Chapter 11

1728 Words
CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Kawawa si Lyca," sabi ko kay Catherine pag uwi namin ng dorm namin. Tinignan naman niya ako ng nakataas ang kilay. "Bakit ka naman naaawa sa kanya? Bagay lang naman sa kanya iyon dahil ang sama ng ugali niya," sagot niya. Natanggal si Lyca sa trabaho dahil sa nangyari pero hindi lang iyon ang dahilan, marami na kasing nag rereklamo sa kanya na mga dating employee na umalis dahil sa kanya. Pinagbibigyan siya ni Ms.Rose noon dahil anak siya ng pinsan niya pero sumosobra na raw siya kaya tinggal na siya sa trabaho para hindi na siya makaperwisyo pa. "Pero kawawa naman ang mga magulang niya sa pilipinas, siya na lang ang inaasahan nila," sabi ko. "Kasalanan naman niya iyon, alam niyang may umaasa sa kanya pero ganyan ang ugali niya," sabi ni Catherine saka umupo sa sofa habang minamasahe ang paa niya. "Alam mo naman na marami ng umalis na employee doon dahil sa kanya. Mas nakakaawa pa sina Ms. Rose dahil lagi na lang silang napipirwisyo dahil sa kanya." Sabagay tama siya, kung laging may aalis na employee kina Ms. Rose mauubos ang oras nila sa kakahanap ng bagong employee, kaya nga tinaasan nina Ms. Rose ang sahod para hindi umalis ang bagong employee niya. "Kalimutan mo na iyon," sabi niya sabay tayo. "Matulog na tayo maaga pa tayo bukas." Pagkasabi niya iyon naramdaman ko ang antok kaya pumasok na ako sa kwarto ko para mag half bath matapos nun natulog na ako. ~ SUNDAY ngayon kaya nag general cleaning kami ni Catherine, hindi naman ganun ka kalat kasi hindi naman kami maghapon na nandito. Inuuwian nga lang namin ito dahil mas marami pa ang oras namin sa labas dahil sa school at trabaho namin. "Labas muna tayo, nakuha na rin naman ang sahod natin," sabi niya. Tumango naman ako. "Okay, papadalhan ko na rin sina Mama ng pera," sabi ko. 500 euro o mahigit 20 thousand sa peso ang sinasahod namin ni Catherine, malaki na para sa apat na oras na pagpasok namin araw araw. Ang regular employee naman ang sinasahod nila ay 4,000 Euro o mahigit 200 thousand sa peso, 12 hours kasi sila pero sulit naman, hindi naman kasi ganun nakakapagod ang trabaho namin. 20 thousand ang pinapadala ko kina Mama at ang natira ay iniipon ko para kung may problema man sina Mama ay may maibigay ako sa kanila. Yung allowance ko kasi sakto na para sa akin kaya hindi ko na kailangan pa ang sweldo ko. Kaya lang naman ako nag trabaho dahil sa pamilya ko. After namin mag linis pumasok kami sa kanya kanya namin kwarto para magbihis dahil sobrang lamig talaga dito sa France balot na balot ako, kahit limang buwan na ako dito hindi pa rin akos sanay sa lamig ng klima pero si Catherine parang wala lang ang damit nagagawa pang mag skirt, sa taas lang siya balot. Nagagawa rin niya na kumain ng malamig kahit sobrang lamig na, sabagay sa pilipinas nga ang init na nagagawa pa ring mag kape ganyan kasi si Papa panay reklamo na mainit pero makikita mo mag titimpla siya ng kape. "Tara na," sabi ni Catherine paglabas ko ng kwarto. Tumango naman ako tsaka kami lumabas ng dorm namin, malapit lang kami sa mall kaya naglakad na lang kami papunta doon sayang din ang pamasahe. Maganda naman ang nakita naming view habang naglalakad kami kaya nalilibang kami habang papunta kami sa mall. Habang naglalakad kami bigla akong napahinto kaya nagtaka si Catherine sa akin. "Bakit?" tanong niya. "Parang may naririnig akong tumatawag sa akin," sagot ko. "Wala na-" Hindi niya natuloy ang sinasabi niya ng may tumawag sa akin. "Oo nga meron nga." Lumingo kami kung saan nanggagaling ang boses ng tumatawag sa akin at nakita namin sina Vladimir. Bigla naman siyang kinilig, gustong gusto kasing makakita ng gwapo. "Mabuti naman narinig mo kami," sabi ni Lars ng makalapit sila. "Kanina ka pa namin tinatawag." "Pasensya na maingay kasi dito," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. "Sino nga pala siya?" tukoy niya kay Catherine. "Ah, ito nga pala si Catherine, Catherine natatandaan mo pa naman ang pangalan nila na sinabi ko diba?" sabi ko. "Oo naman," sagot niya. "So, pilipino ka rin?" tanong ni Vladimir. "Yes," sagot niya. "Actually, lahat kaming nag ta-trabaho doon pilipino, pilipino rin kasi ang may ari," sagot ko. Tumango naman sila. "Oo nga pala, ito nga pala Zack siya yung isa naming kasama na hindi mo naabutan," pakilala ni Lars sa isa pa nilang kaibigan na tahimik lang sa isang tabi. "Oo nga pala bakit pala hindi na ikaw ang nag abot ng order namin?" "Inagaw kasi nung naghatid sa inyo ang order ni Constantina, pick me girl kasi gusto niya lahat ng lalaki sa kanya," mabilis na sagot ni Catherine. "Cath," saway ko. "Bakit totoo naman," sagot niya. "Kahit na dapat hindi ka nagsasalita ng masama sa taong wala dito," sagot ko tsaka humarap kina Lars. "Pagpasensyahan niyo na itong best friend ko." Tumawa naman si Lars. "Ayos lang naman, oo nga pala saan kayo pupunta?" tanong niya. "Sa mall," sagot ko. "Pwede bang sumabay na kami? Doon din naman ang punta namin," sabi niya. "Of course," nakangiting sabi ni Catherine. Sabay sabay kaming naglakad papuntang mall at habang naglalakad kami panay ang pakikipag usap ni Catherine sa kanila habang ako tahimik lang na nakikinig sa kanila sasagot lang kapag tatanungin nila ako. "Wow, so kaya kayo napunta dito ni Constantina dahil nakuha kayong scholar?" manghang tanong ni Flash, tumango naman si Catherine. Hindi kami magka schoolmate ni Catherine pero parehas kami na kinuha nila na makapag aral dito. "Ang tatalino niyo pala." sabi ni Vladimir. "Mas matalino si Tin, halos ang grade niya ay perfect," sagot niya. "Hindi naman," nahihiyang sabi ko. Hindi pa rin ako sanay na pinupuri ako. "Ayan ka na naman sa pagiging humble mo," sabi niya sa akin. "Sobrang humble niyan parang ayaw niyang makarinig ng papuri." "Hindi naman sa ganun, nakakahiya lang kasi na lagi akong pinupuri," sagot ko. "Bakit ka naman mahihiya? Dapat proud ka sa achievement na nakukuha mo," sabi ni Flash. "Iyan lagi ang sinasabi ko sa kanya pero lagi niyang tinatanggi," sabi ni Catherine. Hindi na lang ako nagsalita at nginitian na lang sila. "Mauna na muna kayong pumasok pupunta lang ako sa bangko," sabi ko pagkarating namin sa mall. "Okay, hintayin ka na lang namin sa may starbucks okay?" sabi ni Catherine. Tumango naman ako. "Yung best friend ko 'wag niyong pabayaan kahit gwapo kayo, masasapak ko kayo," babala ko sa kanilang apat, aba walang exempted sa akin kahit gwapo masasapak ko kapag sinaktan nila ang best friend ko. "Yiee," sabi ni Catherine tsaka ako niyakap. "Lab lab mo talaga ako." "Of course," sabi ko, hindi man kami ganun katagal nagkasama importante na siya sa akin. "'Wag kang mag alala hindi namin pababayaan ang best friend mo," nakangiting sabi ni Lars. "Dapat lang," sabi ko sa kanila. "Sige na, alis na ako para makagala pa tayo ng matagal." ~ "MA NAPADALA ko na po ang pera, ite-text ko na lang sa inyo ang number," sabi ko. Katatapos ko lang mag padala sa kanila, sinabay ko na rin ang paglalagay ko ng pera sa bank account ko. "Salamat anak, sakto may kailangan na bilhin ang kuya mo sa school niya," sagot niya. "May kailangan pa po ba siya? Para madagdagan ko," sabi ko. "Naku, 'wag na anak hindi naman ganun kalaki ang bibilhin niya, ayos na sa amin ang pinapadala mo. Dapat nga hindi ka na nagpapadala pero dahil makulit ka hinahayaan na lang kita," sabi niya. "Ganun po ba? Kapag may kailangan kayo tawagan niyo lang po ako ah?" sabi ko. "Oo anak,ingat ka lagi diyan ha? I love you," sabi niya. "Opo kayo rin po, I love you rin po," sabi ko bago pinatay ang tawag. Pumasok na ako sa loob ng mall tsaka nag punta sa starbucks, pagdating ko doon naabutan ko sina Catherine na nagtatawanan. "Anong meron?" tanong ko tsaka umupo sa tabi ni Catherine. "Ito kasing si Flash kinukwento ang kalokohan niya nung bata siya," sabi niya tsaka inulit ang kinwento ni Flash, hindi ko naman maiwasan na matawa. Masaya silang kasama dahil sobrang daldal nila well maliban lang kay Zack dahil ni isang beses hindi man lang niya kami kinausap, ni hi man lang wala. Maggagabi na kami natapos, hindi na namin namalayan ang oras dahil nag enjoy kami sa pamamasyal. Ngayon ko lang naranasan na gabihin dahil madali akong mahilo kapag nag ma-mall kami, si Catherine kasi panay ang hila sa akin sa kung saan saan kahit wala naman kaming bibilhin kaya in the end mahihilo lang ako. "Hatid na namin kayo," sabi ni Lars paglabas namin ng mall. "Naku, 'wag na malapit lang naman ang dorm namin," mabilis na tanggi ko. "Kahit na, maggagabi na baka mapahamak pa kayo," sabi ni Vladimir. Magsasalita sana ako ng takpan ni Catherine ang bibig ko. "Sige, hatid niyo na kami, 'wag kayong makinig dito," sabi niya. Tinignan ko siya ng masama pero parang wala man lang sa kanya kaya napabuntong hininga na lang ako. Hinatid kami nina Lars sa bahay namin, nakasakay ako kay Lars habang si Catherine ay kay Vladimir. "Hindi niyo na lang sana kami hinatid baka mas gabihin kayo," sabi ko pagkatapos kong mag seatbelt. "Mas gugustuhin pa namin na gabihin kesa sa hindi ihatid ang mga babae sa bahay nila," sagot niya. "Gentleman ha?" sabi ko. "Hindi naman sa pagpapaka gentleman, manners na lang siguro bilang lalaki, hindi naman magandang tignan kung hahayaan lang namin na umuwi ng mag isa ang isang babae kapag gabi," sabi niya. Napatango naman ako. Ilang minuto lang ang lumipas na karating na kami sa dorm namin kaya binuksan ko na ang pinto. "Wait-" sabi ni Lars pero napahinto rin siya. "Why?" tanong ko. "Dapat hinintay mong pagbuksan kita," sabi niya. "Kaya ko naman na buksan ang pinto," sabi ko. "Kahit na, dapat hinahayaan mo ang lalaki ang magbukas ng pinto sa 'yo," sabi niya. "Pasensya na, wala pa kasing gumagawa sa akin nu'n," sabi ko. "I understand pero kapag kasama mo kami hayaan mo na pag buksan ka okay?" sabi niya. "Okay," sabi ko. Pinat naman niya ang ulo ko. "Good," sabi niya. Baba na sana ako ng may naalala ako. "Maraming salamat pala sa paghatid," sabi ko. "Wala iyon," sabi niya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD