Biglang pumasok sa isipan ni Jake Ang laman ng kanyang panaginip. Para may koneksyon kasi sa isip niya baka yun na Ang ibig sabihin nun kaya di na niya kailangan pang mag ala-ala na baka may nag babanta sa buhay niya.
Nakahinga siya ng malalim ng isipin niya yun. Sa wakas nagkaroon din ng linaw Ang lahat. Sa totoo lang nag aalala talaga siya na baka may nag babanta sa buhay niya. Wala pa naman siyang body guard di katulad ng ibang Anchor na merong mga personal body guard.
Pagkatapos niyang kumain agad siyang nag bayad at uminom ng malamig na tubig saka bumalik sa kanyang opisina.
Nasa opisina siya ng sandaling yun nakatitig siya sa computer nag edit siya ng mga script kasi protocol niya sa mga tauhan niya na lahat ng script na gagawin nila kailangang maipasa sa kanya para sa final review. So tinitingnan niya ang ibang script inayos na niya yung di masyado maganda ang angle ng news.
Bigla tumunog ang kanyang Cell Phone tiningnan niya Ang caller I.D si Boss Marvin Ledesma Ang tumawag ang CEO ng kompanya. Agad niyang kinuha ang cellphone at sinagot.
" Hello Sir Good morning! " bati niya dito na Puno ng pag galang.
" Yes Jake good morning gusto ko lang ipaalam sayo na ikaw muna uupo ng alas ng mula alas y nuebe ng umaga hanggang alas onse ng umaga bale dalawang oras yan public affairs program yan starting tomorrow. Yung memorandum order mo nasa admin na " Sabi ng kanyang boss sa kabilang linya.
" Okay sir copy " magalang niyang sagot may mga instructions pa Ang boss niya and after that, pinatay na Ang tawag. Nag pakawala siya ng Isang malalim na buntong hininga. madadagdagan na Naman Ang kanyang trabaho.
Sandali siyang sumandal sa kanyang upuan, pagkatapos ay kinuha Ang cellphone naisipan niya tawagan si Sittie kaso nag aalala siya na baka tulog pa ito or nasa klase baka ma esturbo niya Ang dalaga. Kaya na pag pasyahan nalang niyang I text ito.
Sinipat na Ang relo niya alas y Nuebe na ng umaga. Nag padala siya ng mensahe sa Dalaga.
" Good morning kumusta ang tulog mo gising ka na ba? " tapos pinindot ang send button.
Biglang tumunog ang cellphone niya.
" good morning too kagigising ko lang okay naman ang tulog ko ikaw ba kumusta nasa work ka na ba ? " reply ni Sittie sa kanya.
" Oo nasa work na ako katatapos ko lang maglinis. " sagot niya dito sa dalaga.
" Ah ganun ba ? di ako naniniwala eh may f*******: ka ba gusto ko video call tayo para makita kong nag lilinis ka." sagot naman ng dalaga sa kanya.
Kinabahan na siya, mabubuking na talaga siya. Ano kaya ang isasagot niya dito saglit siyang nag-isip.
********
Sittie POV:
Akala mo maiisahan po ko ha, may janitor-janitor ka pang nalalaman ah tingnan natin ngayon kung anong isasagot mo sa akin nasa isip ni Sittie habang naka ngiti.
Medyo natalagan atang mag reply so Jake ahh ano kayang palusot ang iniisip nito.? Sabi ni Sittie sa sarili.
Habang iniisip niya ito tumunog ang kanyang cellphone may nag text pag tingin niya reply ni Jake ang meron.
" Ahh wala kasi akong f*******: Tan-tan lang Meron ako." Sabi pa nito sa text.
Agad Naman siyang nag reply.
" Ganun ba ganito nalang kung wala kang f*******: delete mo nalang Ang number mo ayoko kasing makipag usap sa mga sinungaling eh" pag tataray niya dito.
Nang maipadala na niya ang mensahe may ngiti sa kanyang Labi. Tingnan ko lang hanggang saan Ang tigas mo akala mo di Kita mapapaamin ? hmmm Wala pa akong taong di na papaamin. pag mamayabang niya sa sarili.
Tiningnan niya Ang mukha ni Jake, infairnes gwapo ang loko na too ah, mallit Ang mukha, Moreno, matangos Ang ilong at katamtaman lang ang katawan. Maliban dito Maganda Ang boses para nasa radio talaga kaya nag dududa talaga siyang janitor ito. Feeling niya nag sinungaling lang ang taong ito sa kanya.
Di kaya sinusubakan lang siya nito, ano naman kung janitor siya Wala naman siyang pili sa lalaki basta mabait, loyal, at mamahalin siya ng totoo hanggang sa pag tanda.
Nang isipin niya yun agad niyang sinaway ang sarili bakit nga ba siya nag iisip ng ganun? may gusto na ba siya sa lalaki? Pero iwan ba niya bakit Ang gaan-gaan ng loob niya sa lalaking ito siguro magaling lang makipag-usap kaya ganun siguro ang nararamdaman niya di man lang siya nakaramdam ng pagka-ilang sa lalaking ito.
******
Jake PoV :
Sa ngayon di na maipinta ang mukha ni Jake ng mabasa niya ang reply sa kanya ni Sittie sa hula galit na yung ka text niya kaya saglit siyang nag isip kung sasabihin ba niya dito ang totoo.
" Pwedi mamaya ko nalang sabihin sayo tatawagan nalang Kita may gagawin pa kasi ako kain na dyan ingat ka palagi " sagot niya dito habang hinihintay kung anong sagot sa kanya ng babae.
Ngunit makalipas ang ilang minuto Wala pa rin siyang reply na natatanggap. Kumunot ang kanyang Noo galit ba siya.?
" hey galit ka po ba ? sige na sasabihin ko na Ang totoo sayo tungkol sa aking trabaho. wag kanang magalit. " pag mamakaawa niya dito. Napakamot nalang siya sa kanyang ulo Wala talaga siyang magawa ehh di na nag reply Ang dalaga.
Ayaw din naman niya na magagalit ito sa kanya. Gusto lang naman Sana niyang ilihim pansamantala pero sa tingin niya ngayon dehado talaga siya.
Makalipas ang isang oras wala pa ring reply Ang babae kaya Ang sa isip ni Jake baka busy na ito kaya di na niya kinukulit pa. ginagawa nalang niya ang kanyang trabaho hanggang sa sumapit na Ang lunch break.
*****
Sittie POV :
Masayang masaya Naman si Sittie sinasadya niyang di replayan Ang lalaki gusto niya kasing tumawag ito sa kanya ngunit alas dose nalang nag tanghali ay wala pa rin siyang tawag na natanggap mula sa lalaki.
Medyo na dismaya siya ng kunti, pero sa kabilang Banda successful ang kanyang ginawang taktika nalaman na niyang nagsisinungaling ang lalaki sa kanya tungkol sa kanyang tunay na trabaho.
Ano kaya Ang trabaho ng mokong na ito bakit sobrang misteryoso Naman nito. Bigla tuloy siyang na excite. Sa isip niya di siya mag rereply dito hanggang di ito tatawag sa kanya.
Naisip na baka busy lang sa work kaya agad niyang tinawagan ang ka klase niya na sila Angela, Christine, Robie at Lorena para yayaing kumain sa labas.
Pagkatapos nilang kumain diritso na sila sa School Ala una Ang klase niya hanggang alas tres ng hapon. Habang nakasakay ng jeep biglang tumunog ang cell phone niya may tumawag sa kanya. tiningnan niya Ang caller id kung sino Ang tumawag si Jake pala kaya agad niya itong sinagot.