THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Agad pinag kalat nina Aling Karla at Pasita ang nakita nila kanina pagbalik nila sa party. Nauna na silang bumalik dahil nililibot nina Constantina ang bagong bahay nila.
"Totoong mansion ang niregalo ni Tin kina Margaret? Yung mansion na lagi nating tinitignan?" gulat na tanong ni Mika sa nanay niya.
"Oo, hindi man kaoani-paniwala pero totoo iyon," sagot ni Karla.
"Wow, ang swerte naman ni Margaret at binigyan siya ng mansion ng anak niya," sabi ni Camille, kasa-kasama nina Karla sa chismisan. "Kaya pala nakapag handa ng bongga si Tin dahil marami siyang pera."
"Oo nga, nakakagulat lang na nagpunta lang si Tin sa ibang basa para mag aral tapos pagbalik niya sobrang yaman na niya, paano kaya ito yumaman?" sabi ni Vilma, isa rin sa mga chismosa.
"Masipag at madiskarte po siya kaya siya yumaman," sabat ni Catherine, nagtaka siya kung bakit parang nagkakagulo sa labas kaya lumabas siya at saktong narinig niya ang usapan ng mga chismosa.
"Alam mo kung paano yumaman si Tin?" tanong ni Camille.
"Oo naman po, kasama niya ako nung nag uumpisa pa lang siya," sagot niya.
"Kung ganun paano yumaman si Tin?" tanong ni Karla.
"Sabi ko nga po masipag at madiskarte siya," sagot niya.
"Maliban doon, paano siya nag umpisa?" tanong ni Pasita.
"Mas mabuting pong kay Tin niyo na lang po iyan tanungin," sagot niya.
CONSTANTINA'S POINT OF VIEW
"Anak sigurado ka ba talagang sa atin itong napakalaking mansion na ito?" paniniguro ni Mama.
"Oo naman po," sagot ko.
Hindi ko sila masisisi kung ganyan sila mag react dahil kung ako ang nasa posisyon nila magugulat din ako kapag binigyan ako ng isang mansion.
"Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na nakapasok ako sa ganito kalaking bahay," sabi ni Kuya.
"At ngayon araw araw ka ng nandito Kuya," sabi ko.
"Pakiramdam ko nananaginip lang ako," sabi niya.
Natawa naman ako ng mahina. "Don't worry Kuya hindi ka nananaginip," sabi ko. "Tara, tuloy na natin ang pag tour ko sa inyo dito."
Una ko silang nilibot sa labas ng mansion, tuwang tuwa sila ng makitang mag swimming pool at basketball court. Nagustuhan naman ni Mama ang mga halaman na nakatanim sa mga garden, pagkatapos sa labas sa loob ng mansion ko sila nilibot swempre una sa 1st fllor then second floor and last ang third floor.
"Ito ang master bedroom, ito ang pinakamalaking room, may malaking c.r at walk-in-closet," sabi ko sa kanila. "And dito ang kwarto niyo Ma, Pa."
"Sa amin ito? Diba dapat sa 'yo kasi ikaw ang bumili nito?" tanong ni Mama.
"Ako nga pong bumili pero nakapangalan po sa inyo ito," sagot ko, nagulat naman sila sa sinabi ko.
"Ipapangalan mo sa amin ito?" tanong ni Papa.
"Oo naman po, sabi ko naman po sa inyo ibibili ko kaya ng bahay," sabi ko.
Naluha na naman si Mama. "Ang swerte swerte namin sa 'yo, natupad mo ang pangarap namin na akala namin hindi na matutupad," sabi niya.
"Sinabi ko naman sa inyo na tutuparin ko lahat ng pangarap niyo," sabi ko habang pinupunasan ang luha niya.
"Alam ko naman iyon pero hindi ko inaasahan na maaga mong tutuparin ang pangako mo," sabi niya.
Napangiti naman ako. "Ako nga rin po hindi ko inaasahan na mabalis kong magagawa lahat ng mga ito," sabi ko.
"Nandiyan na rin tayo sa usapang iyan, gusto namin malaman kung paano mo nabili ang lupang ito at nakapag pagawa ng ganito kalaking mansion?" tanong ni Papa.
"Ganito po kasi..."
-FLASHBACK-
"Anak mag iingat ka doon ha?" sabi ni Papa.
