Ang trending na Balita.

1654 Words
Inabot ni Kenneth ang cellphone kay Sittie Honea upang makita nito Ang nag trending na balita. Ang video ay may habang three minutes naka cut na ito may caption itong " Misis Nahuli ang Mister at ang kanyang kabit Pinagtataga." Bago pa man nagsalita ang reporter nag intro muna ang news Anchor. Nanlaki ang kanyang mata sa nakita parang familiar kasi sa kanya ang mukha ng lalaki familiar din ang boses nito di lang niya matandaan kung saan niya ito nakita. Nakita ni Kenneth ang kanyang reaksyon kaya nagtataka itong nagtatanong. " Oh bakit nagulat ka ? Anchor pa lang naman yan ahh kilala mo ba siya?" takang tanong ni Kenneth. " Parang familiar ehh ipasa mo nalang sa aking messenger ang link titingnan ko mamaya sa bahay" sagot niya dito. Pagkasabi niya ng ganun agad na siyang nag paalam sa ka klase at diritsong naglakad sa bahay niya. Jake PoV : Natapos na ang trabaho ni Jake sa buong maghapon kasalukuyang siyang kumakain sa suki niyang karenderya doon kina aling Bebang. alas Syete na nang gabi. Nakakapagod ang buong araw niya pero nasisiyahan siyang makita na trending ang isang balita niya tungkol doon sa kanilang kaibaigan ni Yugo na nahuli ng asawa. Bago kasi siya umalis sa office nila inutusan niya ang kanyang technical staff na I forward sa kanyang computer ang record ng final output ng newscast niya sa hapon. Kailangan niyang I edit part ng balitang yun at I upload sa kanilang page kasi sigurado siyang trending yun. Hindi nga siya nagkakamali ten minutes palang mula ng ma upload ito madami nang views at shares umaabot agad ng five hundred thousand views. Ngayong tapos na siyang kumain sinilip niya ulit sumilay Ang ngiti sa kanyang mukha one point two million views na ito and counting pa. Kahit na nakakapagod ang trabaho niya ngayon agad ito nawala dahil sa ganda ng kinalalabasan ng ginawa niya. Siguradong matutuwa na naman ang kanyang boss. Pagkatapos niyang tingnan ang page nila sa kompanyang Davao Metro News Agency tumatayo na siya at nag bayad sa kanyang kinain tapos umuwi na sa bahay nila. Sittie PoV : Pag dating na pag dating ni Sittie sa kanila agad siyang dumiritso sa kanyang kwarto tapos na siyang kumain. Kinuha niya ang kanyang tuwalya at pumunta sa banyo upang mag punas. Pagkatapos nito ay nagbihis na siya nag pajama at pantulog na t-shirt. Nag open siya sa Tan-tan apps tiningnan niya ang larawan ni Jake, pinag masdan niyang mabuti saka pumunta sa messenger niya tiningnan ang link ng balita. Nanlaki ang mata niya,. tama nga ito nga ang kanyang nakausap kagabi at pinatayan niya ng tawag kanina lang. Di naman sa nagmamasungit siya pero maingay kasi kanina sa Jeep at nandun din ang mga kaibigan niya baka tuksuhin siya nito kaya pinatay niya. Sa kabilang banda nais din niyang parusahan ang lalaki dahil sa pagtatago nito sa kanyang tunay na pagkatao. Gusto sana niyang I text ang lalaki kaso naisip niya na baka makakasira ito sa kanyang dignidad. " Iisipin pa ng mokong na yun na may gusto ako sa kanya, bahala na nga siya sa buhay niya kung di na siya tatawag o mag text. " Padabog na bulong niya sa sarili. Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya text ni Jake yun. Iwan ba niya biglang may sumilay na saya sa kanyang mukha. Kumakabog ang kanyang dibdib, bakit kaya nararamdaman niya to? " tanong niya sa sarili. " Hello good evening galit ka pa rin ba? sorry na na miss na kita pwedi ka bang tawagan ngayon ? Jake PoV : Nakahiga na si Jake ng mga sandaling yun naisipan niyang I text si Sittie di pa rin mawala sa kanyang isipan ang pag patay ng tawag niya kanina. Gusto niyang kausapin ang babae desidido na siya aaminin niya na lang dito ang trabaho niya pero nag iisip siya kung anong pwedi niyang sabihin na trabaho na di naman mag expect ang kanyang kausap. Sa oras na to naka tanggap siya ng reply mula kay Sittie. " Ok tawag ka lang kung gusto mo" reply sa kanya ng dalaga. Di na siya nag aksaya pa ng panahon agad siyang nag dial sa kanyang cellphone. Pagkaraan ng ilang sandali ay nag salita na ang nasa kabilang linya. " hello anong atin napatawag ka ? magsisinungaling ka na naman ba ? " bungad sa kanya ng Dalaga. " Grabi siya good evening po kumain ka na ba ? " tanong niya dito di niya pinansin ang pangungutya ng dalaga sa kanya. " Oo tapos na ikaw ba ? ano ba talaga ang trabaho mo ? tanong ng babae. " Tapos na akong kumain, mabuti naman at kumain ka na . kumusta Ang araw mo ngayon nag aaral ka ba? " pag iiba niya sa usapan. " Oo kakapagod nga ehh pero okay naman. " ikaw kumusta ang araw mo? " " Okay lang din nakakapagod din pero masaya." sagot niya na may ngiti sa labi nakahinga rin siya ng maluwag di na siya kinukulit ng dalaga sa pagtatanong. " Taga saan nga ka ulit ? tanong ng dalaga sa kanya. Sittie PoV : Excited siyang malaman kung taga saan ang lalaki. " Davao po ikaw ba ? sagot ng lalaki sa kabilang linya. Biglang natameme si Sittie sa kanyang higaan tama ba ang kanyang narinig Davao ? di ba doon din galing yung news na nag trending ? at saka Ang boses ng lalaki ka boses nung Anchor na nasa balita. Di nga siya nagkakamali Anchor nga ang taong ito. Mas lalo pang lumakas ang t***k ng kanyang puso pero di siya nag pahalata patuloy siya sa pagsusungit. " Davao Ang layo mo pala, Iligan City ako ehh " sagot naman niya dito " Ahh malapit lang yan pareho namang sa Mindanao yan ehh. " Sagot ng lalaki. Tumawa lang si Sittie, ngayong na kompirma niya na may tinatago sa kanya ang mokong na to humanda siya kailangang di matapos ang gabing ito na di niya mapapaamin ang lalaki. " Kanina ko pa tinatanong sayo ano ba talaga ang trabaho mo ? ayaw mo ba talagang sabihin ? " kunwaring galit na Sabi niya. " Kung ayaw mong mag pakilala sa akin ng maayos I block ko na number mo, ayaw ko kasing makipag usap sa taong di nag papakilala ng maayos ehh." dagdag niya dito. Nag pakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang lalaki sa kabilang linya habang si Sittie ay nasisiyahan sa kanyang ginawa halatang effective ang pag gamit niya ng mga teknik para mapaamin ang isang lalaki kahit na Wala naman talaga siyang karanasan sa pag iimbistiga. Isa lang ang ibig sabihin nito kung aamin ang lokong ito sa kanya ibig sabihin Tako itong I block niya, ibig sabihin may gusto ito sa kanya. Nakaramdam ng saya si Sittie sa isip niya ang ganda-ganda talaga niya biruin mo nga naman isang Anchor sa TV kaya niyang takutin ng ganun. Napangiti nalang siya ng isipin yun, Sa kabilang bahagi ng kanyang isipan ay kumontra din bakit nga niya iniisip yun ? oa lang ba siya ? Nabasag ang iba pa niyang iniisip ng biglang nagsalita ang lalaking kausap niya. " Ang totoo niyan talaga di po talaga ako janitor pero sana atin-atin lang ito ha at gusto ko rin humingi ng tawad sa pag sinungaling ko sayo " malumanay Ang boses ng lalaki tila nag lalambing. Simple " Okay " lang ang isinagot niya para bigyang daan na pag papatuloy sa pagsalita ang lalaki alam na niya Ang trabaho ng lalaki. " Ang totoo po niyan Isa po talaga akong reporter sa local na tv at radyo dito sa amin reporter lang po ako." malumanay pa rin ang boses ni Jake. " Reporter ? " tumaas bigla ang kilay ni Sittie nagsisinungaling na naman ang lalaki sa kanya. Pero di niya rin alam anong kaibahan ng Anchor at reporter kaya bigla siyang nakapag sabi ng " Hindi ka ba Anchor ? " Nagsisinungaling ka Naman ehh pareho lang ba ang Anchor at reporter ? malakas na Ang boses niya sa kabilang linya na halos ma bingi na si Jake. ******* Kaya biglang nakaramdam ng pagkabisa si Jake napatango nalang siya. " Oo po Isa lang po ibig sabihin ng reporter at Anchor " sagot niya dito na may pagka balisa. bakit kaya nasabi ni Sittie ang ganun. tanong ni Jake sa Sarili. " Okay atleast honey ka sensya ka na sa asal ko ha " Sabi pa ni Sittie " Ikaw kasi nag sisinungaling Ka pa kasi ehh " dagdag pa ni Sittie na may halong pag lalambing. Nakahinga naman ng maluwag Si Jake. " Di ka na ba galit ? " tanong niya dito " Sorry ha " paghingi ulit niya ng tawag dito. " Okay lang di naman malaki kasalanan mo ehh nakakahiya naman sayo Mr. Anchor hehe " sagot niya dito na may hamak. " Actually Mr. Anchor alam ko na kahit di mo sabihin alam ko na ang trabaho mo nag imbistiga kaya ako nag trending pa yung balita niyo katatapos ko nga lang manuod sa social media ehh confirm ko lang talaga kung ikaw ba talaga yun. " nakangiting sabi Sittie. Nanlaki ang mga mata ni Jake sa kanyang narinig alam na pala ng kausap niya kung anong trabaho niya? pero nagawa pa rin nitong takutin siya na I block kung hindi aamin pinaikot ba siya ng babaeng ito ? Hayop naisahan siya ahh, Anchor napaikot ng isang studyante ? Nakaka challenge ito ahh. Sa isip niya. " Alam mo naman pala nag tatanong ka pa " bulaslas niya sa babae. " Ha! ha! ha! ha! ha! ha! bleeehhh bleeeehh ! ngi! ngi! ngi ngi! Isang napakalakas na tawa lang ang kanyang narinig na sagot mula sa babae na para bang kinukutya siya at pinapalabas na wala siyang silbi. Nang gigigil sa inis si Jake dahil sa inasal ni Sittie sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD