THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Mars, ang bongga naman ng party niyo," sabi ni Aling Pasita.
"Iyong anak ko kasi gusto niya na ganito," sagot ni Margaret. "
"Naku dapat sabihan mo ang anak mo na 'wag gumastos ng ganito kalaki sa mga ganitong walang kwentang bagay," sagot ni Aling Pasita.
"Hindi po walang kwenta ang wedding anniversary," sagot ni Constantina na kararating lang. Umalis iyang upang kunin ang damit na pinagawa niya. "At 'wag na lang po kayong makielam kung saan ko gagastusin ang pera ko."
Naiinis naman si Aling Pasita sa sinabi niya. "Sinasabihan lang kita dahil ang mga kabataan pa naman ngayon hindi marunong mag ipon, gastos lang ng gastos sa mga walang kwentang bagay," sagot niya.
"Oo nga naman, kung ano ano ang mga binibili ng mga kabataan ngayon, imbis na mag ipon ginagastos pa nila sa walang kwentang bagay," sang ayon ni Lolita.
"Tingin po walang kwenta ang paghahanda ko sa anniversary nina Mama at Papa? Bawal na bang i-celebrate ang araw kung kelan sila naging isa?" tanong niya.
"Hindi naman pero sana hindi an lang ganito ka bongga," sagot ni Aling Pasita.
"Isang beses ko pa lang namna po itong nagagawa sa mga magulang ko kaya bakit ko titipirin ang anniversary nila, kung inaalala niyo na mawawalan kami ng pera 'wag po kayong mag alala dahil marami pa akong naitagong pera," sagot niya.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang big deal sa kanila ang ginawa niya para sa anniversary ng mga magulang niya. Swempre bilang anak gusto niya na mapasaya ang mga magulang niya, gusto niya na maging special ang araw kung kelan sila naging isa. Hindi na ba nila pwedeng paghandaan iyon?
"Grabe ah, kung makapag salita ka ng marami kang itinatagong pera parang million," sabat ng pinsan niya na si Barbie, anak ng Tita Lea niya.
"Bakit kailangan ba million lang ang itatagong pera?" sagot niya dito. "Atleast ako kahit papano may naitabi akong pera, ikaw meron?" Hindi nakapag salita si Barbie pero kita sa mukha niya ang inis. Hindi kasi siya nakapagtapos ng pag aaral dahil nabuntis siya ng maaga, hindi rin siya pinanagutan ng nakabuntis sa kanya kaya ngayon umaasa na lang siya sa mga magulang niya ng pang tustos sa anak niya. "Alam niyo po, mind your own business na lang po, hayaan niyo na lang po ako sa gusto kong gawin kung mali man ang disisyon na ginagawa ko problema ko na po iyon, okay."
"Alam mo sinasabi lang namin dahil baka maubos agad ang pera mo tapos parang kami pa ang masama," galit na sabi ni Aling Pasita.
Gustong umirap ni Constantina sa sinabi nito. "Alam niyo naman po palang pera ko kaya hayaan niyo na akong mag manage ng PERA KO, ang sabi ko kung maubos man ang pera ko dahil gastos ako ng gastos kasalanan ko na iyon hindi sa inyo," sabi niya.
"Edi bahala ka," sabi nito.
"Opo, bahala na po talaga ako," sabi niya.
~
"Grabe, 'yung mga kapit bahay niyo," sabi ni Catherine, narinig niya ang pinag usapan nina Constantina at kapit bahay nila kanina. "Walang magawa sa buhay kundi makielam sa ibang tao, bakit hindi na lang kaya nila problemahin ang problema nila."
"Hayaan mo na sila, hanggang 'dun lang naman ang alam nila," sabi ni Constantina tapos tumingin sa orasan. "Kailangan ko na palang ibigay kina Mama ang regalo nila bago maggabi." sabi niya tsaka tumayo.
Kanina pa nag umpisa ang party, tumulong silang aiksuhin ang mga bisita. Nang makaramdam ng pagod pumasok muna sila sa loob ng bahay pa makapag pahinga.
"Siguradong matutuwa ang mga magulang mo sa regalo mo," sabi ni Catherine habang lumalabas sila.
Ngumiti naman siya. "Yeah, pangarap nilang magkaroon ng sariling bahay kaya talagang matutuwa sila," sagot ni Constantina.
Pagdating nila sa party nilapitan ni Constantina ang mga magulang niya na abala sa pakikipag usap sa mga bisita.
"Ma, Pa, nag enjoy po ba kayo?" tanong niya.
"Oo naman anak," sabi ng Mama niya. "Ngayon lang ako nakaranas ng ganito ka bonggang party, salamat sa 'yo naranasan ko it."
"Wala po iyon Mama," nakangiting sabi niya. "At hindi pa po ito ang huling party na mararanasan niyo."
"Napaka swerte mo naman sa anak mo," sabi ni Olivia. Kaibigan ni Margaret. "Napakabait na bata, mabuti pa ang anak mo hindi agad naisip na mag asawa, mas inisip niya na makapag tapos ng pag aaral para matulungan kayo."
"Mabuti nga na ganito mag isip ang anak ko," proud na sabi ni Margaret.
"Pinalaki niyo po kasi kaming mabuting anak, Mama," magalang na sagot niya.
"Pero may sarili kang utak anak, pinalaki lang kita pero hindi ko na hawak kung anong tumatakbo sa isip mo," sagot ni Margaret.
"Tama ang Mama mo kasi may mga kapataan na pinalaking mabuting anak pero lumaking walang galang, nasa tao rin kung paano siya mag iisip," sabi ni Olivia.
Ngumiti na lang si Constantina sa sinabi nito. "Oo nga po pala Ma, Pa, heto nga po pala ang regalo ko sa inyo," sabi niya at binigay ang maliit na regalo, kasing laki ng lalagyan ng singsing.
"Iyan lang ang ireregalo mo sa magulang mo? Ang liit naman," sabat ni Aling Karla.
"Kung mag reklamo ka naman parang ikaw ang niregaluhan ah," sabat ni Perla. "Ang laki na kaya ng ginastos ni Tin, tignan mo nga itong party nila ang bongga."
"Iyon na nga, ang gara gara ng party pero ang liit ng regalo, iyan nga ang sinasabi ko dapat marunong kang gumastos," sagot ni Aling Pasita.
"Don't worry po, maliit man ang regalong iyan malaki naman ang halaga ng nasa loob niyan," sagot ni Constantina.
"Ano bang laman niyan? Buksan mo nga Margaret ng makita namin," sabi ni Lea.
Konti na lang mapupuno na si Constantina, kanina pa siya nagtitimpi sa mga ito.
"Hindi niya muna po ito kailangan buksan dahil may pupuntahan muna kami," sagot niya.
"Saan tayo pupunta anak?" tanong ni Margaret.
Nginitian naman niya ito. "Doon niyo po malalaman kung bakit malaki ang halaga ng nasa maliit na box na iyan," sabi niya pagkatapos humarap muli sa bisita. "Maghintay muna po kayo dito habang wala kami pero kung gusto niyong sumama ayos lang," sabi niya sa mga ito. "Tara po, Ma, Pa." Maglalakad na sana siya ng makita niya ang Kuya niya. "Kuya, sama ka dali."
"Pero walang magbabantay sa triplets," sabi ng kuya niya.
"Ako ng bahala sa kanila, Kuya Nathan sumama ka na sa kanila," sabi ni Catherine.
"Ayos lang sa 'yo?" tanong ni Nathan.
"Oo naman," sagot ni Catherine.
"Okay," sabi niya tsaka sumunod sa magulang at kapatid niya.
Dahil gustong malaman nina Aling Pasita kung saan pupunta sina Constantina sinundan nila ito.
Ilang minutong naglalakad sina Constantina ng huminto sila tsaka tumingin sa napakalaking mansion na nasa tabi nila. Kahit lagi nila itong nakikita hindi pa rin mawala sa kanila ang mangha kapag nakikita ang mansion na ito dahil lahat sila pangarap na tumira sa ganun kalaking bahay.
"Ma, naalala niyo pa noon yung pinag usapan natin nung napadaan tayo sa loteng ito noon," sabi ni Constantina.
"Oo naman anak, pangarap kong mabili ang loteng iyan dati," sagot ng Mama niya.
"Then sabi ko kapag lumaki ako bibilhin ko ito kapag available pa," dagdag niya.
"Oo nga pero may nakabili na ng loteng iyan," malungkot na sabi nito.
"Kahit naman hindi pa nabibili iyan malabo naman na mabili mo iyan," sabat ni Lolita.
"Oo nga, ang alam ko milyon ang halaga niyan kaya 'wag kayong mag ilusyon na mabibili niyo iyan," sang ayon ni Flora.
"Pwede po ba kapag hindi kayo kinakausap 'wag kayong sumabat," inis na sabi niya, hindi na siya nakapag timpi kanina pa siya napupuno.
"Aba't bastos kang bata ka ah," sabi ni Lea. "Eh totoo naman ang sinabi niya, 'wag kayong ilusyonada na mabibili niyo iyan."
Sasagot sana siya ng pinigilan siya ng Mama niya. "Tama na anak baka mapaaway ka pa," sabi nito.
Huminga siya ng malalim tsaka nginitian ito. "Ma, iyang maliit na regalo ko pwede mo po bang buksan?" sabi niya.
"Pwede ko na bang buksan?" paniniguro ng mama niya.
"Opo," sagot niya.
Binuksan naman ng Mama niya ang regalo, nagtaka sila ng makitang isang susi ang nasa loob. "Susi? Para saan ito?" takang tanong nito.
"Kunin niyo sa loob," utos niya, sinunod naman siya ng mama niya. "Pagkatapos pumasok po kayo sa mansion na iyon at buksan ang pintuan."
Nagulat naman ang mama niya pati ang mga kasama nila. "Anak tresspasing ang gagawinko," sagot nito.
"Oo nga, gusto niyo bang makulong?" sabat ni Lea pero hindi niya ito pinansin.
"Trust me Ma, hindi tayo makukulong," sabi niya.
"Nababaliw ka na ba Tin? Margaret 'wag mong gawin iyan," sabi ni ALing Karla.
"Don't mind them, sa akin ka makinig ma, buksan niyo po, promise walang makukulong sa atin," sabi niya.
Nagdadalawang isip si Margaret pero sinunod niya ang sinabi ng anak kaya naglakad siya papalapit sa mansion. "Pa, samahan mo si Mama," sabi ni Constantina. Agad naman sinunod ni Antonio ang anak.
Gustong huminto ni Margaret pero ng makita ng ngiti ng anak tinuloy niya ang pagpasok sa gate. Nagulat siya ng hindi naka lock iyon, matapos nilang makapasok naglakad sila papunta sa front door.
"Anak sigurado ka ba?" tanong niya sa anak.
"Yes, ma," nakangiting sabi ng anak niya. "Wait check niyo muna po kung naka lock." Ginawa naman niya ang sinabi nito.
"Naka lock," sagot niya.
"So, ngayon naman buksan niyo gamit ang susing iyan," sabi nito.
"Tin, kung ako sa 'yo tigilan mo na ang kalokohan mo," awat ni Lea.
"Hindi po kalokohan ang ginagawa ko," sagot ni Constantina.
"Bahala ka, Margaret kapag nakulong ka 'wag kang hihingi ng tulong sa amin," sabi ni Lea.
"Hindi po mangyayari iyon at hinding hindi na kami hihingi ng tulong sa inyo,"s agot ni Constantina tsaka humarap muli sa mga magulang. "Sige na po ma, buksan niyo na."
Kahit nagdadalawang isip siya pinasok niya ang susi pagkatapos nakapikit niyang inikot, napamulat siya sa gulat ng marinig ang pag click ng pinto.Para makasiguro kung tama nga ang narinig niya binuksan niya ang pintuan na kina gulat niya at ng asawa niya pati na rin ang mga nanunuod.
Agad siyang tumingin sa anak niya. "Anak," sabi nila lang, hindi niya alam ang sasabihin niya. May ideang pumapasok sa utak niya pero ayaw niyang ituloy dahil imposible, kailangan niyang makasiguro sa anak niya.
Ngumiti ng malapad ang anak niya. "Surprise, that's my gift. A house and lot," sagot nito na mas lalo nilang kinatulala. Naglakad papalapit sa kanila si Constantina pagkatapos hinawakan ang mga kamay nila. "Ma, Pa, diba promise ko patatayuan ko kayo ng house and lot? Heto na iyon, ang dream house natin."
"Seryoso ka anak? Hindi ka ba nagbibiro?" tanong ng Papa niya, ang amma niya hindi makapag salita sa gulat.
"Pa, anong tingin mo sa akin, nagbibiro? Totoo po ito, binili ko ang lupang ito last year, mabuti na lang talaga wala pa ring nakakabili nito pagkatapos nun pinatayuan ko ito ng dream house natin," paliwanag niya.
Yung kaning luhang pinipigilan nila ay pumatak na. Kilala nila ang anak nila, hindi ito marunong magsinungaling, alam nilang nagsasabi ito ng totoo.
To be continued...