Chapter 7

1702 Words
CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Ang dami niyo namang napamili Margaret," sabi ni Aling Pasita, isa chismosa dito na kaibigan ni Aling Karla. Kasalukuyan kasing pinapasok nina Papa at Kuya ang grocery at shinapping namin. "Ito kasing dalaga ko ayaw pa awat kaya ayan ang dami naming napamili," sabi ni Mama. "Wow, ang swerte mo naman sa anak mo," sabi ni Aling Pasita. "Matagal ko na po kasing gustong i-spoiled sina Mama at Papa para naman maibalik ko sa kanila ang ginawa nilang pagpapalaki sa amin," sagot ko. "Sana may ganyan din akong anak, yung mga anak ko kasi nagsipag asawa na ng maaga," sabi niya.  Bigla ko tuloy naalala nung panahong nandito pa ako sa pilipinas noon, harap harapang sinabi niya sa akin kasama si Tita Lea na mabubuntis lang ako ng maaga at hindi makakapag tapos dahil pumupunta sa bahay ang mga kaibigan kong lalaki. Nung panahon na iyon hindi ko pa kayang lumaban nun kaya hinayaan ko na sila at papatunayan sa kanila na mali sila kaya tignan mo ngayon, successful na ako hindi gaya ng mga anak nila na nagsipag asawa agad ng hindi man lang sila nakakatulong. Ang hirap kasi sa mga chismosa, ang daming nakikita sa anak ng iba pero anak nila hindi man lang nila nakikita. Lagi na lang silang nakikielam sa buhay ng ibang tao, hindi na lang nila pagtuunan ng pansin ang mga anak nila. Tignan mo tuloy na buntis ng maaga ang mga anak niya, babae pa naman lahat ng limang anak niya at mas matanda pa ako sa kanila. "Alam niyo po kasi Aling Pasita, dapat kasi imbis na ako ang binabantayan niyo dapat ang mga anak niyo na lang ang binatayan niyo, ayan tuloy nagkaanak ng maaga," Gusto kong sabihin iyan pero 'wag na lang baka mapaaway lang ako pag tuunan ko na lang ng pansin ang pag i-spoiled ko kina Mama at Papa. "Sige po Aling Pasita, iwan na namin po kayo aayusin pa po namin ang pinamili namin," nakangiting sabi ko. ~ "MAMA may pupuntahan lang po ako," paalam ko kay Mama matapos kong tulungan si Mama sa pinamili namin. "Sige, anak mag iingat ka," sabi ni Mama. Pupuntahan ko ngayon ang pinapagawa kong bahay titignan ko kung ano ng process doon. Malapit na rin naman matapos, ang sabi ko sa engineer ko na kailangan matapos ang bahay sa anniversary nina Mama which is next week na. Kaya naman daw iyon pero kailangan namin ng mas madaming man power kaya nag hire pa ako ng construction worker para agad matapos.  "Hello, Eng. Jerico, I'm Constantina Ramos, Nice to meet you," pakilala ko sa engineer ko. "Nice to meet you too, Ms. Ramos," sabi niya at nakipagkamay.  "Malapit na po bang matapos ang mansion?" tanong ko. "Yes, baka wala pang deadline matapos na ito," sabi niya. "Mabuti naman," sabi ko. Nilibot ko ang buong bahay, sobrang satisfied ako dahil lahat talaga ng gusto ko ay kuhang kuha, walang labis walang kulang. Gusto ko kasi na maganda ang titirhan nina Mama kaya hindi ko tinipid ang gamit dito kahit magkano pa ang gagastusin ko para masigurong maganda at matibay ang titirhan namin. Three story ang pinagawa ko, nasa third floor ang kwarto naming magpapamily, sa second floor nandoon ang dalawang guest room, home cinema at game room para may malaro ang triplets kapag lumaki na sila at sa first floor swempre nandoon ang sala, kitchen, maids room at ang office ko para kapag nandito ako may space ako para sa trabaho ko, ayoko kasing gamitin ang kwarto ko as working place dahil ayokong maiba ang ambiance nito. Meron din akong pinagawang swimming pool for adults and kids, meron ding playground at basketball court dahil mahilig mag basketball si Kuya at Papa at hindi pwedeng mawala ng garden lalo na at plantita si Mama, sobrang hilig niya sa halaman.  Hindi ko tuloy maiwasang ma excite na mapakita ito kina Mama, siguradong matutuwa sila lalo na si Mama dahil pangarap niya ang lupang ito. Matagal na rin nilang gustong magkaroon ng sariling bahay dahil nung si Kuya pa lang ang anak nila nakatira na sila sa magulang ni Papa. Hindi sila nakabili ng bahay dahil sa kahirapan, hindi na rin sila nakapag ipon dahil mas inuna nila kami. Lalabas na sana ako ng mansion ng may nakita ako bigla na tao sa labas ng gate kaya napahinto ako. Kapit bahay lang namin iyon baka kapag nakita nila ako makarating pa kina Mama, mahirap na baka masira ang surprise ko para sa kanila. "Anong problema Ms. Ramos?" takang tanong ni Eng. ng makita niyang nakatago ako sa gilid ng pinto. "May kakilala ako na dumaan baka kapag nakita nila ako masira ang surprise ko para kina Mama," sabi ko. Napatango siya. "Okay, sige Ms. Ramos iwan na muna kita," paalam niya tumango naman ako sa kanya kaya umalis na siya. Nang masiguro ko na wala ng tao sa labas ng mansion lumabas na ako tsaka naglakad na pauwi. Malapit lang naman ito sa inuupahan namin kaya hindi ko na ginamit ang kotse ko. Gusto ko ngang dalhin iyon dito dahil walang parking lot doon pero baka makita nila na naka park sa mansion ang kotse ko magtaka pa sila. ~ "ANAK KAILANGAN ba na bongga nag party? Anniversary lang naman namin ng Papa mo," reklamo ni Mama. "Oo nga anak, parang ang laki ng gastos mo dito," sang ayon ni Papa. "Ma, Pa, hindi lang anniversary iyon, special iyon sa inyo," sagot ko sa kanya. Kasalukuyan kaming naghahanda para sa 25 wedding anniversary nina Papa at Mama ngayon. Naghire ako ng make up artist at hair dresser na kasalukuyang inaayusan sina Mama at Papa. Nag hire ako ng catering para hindi na mahirapan pa sina Mama na magluto, si Mama lagi ang kinukuha nilang tagaluto kapag may okasyon dito dahil masarap magluto si Mama pero ngayon kailangan niyang magpahinga muna. Sa harap lang ng bahay gaganapin ang party, kahit gusto ko na sa hotel ganapin hindi pwede dahil sa surprise ko sa kanila na bahay at lupa. Nag rent na lang ako ng malaking tent sa baranggay dahil maliit lang ang daan namin nasakop nito ang buong daan kaya sinarado muna. May daan naman paikot kaya ayos lang na harangan ang daan. "Pero parang sobra naman ito, magkano ba ang ginastos mo para dito?" tanong ni Mama. "Ma, sabi ko 'wag niyo ng pansinin ang mga ginastos ko dahil ayokong ma stress ka," sabi ko sa kanya. "Once a year lang naman mangyayari ang wedding anniversary niyo at ito pa lang ang unang beses na i-ce-celebrate natin ng ganito." "Eh kasi naman anak nag aalala ako baka maubos nag ipon mo dahil lang dito," sabi ni Mama. "Tita, sabi ko nga po sa inyo hindi mauubos ang ipon ng anak niyo," sabat ni Catherine na kasalukuyang nilalaro ang triplets na nasa kuna nila. Medyo malaki ang kuna kaya kasya silang tatlo, ang lilikot kasi nila kaya kailangan namin silang ikulong sa kuna nila. "Bakit naman?" takang tanong ni Mama. "Malalaman niyo rin po mamaya," sagot ko. "Alam mo anak parang hindi na kita kilala, ang dami kong hindi alam sa 'yo lagi na lang akong nagugulat," sabi ni Mama. "Don't worry Ma, after this malalaman niyo na lahat tungkol sa akiin but for the meantime just relax and enjoy your wedding anniversary," sabi ko sa kanila. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Hindi maiwasan ng mga kapit bahay nina Constantina na pag usapan ang bonggang party na sinagawa nila. Normal naman sa kanila  na makakita ng mga ganito ka bonggang party dahil ang iba sa kapit bahay nila ay medyo may mga kaya pero hindi normal sa kanila na makita na may bonggang party kina Constantina dahil never pa silang nag ganito at alam nila na wala silang pera. "Mukhang may naipong pera ang anak nila ah," sabi ni Aling Pasita, kausap niya ang tatlong kapatid na babae ng Papa ni Constantina. "May pera naman pala bakit hindi man lang niya magawang tumulong," inis na sabi ni Lolita. "Oo nga, porket nagkapera lang yumabang agad," sang ayon ni Flora. "Wow naman po ah," sabat ni Yula na nakatambay din sa labas habang hinihintay ang oras para sa party. "Makapagsabi naman kayo na tumulong sila parang ang laki ng utang na loob nila sa inyo. Nung nangangailangan sila ng tulong hindi niyo man lang nagawa na tulungan man lang sila."  Naiinis kasi siya sa mga ito kung makapag salita parang responsibilidad ni Constantina na bigyan sila ng pera pero noon ni minsan hindi man nila nagawang tulungan sila noon nung nangangailangan sila ng tulong. "Malamang reponsibilidad pa ba namin na tulungan sila?" sagot ni Lea. "Eh responsibilidad din ba nila kayo na tulungan?" tanong ni Yula. Matabil talaga ang dila niya kahit matanda sa kanya papatulan niya basta alam niyang nasa tama siya. Laging siya nga ang nagtatanggol kay Constantina kapag inaapi ito ng mga kamag anak nila. Dati hindi pa marunong lumaban ang kaibigan niya kaya proud na proud siya ng marinig niyang sumagot ang kaibigan niya. "Ayaw niyo na tulungan sila pero ang kapal ng mga mukha niyo na sabihin na tulungan nila kayo, aba mahiya naman kayo. Sabagay wala naman kayong hiya." "Aba't walang hiya kang babae ka ah!" galit na sabi ni Lea. "Sige subukan mo para mapunta na naman tayo sa baranggay tignan natin kung pagbibigyan ka pa," sabi niya ng akmang sasaktan siya. Natigil naman si Lea sa ginawa niya, takot na siyang mapunta ulit sa baranggay dahil marami na siyang record doon. Once na madawit pa ulit siya sa gulo ikukulong na siya ng mga ito. Marami kasi ang nag rereklamo sa kanila dahil sa pagiging chismosa nila, gumagawa ng kwento ng hindi totoo. Sa ibang reklamo nakakalusot siya pero ng ang anak naman ng kapitan ang ginawan niya ng kwento kaya nakulong siya ng ilang araw pero agad ding nakapag piyansa. Pinagkalat kasi nito na buntis ang anak ng kapitan kumalat ito hanggang sa school ng anak ng kapitan dahilan para tuksuhin ito ng mga kaklase niya, na depress ito dahilan para magpakamatay pero sa awa ng Diyos ay nailigtas ito dahil doon hindi na talaga nagawang magpigil ng kapitan at pinakulong na si Lea. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD