Nang makonekta ang tawag gumuhit bigla ang saya sa mukha ni Jake.
" galit ka ba ? bakit di ka nag reply sa mga text ko? " sunod-sunod na tanong niya dito.
" Sinungaling ka kasi ehh kung wala ka namang balak na sabihin sa akin ang tunay mong pagkatao mas mabuti pa na wag na tayong mag aksaya ng panahon. " sagot ng dalaga sa kabilang linya.
Sumagot pa sana si Jake ngunit biglang pinutol ng babae ang tawag. Ang narinig nalang ni Jake ay ang tunog ng end call.
tot tot tot.
Napabungtong-hininga nalang siya, sumalay sa kanya mukha ang lungkot. Sinubukan niya ulit na tawagan ngunit pinaba ito ng dalaga.
Napailing nalang siya, naputol lang ang kanyang pangungulit ng pumasok sa office niya ang kanilang admin at sinabing.
" Sir ito na po pala ang memorandum order mo galing kay sir Marvin simula bukas ikaw na po ang uupo sa public affairs program."
Tumango lang siya sabay sabing.
" ilagay mo lang dyan sa ibabaw ng misa " na hindi na nag angat ng mukha. Bad trip siya ngayon. Lumabas din agad Ang admin nang nahalatang wala sa mood si Jake.
Wala na siyang nagawa, binuhay nalang niya ang computer at saglit na nag check sa outputs ng kanya mga reporter.
Sittie PoV :
Sumilay naman ang ngiti sa mukha ni Sittie Honea matapos niyang ibinaba ang tawag para sa kanya isang malaking tagumpay ang kanyang ginawa para mapaamin ang lalaki. Sa kabilang banda may lungkot at kirot din siyang nararamdaman.
Paano kaya kung di na ulit tatawag sa kanya ang lalaki? Hindi kaya sumusobra na siya sa kanyang ginawa? Eh ano naman kung di na tatawag sa kanya Ang mokong na yun? Wala pa naman silang relasyon bakit nakaramdam agad siya panghihinayang.
Nawala lang ang isiping yun nang tinapik ni Lorena ang kanyang balikat.
" hoy na pano ka ? sino yung kausap mo at parang galit ka ? Sabi ni Lorena sa kanya.
" Wala isang stranger na ayaw mag pakilala ng maayos." ismid niya dito.
" ohh bakit ka naka simangot ? habang nakataas ang kilay ni Lorena.
" nakakainis kasi eh " padabog Naman siyang sagot.
" Sos alam ko na yan " si Robi na ang nagsalita " Siguro gwapo yan kaya ganyan siya. " habang nakatawa.
Inirapan lang ni Sittie ang kaibigang bakla saka di na nag salita. Naputol lamang ang kanilang pag-uusap ng makarating na sila sa paaralan.
Nasa loob na sila ng classroom at Maya-Maya pay dumating na ang kanilang professor para magsimula sa klase.
*********
Pagkatapos ng klase nila nagyaya si Robi na pumunta sa barbeque house para doon sila kakain ng hapunan five thirty na ng hapon. Pumayag Naman siya kasi gutom na din siya nakakapagod din Ang buong klase nila.
" Since ikaw ang nagyaya sa amin so libre mo na kami " Sabi ni Sittie kay Robi.
" oy grabi ka naman abag-abag tayo ikaw nga dapat mag libre eh kasi ikaw naman talaga ang may kaya sa amin dito." angal ni Robi sa kanya.
" Anong may kaya ? " tumigil ka dyan! " saway niya dito.
Kung tutuusin tama nga naman si Robi sa kanilang magkakaibigan siya Ang mas nakaka angat. Malaki ang lupain ng kanilang pamilya halos din ng mga kapatid niya Ang nakapag tapos na ng pag-aaral siya nalang ang wala. Dati Rin may katungkulan ang tatay niya sa gobyerno ng buhay pa ito.
" Sige na nga ambag-ambag tayo gutom na Ako ehh" Sabi niya dito.
Pagkatapos nun agad silang sumakay ng Jeep at pumunta sa Barbecue house. Masarap ang luto dito, suki na rin nila ito. Kaya di kataka-takang marami talaga ang kumakain dito.
Napukaw ang atensyon ni Sittie sa kabilang Misa kanila pa tumitingin sa kanila yung isang lalaki. Matangkad ito at macho, Moreno ito at gwapo, halatang lagi ito nag ehersisyo. Napapansin niyang panay ang tingin nito sa kanya.
Nag mamasid lang siya sa paligod habang kinukulikot ang cellphone niya. Lumapit na ang waiter sa kanilang table at nag serve ng pagkain. Nang magsimula na silang kumain dalawang lalaki ang lumapit sa kanila.
" Hi miss Ako nga pala si Anton, kanina pa kita pinag masdan pwedi bang maki pag kaibigan? " Sabi ng lalaki.
Inangat ni Sittie ang kanyang mukha saka lumingon sa likuran ng mapansin na wala namang tao sa likod niya sumagot siya sa lalaki.
" Ako ba Ang tinutukoy mo ? " pag kompirma niya dito habang tinururo ang sarili.
Habang sila Angela, Christine at Robi ay nagka tinginan, para di sila na papansin ng dalawang lalaki kahit na nasa iisang misa lang sila dahil Ang dalawang lalaking ito diritso sa kinauupuan nila Sittie at Lorena.
Nakaramdam ng inggit si Robi ngunit ang dalawa Naman ay di na nila kailangan ma inggit may asawa na sila pareho pero nakakawala pa Rin ito ng respeto sa kanila. Bakit di ba nagagandahan Ang mga ito sa kanila kaya di sila na papansin ?
" Hoy hoy hoy kayong dalawa Wala kayong manners ha bakit sila lang bang dalawa ang tao dito anong akala niyo sa amin mga multo ? " singit ni Robie.
Nang pamansin na akmang sasagot si Anton sa tanong ni Sittie.
" Oo nga " angal naman nila Angela at Christine.
Nagkatawanan nalang sila saka humingi ng dispensa si Anton sa kanila.
" By the way Guys Ako nga pala si Anton at itong Kasama ko si Lucas mga sundalo po kami bago lang kami na destino dito kaya nag hahanap kami ng mga kaibigan pwedi ba kaming makikipag kaibigan sa inyo? " tanong niya dito na seryoso ang mukha.
" Oo naman pweding makipag kaibigan basta libre mo kaming lahat ngayon " si Robi pa rin ang nag salita na may ngiti sa Labi. saka tumayo. Gulat naman Ang expression sa mukha ni Anton.
Pagkatayo ni Robi tinuro niya ang sarili.
" Ako nga pala si Robi , Single and available, siya naman si Sittie, Lorena,. Angela at Christine " habang nakangiti na parang nag pakilala ng mga celebrity.
Nag tawanan ang lahat sa Misa pati si Sittie ay di mapigilang tumawa saka sinaway si Robi sa pag sasabi nitong pakikipag kaibigan sila basta ilibre sila.
" Ano ka ba Sittie sa panahon ngayon wala ng libre lahat may bayad na pati ang pakikipag kaibigan " hirit niya dito Nag tawanan na ang lahat.
Alam kasi nila na pilyo talaga ang kaibigan nilang ito lumalabas ang pagka bading.
" Oh anong pang tinatayo niyo dyan upo na kayo " Sabi ni Robi.
" ahh sige salamat " simple tugon ni Anton habang nakatingin kay Sittie.
" Ahmmp tama ba Sittie ang pangalan mo? nang makaupo na si Anton.
Tumango lang si Sittie habang pinagmasdan ang lalaki.
" okay lang ba na makipag kaibigan sayo ? " Sabi ni Anton
" Oy Anton grabi ka sa kanya lang talaga bakit sa amin wala kang balak? basag ulit ni Robi di nang di pa nakapag salita si Sittie.
Napailing nalang si Sittie sa asal ni Robi
" Oo naman kaibigan lang Naman ehh di naman masama makipag kaibigan " sagot ni Sittie sa lalaki.
Pero sa isip niya wala talaga siyang interest sa mga sundalo at pulis dahil alam niyang mga chicks boy ang mga to.
Marami pa silang napag usapan sa huli hiningi ni Anton ang Kanyang cellphone number pero tumangi siyang ibigay ito dahil private number niya ito Sabi niya sa f*******: nalang siya I add.
Dalawa kasi f*******: niya ang Isa dummy lang lang if may mga stranger na humihingi ng contact niya, yung Isa Naman ay personal talaga niyang ginagamit. Di naman sa maldita siya pero for security reasons na rin Lalo na ngayon lang niya nakilala ang lalaking ito.
Conservative din siya dahil sa kanyang paniniwala. Isa siyang Muslim at dapat Ang isang matinong Islam na babae ay magtataglay ng isang katangiang pag dignidad at respeto sa sarili.
Habang si Lorena naman ay halatang may gusto din sa Kasama ni Anton na si Lucas kaya nagpalitan na sila ng contacts.
Matapos ang kanilang hapunan, diritso siyang umiwi sa kanila six thity na ng Gabi habang nag lalakad siya sa eskinita papasok sa kanilang bahay nakasalubong nila si Kenneth isa sa kanilang kaklase at kaibigan Isa din itong bakla.
" Oy Kenneth bakit di ka pumasok ? tanong ni. Sittie dito sa kanya.
" Ano kasi umuwi ako sa amin hapon na ako nakarating kaya bukas nalang." sagot Naman ni Kenneth sa kanya.
" Ah ganun ba quiz kami kanina Sayang at Wala ka " -- Sittie
" Okay lang babawi nalang ako sa susunod " -- Kenneth.
Mag papaalam na sana si Sittie ng biglang nag salita si Kenneth.
" Oy nakita mo na ba yung viral news ? kaka upload lang iwan ko saang lugar too grabi Ang brutal ng nangyari yung lalaki nahuli ng asawa niyang may dinalang babae sa Kubo nila ayun pinag tataga ng babae Ang lalaki yung babae Naman tumakbo na nakahubad. " Sabi ni Kenneth
Umiling naman si Sittie
" Di busy ako sa School kaya.. bakit may video ka ba dyan? "
" Ou Meron " sabay amot ng cell phone ni Kenneth kay Sittie kinuha naman ni niya ang cell phone Ang tiningnan ang Balita.