CONSTANTINA'S POINT OF VIEW
"Haba talaga ng hair mo," sabi ni Jenny. Nakatambay lang kami malapit sa counter dahil medyo kumonti na ang customer dahil malapit na ring magsara ang shop. "Ang daming nagtatanong sa 'yo kung may boyfriend ka na?" Narinig niya kasi ang usapan namin kanina ng customer.
"Nagtanong lang naman siya," sagot ko.
"Oo nagtanong siya para makasiguro na wala kang boyfriend at maligawan ka niya," sabi niya.
"Oo nga, nakakaingit, kelan kaya may magtatanong sa akin ng ganun," sabi ni Luna.
Napailing naman ako. "Wala akong time sa mga ganyang bagay, ang mahalaga sa akin ay makapag tapos para maiahon ko sa hirap ang mga magulang ko," sabi ko.
"Kahit naman na nag aaral ka pwede ka naman na magpaligaw, nakakainspired din kaya na may boyfriend ka," sabi ni Luna.
"Inspired pa rin naman ako dahil sa mga magulang ko," sagot ko sa kanila.
"'Wag na kayong makipagtalo diyan dahil kahit anong sabihin natin hindi magbabago ang isip niya, mas priority niya ang pamilya niya," sabi ni Catherine.
"Well, tama ka, masyadong focus sa pamilya niya," sang ayon ni Jenny.
Nakita kong may customer kaya tumayo na ako. "Mamaya na lang ulit tayo mag usap," sabi ko saka naglakad papalapit sa custumer. "Bienvenue Maître," (Welcome Master) bati ko sa dalawang lalaking customer.
"I'm sorry, I can't understand French, can you speak English?" sabi ng may hikaw sa kaliwang tenga.
"Yes, I can," sagot ko.
"Good, can we get a table for four?" tanong niya.
"Yes, this way please," sabi ko saka inakay sila papunta sa lamesang may apat na upuan. "May I get your order?" tanong ko pag upo nila.
"Can it be later? We still waiting our friends... Oh, wait, never mind there here." sabi ng lalaking bond ang buhok habang nakatingin sa may pintuan. "Ang tagal niyo naman." Nagulat ako ng marinig siyang magtagalog dahil hindi siya mukhang pilipino, mas mukha siyang foreigner.
"Pasensya na, traffic kasi," sabi ng bagong dating.
"Nasaan si Zack?" tanong ng may hikaw.
"Nasa labas, katawagan ang secretary niya," sagot nito saka umupo.
"Pag order na lang natin siya, nakakahiya naman kay miss waitress dahil kanina pa siya nakatayo sa tabi natin," sabi ng lalaking may blond na buhok.
"It's okay, sir, wala namang customer," sagot ko, nanlaki naman ang mata nila.
"Marunong kang magtagalog?" tanong ng may hikaw.
"Opo," sagot ko.
"Pinay ka ba?" tanong niya.
"Yes, pure filipino," sagot ko.
"Really? Hindi ka mukhang pinay dahil mukha kang foreigner," sagot niya. "Nakakagulat."
Napangiti naman ako. "Nagulat nga rin po ako na marunong kayong magtagalog dahil hindi rin kayo mukhang pilipino," sagot ko.
"Well, may ibang lahi kasi kami kaya talagang phindi kami pagkakamalan na pilipino," sagot ng lalaking blond ang buhok. "Pero ikaw na pure Filipino, nakakagulat iyon."
Ano namang nakakagulat doon? Marami namang mga pinay na mukhang foreigner kahit wala silang lahing foreigner.
"Ano pa lang oorderin niyo?" tanong ko.
"Oo nga pala pasenya na kung nadaldalan ka namin," sabi ng blond ang buhok. "By the way, pwede ba kaming makipag kilala, minsan lang kaming makita ng pilipino dito."
"Marami naman pong pilipino dito sa France," sabi ko.
"Yes pero sa dalawang buwan na pag stay namin dito ngayon lang kami nakakita ng pilipino," sabi niya. Tumango naman ako. "So, pwede ba kaming makipagkilala, Miss Constantina?" Alam niya ang pangalan ko dahil sa name tag na nakalagay sa kaliwang dibdib ko.
"Pwede naman po," sabi ko.
"I'm Flash, siya si Vladimir." Turo niya sa may hikaw. "At ito naman si Lars." Turo niya sa bagong dating. "Nice to meet you."
"Nice to meet you rin po," sabi ko saka nakipagkamay sa kanila.
"'Wag ka ng mag po sa amin, nagmumukha tuloy kaming matanda," sabi ni Vladimir.
"Okay," sabi ko. After 'nun nag order na sila ng gusto nila. "Paki hintay na lang, ang order niyo."
"OMG! Consta," bungad sa akin ni Luna ng binigay ko ang order kay Alex, isa sa barista namin. "Ang ga-gwapo naman ng customer mo." Kinikilig na sabi niya.
"Oo nga, sila ang pinaka gwapong naging customer natin," sagot naman ni Jenny.
"Gusto kong itanong ang pangalan nila pero nahihiya ako," sabi ni Catherine.
"Yung blond na buhok Flash ang pangalan, Vladimir naman ang nasa kaliwa niya at yung isa ay Lars," sagot ko na kinatingin niya sa akin.
"Alam mo ang pangalan nila?" gulat na tanong ni Jenny.
"Nagpakilala sila sa akin kanina," sabi ko.
"Oh my gosh, bakit ang swerte mo Consta? Ang daming lalaking nagkakagusto sa 'yo tapos ngayon nagpapakilala pa sila sa 'yo? How to be you po," sabi ni Luna.
"Baliw, nagpakilala lang sila sa akin dahil ngayon lang daw sila nakakilala ng pilipino dito," sagot ko.
"Pero marami namang pilipino dito ah," sabi ni Jenny.
"Oo nga pero sa dalawang buwan daw nilang pag stay dito ngayon lang sila nakakita," sagot ko.
"Constantina, heto na ang order na binigay mo," sabi ni Alex sa akin, lalapit na sana ako pero bigla akong binagga ni Lyca at saka siya ang kumuha ng order.
"Hoy, Lyca kay Constantina ang order na iyan," sabi ni Luna.
Dito kasi kung sino ang nag entertain sa customer sa kanya lang iyon, minsan kasi nagbibigay ng tip ang mga customer.
"Wala akong pakielam," mataray na sabi ni Lyca saka naglakad.
"Aba't..." Pinigilan ko si Luna sa pagsugod niya.
"Hayaan mo na siya," sabi ko.
"'Yang babaeng iyan kumukota na talaga sa akin iyan," inis na sabi ni Jenny.
"Tamad 'yang babaeng 'yan ah pero bakit ngayon nang aagaw ng customer?" tanong ni Catherine.
"Ano pa nga ba? Para landiin ang customer, pick mer girl nga diba?" sabi ni Luna saka umirap. "Oh, bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" tanong niya kay Lyca na papalapit.
"Tsk, ano bang ginawa mo sa mga lalaki at laging ikaw ang gusto ha?" galit na sabi ni Lyca sa akin. "Napakalandi mo."
"Hoy! 'Wag mong sinasabihan na malandi ang best friend ko," sabi ni Catherine.
"Totoo naman diba? Lahat ng lalaki dito nilalandi niya," sabi ni Lyca.
"Tama si Lyca, napakalandi niyang si Constantina, lahat na lang ng lalaki nilalandi niya," sabi naman ni Angela.
"Sumosobra ka na kayo ah, ano bang problema niyo kay Consta? Wala naman siyang ginagawa sa inyo," sabi ni Jenny sa kanila.
"Jenny, 'wag mo na silang patulan," pag aawat ko per parang wala silang narinig. Natatakot na ako dahil napapansin na kami ng mga customer.
"Nilalandi kasi lahat ng babaeng iyan ang mga lalaki," sabi ni Lyca habang tinuturo ako.
"Wow, makapagsabi naman ang totoong naglalandi ah kaya nga inagaw mo ang customer ni Consta dahil gwapo ang mga ito diba?" sabi ni Catherine sa kanila.
Magsasalita sana si Lyca ng dumating ang manager namin na anak ng may ari ng shop na ito. "Anong nangyayari dito?" galit na tanong ni Ms. Rose. "Nakaka storbo kayo sa mga customer."
"Ito po kasing si Lyca bigla na lang tinawag na malandi si Constantina dahil lang maraming lalaking nagkakagusto dito," sagot ni Jenny.
Tumingin naman siya kay Lyca. "Mag usap tayo sa office Lyca," seryosong sabi ni Ms. Rose.
"Pero ma'am..." reklamo ni Lyca pero hindi siya pinatapos ni Ms. Rose.
"Constantina, ikaw na ang bahalang humingi ng paumanhin sa mga customer," sabi ni Ms. Rose.
"Sige po, Ms. Rose," sabi ko at naglakad papunta sa mga customer. Humingi ako ng pasensya sa istorbong ginawa namin. Mabuti na lang mababait ang mga customer at naintindihan kami.
To be continued...