Nikka's POV Nandito ako ngayon sa sala kasama sina Agatha. Yung mga lalaki naman ay nasa 'di ko alam world'. Umalis kasi ang mga kumag at di man lang nagpaalam. Kaya ang mga kasama ko ngayon ay nag-aalala na. Tsk. Lumalove life na ehhh. "Nasaan na ba ang mga asungot na yun?", sabi ni Agatha. Kanina pa ito ikot ng ikot sa harapan namin. Ako ang nahihilo sa babaeng ito eh. "Kung nasan man sila sa universe ay bahala sila sa buhay nila. Nasaan na ba kasi si Kuya Akira?", itong si Shiela naman ay iyak ng iyak. Nag-aalala daw sya sa pinsan niya pero nung binasa ko ang isip ay si Gino ang sinisigaw. "Pagnakita ko talaga ang Tristan na yun, makikita niya talaga ang impyerno", Oh, yang si Xiara naman ay lumalove life na . At ngayon ay lumalamon habang dumadaldal. Psshhhh, mabulunan sana.

