CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Tin," tawag sa akin ni Kuya. Nasa sala ako ngayon nanunuod ng movie. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Ano, 'yung mga kaibigan ko kasi gusto ka nilang makilala, ayos lang ba sa 'yo na makipagkita sa kanila?" alangang tanong niya. "Sure, gusto ko rin naman makilala ang mga kaibigan mo," sabi ko. "Kelan ba?" "Wait, tawagan ko muna sila para malaman kung kelan," sabi niya saka lumayo sa akin para tumawag. Mayamaya lang bumalik ulit siya. "This saturday daw, ayos lang sa 'yo?" "Yes, wala naman akong ginawa," sagot ko. Next month pa lang namin uumpisahan ni Catherine na magtayo ng business namin. Speaking of Catherine, naka uwi na siya ng probinsya kaya walang nanggugulo ngayon sa akin pero kung nandito iyon lagi niya akong yayayain na gumala lalo na on vacation

