Chapter 12

1807 Words
CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Itatapon ko na ba ang mga papel na ito?" tanong ni Cassandra sa akin habang busy ako sa paglilinis. "Oo," sagot ko kahit hindi ko pa nakikita kung ano iyon. Wala naman kasi akong natatandaan na may importante akong papel na nakatago. "Okay," sabi niya. Tapos na ang first year namin kaya naisipan namin ni Catherine na itapon na ang mga bagay na hindi namin kailangan para kapag pasukan na hindi kami mahihirapan na i-seperate ang mga kailangan namin para sa school. "Wow, sigurado ka bang itatapon ko ang mga ito, ang ganda ng mga naka drawing dito oh, ikaw ba ang ng drawing nito?" sabi niya kaya napahinto ako at nilapitan siya.  "Ano ba iyan?" tanong ko, binigay naman niya. Nagulat naman ako ng makita ko ang mga damit na drinowing ko kapag wala akong ginawa. "Nandito pa pala ito, akala ko na wala ko na." "So, ikaw nga ang nag drawing niyan?" tanong niya. Tumango naman ako. "Wow, ang galing mo pa lang mag design ng damit bakit hindi rin fashion designer ang kinuha mo?" Sinabi ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ako nag fashion designer. "Naiintindihan ko pero sayang naman ang itong mga design mo kung hindi mo pakikinabangan." "Magagamit ko naman 'yan kapag may sarili na akong botique," sabi ko. "Pero gusto ko siyang suotin," sabi niya tapos biglang nanlaki ang mata niya. "Bakit hindi natin tahiin ang mga ito? Para kapag pumasok tayo sa susunod na pasukan may magandang damit tayong isusuot." Wednesday and Friday ay wash day namin kaya pwede kaming mag suot ng mga damit na gusto naming suotin. Kaya kapag ganung araw parang nagiging fashion show ang school dahil ang gaganda ng mga damit at ang mamahal. "Pero ang mamahal ng mga tela dito," sabi ko. "Baka nakakalimutan mong fashion designer ang best friend mo, libre kaya lahat ng tela sa amin, ang dami ko ngang naitabing mga tela baka magamit ko balang araw at heto na nga ang araw na iyon," sabi niya. Oo nga pala, libre nga pala sa kanila ang tela. "Oh, ano? Gawin natin?" "Sige, may mga gamit ka naman," sabi ko. Natuwa naman siya sa sinabi ko pagkatapos excited na kinuha ang sewing machine niya. Inumpisahan na namin ang paggawa ng damit na drinowing ko, tig dalawang pares ang ginawa namin pero mag kaiba ang kulay, gusto kasi ni Catherine na twinny daw kami. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Lumipas ang ilang buwan Usap-upan sa school nina Constantina ang mga damit na sinusuot nila tuwing wash day nila. Ngayon lang kasi nila nakita ang ganung klaseng design at tingin nila wala iyon sa kahit na boutique. "Catherine, où as-tu acheté les vêtements que tu portes ?," (Saan niyo nabili ang mga damit na sinusuot mo?) tanong ng kaklase ni Catherine. Hindi na kasi siya makatiis kaya nilapitan na niya si Catherine kahit hindi niya ito close. "Je ne l'ai pas acheté, mon meilleur ami l'a conçu," (Hindi ko ito binili, dinisensyo ito ng best friend ko) sagot ni Catherine kita sa mata niya na proud na proud siya habang sinasabi iyon.  "Vraiment? Elle est aussi créatrice de mode ?," (Talaga? Fashion designer din siya?) tanong ng kaklase niya. Umiling siya. "She's Business Ad student," sagot niya. Nagulat naman ang kaklase niya. "Wow, il est doué pour la conception de vêtements," (Wow, ang galing naman niyang mag design ng damit) "Yes, she is," nakangiting sagot niya. Kumalat sa buong school na si Constantina ang nag design ng mga damit na suot nila kaya ang iba ay kinausap siya para gawan din sila ng damit at babayaran sila ng malaki. Nung una tumanggi siya pero dahil pinipilit siya ng lahat napilitan siyang gawin ang gusto ng mga ito. CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Grabe ang laki ng kinita natin sa paggawa ng mga damit," manghang sabi ni Catherine habang nakatingin sa mga perang naipon namin. "Oo nga eh, hindi ko talaga akalain na magbabayad sila ng malaki kahit isang damit lang," sabi ko. "Swempre magaganda ang mga design na ginuguhit mo at napaka unique, alam mong walang katulad kapag sinuot mo," sabi niya. Dalawang buwan na rin mula ng mag umpisa akong tumanggap ng customize na damit para sa mga schoolmate namin. Nakakapagod man ng una masaya naman dahil kahit papano natutupad ko ang pangarap kong maging fashion designer kahit pinili ko na maging business woman. "Alam mo, bakit kaya hindi ka na lang mag tayo ng boutique? Diba pangarap mo rin naman na makapag tayo nun," suggest ni Catherine. "Paano naman natin gagawin iyon? Ang hirap kayang magtayo ng business," sabi ko. Gusto ko man ang idea niya mahihirapan lang kami. "Unang problema natin ay pera pangalawa lugar kung saan tayo magtatayo ng business at pangatlo pagrerentahan." "Oo nga tama ka," sabi niya, may disappointed sa boses niya pero mayamaya bigla itong lumiwanag. "Manghingi tayo ng tulong kina Vladimir, sigurado naman na tutulungan ka nila." "Naku, 'wag na nakakahiya naman," sabi ko. "Babayaran mo naman ang tulong nila kapag successful ang itatayo mong business," sabi niya. "Paano kung hindi successful?" tanong ko. "Tsk, 'wag ka ngang nega diyan, hindi pa man nag uumpisa ang business mo dina-down mo agad," sabi niya. Hindi naman ako nakapag salita dahil tama naman siya sa sinabi niya. So, kahit ayaw ko nanghingi kami ng tulong kina Lars, mabilis naman silang pumayag sa business na gusto kong itayong business. Gusto kong isali si Catherine dahil siya ang nakaisip pero wala raw siyang balak mag business, gusto niyang maging tanyag na fashion designer kaya ang sabi ko na lang kapag naging sucessful ang business ko kukunin ko siyang fashion designer ko na agad naman niyang sinang ayunan.. Sa isang taon ng business ko ay naging maganda naman ang takbo nito pero swempre hindi nawawala ang struggle na naranasan ko, sobrnag bumaksak talaga ang business ko, akala ko hindi na makakabangon pero isang araw hindi ko alam na may isang sikat na journalize ang pumunta sa boutique ko at finiture ito, matapos nun biglang nag boom ulit ang business ko hanggang talagang naka bangon ito. Nakapagpatayo ako ng branch sa iba't ibang bansa at pagkatapos nag try rin ako na pumasok sa ibang business hanggang sa paglipas ng dalawang taon bago ako mag graduate kinilala ako bilang isa sa Young Billionaire. END OF FLASHBACK "Kung titignan niyo parang madali lang ang pagiging Young Billionaire ko pero napakadami ko pong hirap na dinanas," sagot ko kina mama. "Alam namin iyon anak," nakangiting sabi ni Mama. "Pero proud na proud kami sa 'yo dahil nagawa mo ang mga iyo sa murang edad mo lang." "Hindi ko po iyon magagawa kung hindi dahil sa inyo, kayo po ang naging lakas ko para magawa ko ang mga iyon," sabi ko. "Maraming salamat talaga anak," sabi ni Papa. "Wala po iyon Papa," sabi ko saka ko sila niyakap. "Tuloy na po ulit natin ang pagpunta sa ibang room, next na puntahan natin ay yung kay Kuya." Naglakad na kami papunta sa kwarto ni Kuya pagpasok namin nakita ko ang mangha sa mukha ni Kuya. "Sa akin ba talaga ito?" tanong ni Kuya. "Of course Kuya," sagot ko. "Ang laki," sabi niya. "Pinalaki ko na kasi para kapag nag asawa ka na dito kayo titira," sabi ko. "Tama, mabuti pa ngang dito kayo tumira kapag nag asawa kayo dahil napakalaki ng bahay na ito, nakakalungkot kung konti lang ang tao," sabi ni Mama. "Kaya kapag naghanap ka ng babaeng mamahalin mo dapat kasing bait ni Mama, lalo na ngayon na mayaman na tayo baka magustuhan ka lang nila dahil sa pera," sabi ko. "Don't worry, hindi ako kagaya ni Mama ang gusto ko sa isang babae kaya nga hanggang ngayon wala pa rin akong nililigawan dahil lahat ng mga nakikilala kong babae hindi magaganda ang ugali," sabi niya. "Mabuti naman," sabi ko. "Next naman na kwarto ay sa triplets, alam ko po na ayaw pa nilang mahiway sa inyo pero kapag handa na sila may nakahanda silang kwarto nila. Pinagsama ko sila dahil ayoko naman na bata pa lang sila magkakahiwalay na sila, mas maganda na magkasama sila para mas tumibay ang samahan nila gaya namin ni Kuya," sabi ko. "Oo nga, ako rin ayoko na magkakaiba sila ng kwarto saka na kapag binata na talaga sila," sabi ni Mama. "Malapit lang po sa kwarto niyo ang kwarto ng triplets na pansamantala muna nilang gagawing play room," sabi ko, tumango naman sina Mama at Papa. "So, ngayong nakita niyo na po ang buong bahay, nagustuhan niyo po ba?" "Oo naman anak, sino bang hindi magugustuhan ang ganito kagandang mansion," sabi ni Papa. "Mabuti naman po, pwede na rin po tayong lumipat dito after ng party," sabi ko sa kanila. "Ay, oo nga pala iyong party nga pala," sabi ni Mama. "Kailangan na nating bumalik doon, nakakahiya naman sa mga bisita." ~ "Wow, ang swerte niyo naman at niregaluhan kayo ng anak niyo ng mansion," sabi ni Tita Olivia. "Nakaka ingit naman, sana ganyan din ang anak ko sa amin," sabi ni Tita Perla. "Hindi nga namin inaasahan ito, nagulat din kami na isang mansion ang ireregalo sa amin ng anak namin," sabi ni Mama. "Pinalaki niyo kasi ang mga anak niyo ng mabait at mapangkumbaba kaya ang laki ng sukli na ibinalik sa inyo," sabi ni Tita Olivia. "Isang anak mo pa lang ang gumawa niyan, paano na lang kung nag graduate pa si Nathan at naging doctor paniguradong babawi rin iyun," sabi ni Tita Perla. "Hindi ko naman hiniling na bumawi sila sa amin, ang gusto lang namin ay makapagtapos sila sa pag aaral," sabi ni Mama. "Dahil diyan sa pagiging selfless mo kaya ka inuulan ng swerte," sabi ko sa kanya. "Hindi mo nga hiniling kaya kusa naming binibigay ang mga bagay na gusto niyong mangyari noon." Ngumiti naman si Mama. "Malas man ako sa buhay, swerte naman ako sa anak," sabi ni Mama. Napabuntong hininga naman si Tita Perla. "Sana ganyan din ang mga anak ko," malungkot na sabi niya. Lahat kasi ng mga anak niya nagsi asawa na at lahat sila hindi na nakatira sa kanya. Lalaki pa naman lahat ng mga anak niya, inaasahan niya na isa man lang sa kanila tutulungan siya. "'Wag ka ngang malungkot diyan dapat masaya tayo sa biyayang natanggap ng kaibigan natin," saway sa kanya ni Tita Olivia. Hindi ko maiwasan na mapangiti, marami mang hirap ang dumaan sa kanila hindi man nabuwag ang pagkakaibigan nila, kahit na may sari-sarili ng mga asawa ay matalik na kaibigan pa rin ang turing nila sa isa't isa. Sila talaga ng kauna-unahang tao na tumulong sa amin nung na dengue si bunso kahit wala rin sila hindi sila nagdalawang isip na tulungan kami. 'Wag po kayong mag alala Tita Olivia, Tita Perla, sa pagkakataong ito ay ako naman ang tutulong sa inyo' To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD