagawin nila ang ginawa nilang pang aapi sa akin nung nakatira pa tayo sa kanila pero ngayon na nakabukod na tayo, wala na silang karapatan na makielam," sabi ng Mama niya.
CONSTANTNA'S POINT OF VIEW
"Catherine, dalhin mo dito ang kotse ko," sabi ko.
Hindi natuloy ang flight niya papunta sa kanila dahil may importante siyang gagawin sa manila.
"Bakit?" tanong niya sa kabilang linya.
"Aalis kasi kami ngayon, mag go-grocery then shopping na rin," sagot ko.
"Sama ako, gusto kong makilala ang pamilya mo," sabi niya.
"Okay," sagot ko.
"Yey! Maliligo na ako," sabi niya tsaka pinatay ang tawag. Napailing na lang ako sa inasal niya pero mahal ko pa rin naman siya kahit childish siya.
"Anak ganyan talaga ang susuotin mo?" tanong ni Mama habang nakatingin sa suot ko.
Nakasuot kasi ako ng fitted baby blue na dress, long sleeve ito hanggang siko, ang skirt naman nito ay hanggang tuhod pero may slit, pinatungan ko naman ito nga maong na blue jacket pero nakapatong lang sa balikat ko, then naka 3 inch black stilleto. Naka low curl naman ang buhok ko at naka simple make up.
"Hindi po ba bagay?" tanong ko. Magpapa-picture kasi kami para may family picture kami.
"Bagay naman anak pero baka pagtinginan ka sa jeep," sabi niya.
"Hindi naman po tayo mag ji-jeep," sagot ko.
Nataka naman siya. "Anong sasakyan natin?" tanong niya.
"Kotse," sagot ko.
"Kaninong kotse naman anak?" tanong niya.
"Maniniwala po ba kayo kung sabihin kong sa akin?" tanong ko.
Hindi naman siya nakapagsalita ng ilang segundo. "Hindi ka naman marunong magsinungaling kaya maniniwala ako at hindi na ako magtatanong kung paano mo nabili, apat na taon kitang hindi nakasama kaya maraming nagbago sa 'yo." 'I'm sorry mama, malalaman niyo rin naman po lagat eh,' "Pero anak hindi ba papangit ang family picture natin? Kasi ganito lang suot namin."
"Ma, swempre po hindi ko hahayaan na ako lang ang may magandang damit kaya bago tayo magpa-picture bibili ko po kayo ng damit," sabi ko. "At 'wag na po kayong tumanggi." dagdag ko ng akmang magrereklamo siya.
Napabuntong hinnga naman siya. "Bahala ka anak," sabi niya.
Mayamaya tumunog ang cellphone ko. "Tin, nandito na ako sa pinagbabaan ko sa 'yo dati, saan ako dadaan?" tanong ni Catherine.
Itinuro ko naman sa kanya ang daan. "Diretso ka lang, hihintayon kita sa labas ng bahay namin."
"Okay," sabi niya.
Lumabas naman ako ng bahay para hintayin siya, napatingin naman sa akin ang kabitbahay namin na nakatambay sa labas. Ang iba kaidad ni Mama at ang iba at kaidad ko lang.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Aling Karla. Kilalang kilala ito dahil sa pagiging chismosa nito.
"Sa mall po" sagot ko.
"Ganyan talaga ang susuotin mo?" sabi ni Mika, anak ni Aling Karla. Kita ko natatawa siya ganun din ang mga kaibigan niya. "Baka pagtinginan ka ng mga tao sa jeep."
"Don't worry hindi kami mag ji-jeep," nakangiting sabi ko. Nawala naman ang ngisi sa labi niya at parang nainis siya. Hindi ko na talaga sila kasunod noon pa lang kaya alam ko na pinaplastik lang nila ako.
Napatingin naman ako sa biglang bumusina. Nandito na pala si Catherine kaya iniwan ko na sina Aling Karla tsaka lumapit sa kanya.
"Hello, I miss you," sabi niya sa akin tsaka ako dinamba ng yakap.
Natawa naman ako ng mahina. "Ilang araw lang tayong hindi nagkasama," sabi ko.
"Kahit na, miss pa rin kita," parang batang sabi niya.
"Miss din kita," sabi ko.
Ilang months lang ang tanda ko sa kanya pero baby ang turing ko sa kanya, gustong gusto naman niya ang ginagawa ko na pambe-baby sa kanya.
"Nasaan pala sina Tita?" sabi niya pagkakalas niya sa yakap namin.
"Nasa loob, tara ipapakilala kita," sabi ko.
"Okay," sabi niya.
To be continued...