Nandito kami ngayon sa airport, ngayong araw ang alis ko papuntang France. Nakuha kasi ako bilang scholar doon, kinuha nila ako matapos nila akong makitang manalo sa quiz bee, hindi lang kasi basta basta quiz bee lang iyon dahil sobrang hirap ng mga tanong.
Marunong naman akong mag frech kaya hindi ako nag dalawang isip na tanggapin iyon, kilalang university sa France ang papasukan ko, magandang oportunity ito para sa akin dahil kapag naka graduate ako doon malaki ang chance na makapasok ako sa magandang trabaho.
"'Wag mong kalimutan na tumawag sa amin kapag nandoon ka na," sabi ni Mama.
"Opo, hindi ko po kakalimutan ang mga bilin niyo," sagot ko sa kanila. "Sige po alis na ako dahil tinatawag na ang flight namin."
"Sige anak mag iingat ka," sabi ni Mama tsaka ako niyakap ganun din si Papa.
"Alis na po ako," sabi ko tsaka naglakad.
Ilang minuto lang nakarating na ako sa loob ng eroplano, nasa tabi lang ako ng bintana kaya sumilip ako baka sakaling makita ko dito sina Mama pero hindi ko sila makita.
~
"A DEMAIN, Constantina," (See you tomorrow, Constantina) paalam ng mga kaklase ko.
"A demain," paalam ko rin sa kanila.
Limang buwan na ang lumipas ng makarating ako dito sa France, masasabi ko kahit papano may mga naging kaibigan na rin ako mababait naman sila, meron din namang hindi ganun kaganda ang ugali pero hindi naman maaalis 'yan, kahit saang bansa ka pa mag punta meron at merong ganyang tao.
Matapos magpaalam sa akin ng mga kaklase ko nauna na silang umalis nang mawala na sila saka rin ako naglakad paalis. Habang naglalakad ako sa hallway namin maraming bumabati sa akin kaya binabati ko sila pabalik.
"Sobrang kilala mo na talaga dito," sabi ni Catherine paglapit ko sa kanya. She's my dorm mate and my best friend. Mabuti na lang pilipino siya para may kausap naman ako sa dialect ko. oo, marunong akong mag french pero iba pa rin kapag Filipino ang kausap ko at least kahit paano hindi ako ma-ho-home sick sa pilipinas.
"Hindi naman," sagot ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi sa dorm namin.
"Masyado kang hamble, totoo naman kasi na sobrang sikat mo dito, maliban kasi sa maganda ka, napakatalino, mabait at friendly ka kaya maraming gusto maging kaibigan ka," sabi niya.
Napailing naman sa sinabi niya. "Masyado naman yata iyong exaggerate," sagot ko sa kanya.
"Bakit ba ayaw mong maniwala ha? Tingin mo sa akin sinungaling?" sabi nita habang naka taas ang kilay niya.
Mabilis naman akong umiling. "No, hindi naman sa ganun masyado lang kasing exaggerated ang sinasabi mo," sabi ko.
"Hindi naman iyon exaggerated dahil totoo ang sinasabi ko," sagot niya.
"Oo na sige na naniniwala na ako," sabi ko dahil kapag hindi pa ako sumuko matagal na debate ang mangyayari, kialla ko pa naman siya hindi siya marunong magpatalo.
Nang makarating kami sa dorm agad akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis dahil may part time job pa kami ni Catherine. Sayang naman kasi kung hindi ko pakikinabangan ang pagpunta ko dito sa France, marami pa naman akong oras kapag uwian at imbis na tumambay lang ako sa bahay mas magandang mag trabaho na lang ako para may maipadala ako kina Mama kahit papano, may allowance naman akong natatnggap sa school at libre ang pagkain ko doon sa school kaya wala akong po-problemahin sa pang araw araw ko.
"Anong kakainin natin?" tanong ni Catherine, siya naman ngayon ang naka tokang magluto ngayon, alternate kami sa pagluluto at kapag sunday ay general cleaning namin kapag sunday dahil day of namin iyon.
"Gusto kong mag sinigang ngayon," sabi ko.
Napatango naman siya. "Gusto ko rin niyan," sabi niya.
French food ang laging kinakain namin sa school kaya naman dito sa dorm ay puro Filipino food ang niluluto namin. Iba rin kasi na yung nakasanayan mo na ang kinakain mo, masarap anman ang mga pagkain dito pero nakakamiss ang pagkain ng pinoy.
May isa't kalahating oras pa naman kami para sa part time namin kaya makakapag pahinga pa kami kahit papano. Parehas kaming nag ta-trabaho ni Catherine sa isang cafe shop parehas kaming waitress doon. Tuwang tuwa naman si Catherine dahil ang cute ng uniform namin, maid cafe kasi ang theme ng cafe namin kaya nakasuot kami ng maid uniform habang ang mga lalaki ay naka butler uniform.
"GOOD EVENING," bati namin ni Catherine kina Luna at Jenny dahil sila lang nandito pagpasok namin sa back door.
"Good morning sa inyo," bati nila.
Anim kaming waitress, apat ang waiter at dalawang barista lahat sila full time worker kami lang ni Catherine ang part time. Tumanggap sila ng part time dahil mas marami ang mga customer kapag gabi, tamang tama lang naman sa amin iyon dahil available lang kami ng gabi.
"Marami bang customer ngayong gabi?" tanong ko sa kanila habang kinukuha ko ang uniform namin sa locker ko. Lahat kaming nagta-trabaho dito ay pilipino, iyon kasi ang gusto ng may ari, gusto niya kasing matulungan ang kapwa niya pilipino na nandito sa France.
"Alam mo naman na maraming customer kapag gabi," sabi ni Jenny.
"Oo nga at dahil iyon sa 'yo, maraming pumupunta dito para lang makita ka," sabi ni Luna.
"Anong dahil sa kanya? Dahil kaya sa akin kung bakit maraming customer dito," biglang singit n Lyca, mula ng maging waitress kami dito laging mainit ang dugo niya sa akin kasama ang kaibigan niyang si Angela. Hindi ko alam kung anong dahilan wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
"Wow, ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo," sabi ni Luna sa kanya. "Isang taon ka ng nandito pero ni minsan hindi ganito kadami ang nagiging customer natin, mula lang ng dumating si Consta doon lang dumami."
"Tama, kaya 'wag makapal ang mukha," sang ayon ni Jenny.
"Hmp, mas maganda naman ako kay Consta," mataray na sabi niya saka lumabas ng locker room.
"Kapal talaga ng mukha niya," sabi ni Catherine nakabihis na siya ng uniform namin.
"Pick me girl kasi ang babaeng iyon, gusto niya lahat ng lalaki sa kanya naka atensyon," sabi ni Luna. "Kung hindi lang ako nanghihinayang sa malaking pasahod ni Madam baka umalis na ako dito dahil sa babaeng iyon."
"Hayaan niyo na lang siya, pagtuunan na lang natin ang trabaho natin," sabi ko saka pumasok sa c.r para magbihis matapos kong magbihis lumabas na ako ng locker room para simulan ang trabaho ko.
"Bonsoir, quelle est votre commande?" (Good evening, what;s your order?) tanong ko sa dalawang customer agad naman nilang sinabi ang order nila. "D'accord, veuillez attendre votre commande." (Okay, please wait your order)
"Attendez, mademoiselle," (Wait, Miss) pigil niya sa akin. "Je t'observe depuis longtemps, je veux juste te demander si tu as déjà un petit ami ?" (Matagal na kitang pinagmamasdan, gusto ko lang itanong kung may boyfriend ka na ba?)
Umiling naman ako. "Je n'ai pas de petit ami," (Wala akong boyfriend.) sagot ko.
Napangiti naman siya. "Si oui, envisagez-vous d'avoir un petit ami ?" (Kung ganun may balak ka bang mag boyfriend?) tanong niya.
Napabuntong hininga naman ako, inaasahan ko na ito dahil ilang beses na akong tinanong ng ganito. "Je n'ai pas encore l'intention d'avoir un petit ami parce que je veux d'abord finir l'école," (Wala pa akong balak may boyfriend dahil gusto ko munang makapag tapos ng pag aaral) magalang na sabi ko sa kanya. Nakita ko naman sa mga mata niya na na disappoint siya. "Si tu n'as plus rien à dire je partirai." (Kung wala na kayong sasabihin pa aalis na ako)
"D'accord," (Okay) sabi niya.
To be continued...