CONSTANTINO'S POINT OF VIEW "Ikaw ang mag drive, Kuya," sabi ko sabay abot ng susi, tinatamad kasi ako. Marunong naman mag drive si Kuya ng kotse, tinuruan siya ng mga kaibigan niya, maraming mayayaman na kaibigan si Kuya dahil nag aaral siya sa elite school. Hindi naman siya nabubully doon dahil sa taglay nitong ka gwapuhan kahit pa alam nila na mahirap lang siya. Madami ngang nagkaka-crush sa kanya pero dahil gusto ni Kuya ng kagaya ni Mama hindi niya pinapansin ang mga iyon, karamihan kasi sa mga school mate niya mga spoiled brat. Pagdating namin sa garage sumakay kami sa kotse ko pero kapag dumating na ang mga kotse ko ibibigay ko na kay Kuya ang kotseng binili ko dahil hindi ko na rin naman magagamit. Malaking garage ang pinagawa ko dahil tatlong kotse ang dadating isa lang naman an

