CONSTANTINA'S POINT OF VIEW
"Ma, si Catherine best friend ko po," pakilala ko kay Catherine kina Mama.
"Hello po, Tito, Tita," sabi ni Catherine sa kanila. Sina Mama at Papa pa lang nandito, si Kuya nag bibihis pa.
Tumango naman si Mama. "Ikaw pala ang kinukwento sa amin ni Tin, ang ganda mo nga sa personal."
Nag blush naman si Catherine sa hiya, maputi siya kaya madaling makita ang pamumula niya. "Salamat po," nahihiyang sabi niya. "Kayo rin po lagi kayong kinukwento ni Tin sa akin, lagi niyang pinagmamalaki na may mabait at mapagmahal siyang mga magulang."
Napatingin naman sila sa akin kaya nginitian ko sila. Totoo naman ang sinabi niya talagang pinagmamalaki ko na may mapagmahal at mabait akong magulang at hindi ko ikakahiya iyon kahit ipagsigawan ko sa buong mundo gagawin ko.
"Sasama ka ba sa amin iha?" tanong ni Mama kay Catherine.
"Opo kung ayos lang po," sabi ni Catherine.
"Oo naman iha, best friend ka ng anak ko," sabi ni Mama.
"Salamat po," sabi niya.
Mayamaya lumabas na si Kuya at nagulat ako ng bigla akong hampasin ng mahina ni Catherine. Anong problema nito?
"Tin, siya ba ang kuya mo?" mahinang tanong niya sa akin.
"Oo, bakit?" tanong ko.
"Hindi mo naman sinabing gwapo pala ang kuya mo," kinikilig na sabi niya. Napa face slap na lang ako, oo nga pala mahilig nga pala siya sa gwapo. Kapag nakakakita siya ng gwapo hindi pwedeng hindi niya ako mabugbog dahil sa kilig niya. "Diba doctor ang course na kinuha niya?"
"Yes," sagot ko.
"My gosh, kapag naging doctor siya araw araw magkakasakit para makausap ko siya," sabi niya.
"Kung ano ano na namang pumapasok sa isip mo," sabi ko sa kanya. "Pwede mo namang kausapin ngayon si Kuya kung gusto mo."
"Ayoko nga," sabi niya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Baka kapag kinausap ko siya baka mahimatay lang ako," sabi niya.
Napailing naman ako sa kaartihan niya. "Ewan ko sa 'yo ang O.A mo talaga kahit kelan," sabi ko.
Wala naman akong pakielam kung sinong maging girl friend ni Kuya ang gusto ko lang kasing bait at kasing maalaga niya. Ayoko naman na magka girl friend siya na kaugali ng Tita namin. Gusto ko mamahalin niya si Kuya kung ano siya hindi dahil sa pera.
"MAMA, ito bagay sa 'yo," sabi ko tsaka iniharap sa kanya ang damit na napili ko.
"Anak tama na, marami ka ng napili," saway niya sa akin. "Marami pa naman akong damit."
Umiling ako. "No, itatapon na natin ang mga iyon, sobrang luma na," sabi ko.
Kupas na ang kulay ng mga damit dahil sa kalumaan, ang iba halatang tinahi tahi lang dahil kita ang mga tahi sa damit. Gusto ko naman na makapag suot sila ng magandang mga damit, gaya ng mga sinusuot ko.
"Sayang naman ang mga iyon kung itatapon mo, bago pa ang iba doon," sabi niya.
"Hindi naman maganda ang tela, hindi katulad ng mga ito hindi agad kukupas," sabi ko.
"Pero anak," sabi niya.
"Ma, 'wag ng makulit," sabi ko.
Ang kulit kulit kasi ni Mama lahat ng lang ng gusto ko para sa kanya lagi siyang may comment kesyo mahal kesyo marami na.
"Ikaw ang makulit eh," sabi niya.
"Nagmana po ako sa inyo," sagot ko.
"Tita, pumayag na lang po kayo hindi po magpapatalo si Tin, magsasayang lang kayo kaka debate sa kanya," sabat ni Catherine.
Napabuntong hinga naman si Mama. "Sige na, gawin mo na kung anong gusto mong gawin," sumusukong sabi niya.
Napangiti naman ako tsaka tinuloy ang paghahanap ng damit niya.
"Tin, ayos lang ba talaga na marami kaming piliin?" sabi ni Kuya. "Ang mahal ng mga damit dito eh."
"Oo Kuya, 'wag mo na lang pansinin ang presyo basta pumili ka lang ng gusto mo at 'wag lang puro damit ang piliin mo pumili ka na rin ng sapatos," sabi ko.
Lahat kasi nandito na, damit pambabae at lalaki, mga sapatos, bag at iba pa. Ayoko na kasing palipat lipat ng shop, madali pa naman akong mahilo, ayoko naman mangyari iyon baka hindi ko ma enjoy ang bonding namin.
Hindi namin kasama dito ang triplets, iniwan namin sa day care dito sa mall para makapag shopping kami ng maayos, paniguradong maiinip lang ang mga bata kung isasama namin dito. Kukunin naman namin sila after naming makapag shopping.
"Heto ma ang suotin niyo para donyang donya ka sa family picture namin," sabi ko. Isang maroon fitted dress na hanggang tuhod ang pinili ko, long sleeve na hanggang siko din ito.
"Isusuot ko na ngayon?" tanong ni Mama.
"Opo," sagot ko.
"Pwede ba?" tanong niya.
"Opo babayaran naman po natin," sabi ko.
"Sige magpapalit na ako," sabi niya tsaka pumasok sa dressing room.
Si Papa naman pinag black suit ko siya habnag si Kuya pinag white long sleeve polo at black pants ko siya. Maganda ang katawan ni Kuya kaya bagay na bagay sa kanya ang suot niya, si Papa naman mas gumwapo siya sa suot niya.
Nang matapos magbihis si Mama, binayaran ko na damit na pinili namin pati ang suot nila sa cashier pagkatapos nun bumalik kami sa day care para kunin ang triplet, binihisan muna namin sila bago kami umalis doon. Sunod na pinuntahan namin ay salon para maipayos sila, nagpaaos na rin ako dahil nawala na ang pagka curl ng buhok ko. Dalawang oras ang lumipas ng matapos kami.
"Wow," manghang sabi ko ng makita ko sila. "Mas gumana at gumwapo kayo."
"Salamat," sabi nila.
"Punta na tayo sa magpi-picture sa atin and after that kakain na tayo," sabi ko.
Naglakad na kami papunta sa kung saan kami magpapa-picture. Napansin ko na tinitignan kami ng mga nadadaanan namin pero hindi ko na lang pinansin ang mga nakatingin. Pagdating namin doon, inasikaso naman kami agad.
"Dito ka muna Catherine," sabi ko ng mag uumpisa na ang pictorial.
"Okay," sabi niya.
Ilang minuto ang tinagal bago kami natapos, may solo kasi kaming mga pictures then sina Mama at Papa swempre may couple picture sila. Sa loob ng ilang taon ngayon lang ulit sila naka pagpa-picture ng ganito. Nang matapos kami nagpunta kami sa malapit na restaurant, masakit na ang paa ko at hindi ko na kayang maglakad pa ng malayo.
Ako na ang nag order ng pagkain namin, hindi ko hinayaan na makita nina Mama ang presyo ng pagkain dahil paniguradong mag de-debate na naman kami ni Mama.
"Mahal dito diba?" sabi ni Mama. Ayan na nga ba ang sinasabi ko.
"Ma, 'wag mo ng pansinin ang presyo," sabi ko para wala na siyang sabihin pa. Matipid kasi talaga si Mama, kahit gustong gusto niya ang damit kapag nalaman niya ang price hindi na bibilhin pa kaya ngayon na may pera na ako, ibibili ko lahat ng gusto niya, i-spoiled ko siya gaya ng ginawa niya sa amin ni Kuya. Kahit wala kaming pera kapag may pabibili kami gagawa siya ng paraan para mabili lang niya. Kaya sobrang mahal na mahal ko si Mama at ganun din si Papa.
"Hon, hayaan mo na lang si Tin, diba kaya nga pumayag siyang mag aral sa France para maibigay niya ang gusto natin baka ngayon na may pera siya ginagawa na niya," sabi ni Papa kay Mama. Tumango naman ako para sumang ayon sa sinabi ni Papa.
"Oo nga po Ma, pangarap ito ni Tin na mabigyan tayo ng magandang buhay, kaya 'wag niyo na po siyang bawalan," sabi ni Kuya.
Napabuntong hinga naman si Mama. "Ano pa nga bang magagawa ko? Pinagtutulungan niyo na ako eh," sabi ni Mama. "Basta anak 'wag mong kalimutan ang sarili mo ha? DApat may matira pa rin sa 'yo."
"Opo Mama, don't worry," sabi ko.
"'Wag kayong mag alala Tita, marami yang ipon," sabi ni Christine.
To be continued...