Prologue
Ang itinakda ay pinanganak na
Siya ang pinakamakapangyarihan
Mawawalay sa magulang sa murang edad
Magbabalik sa tamang panahon
Digmaa'y itutuloy
Sa pagitan ng mabuti at masama
Siya ay magbubuwis ng buhay
Upang kapayapaan ay manumbalik
"Hon, natatakot ako", sabi ng reyna pagkatapos malaman ang mangyayari sa hinaharap.
Agad nilapitan ng hari ang kanyang bagong silang na anak at naiiyak na ngumiti."Gagawin ko, namin ng iyong ina ang lahat para maging maayos ang lahat, kahit anong mangyari, huwag ka lang mawalay sa amin"
****
-After 5 years-
Nikka's POV
"Mommy, pupunta po ba dito sisa Sean?", I asked my mother.
"Yes, my princess, go to the garden, you will see him", my mommy told me
"Thanks, mommy, I love you po", sabi ko at tumakbo papunta sa garden.
Pagdating ko sa garden, agad kong hinanap si Sean pero wala talaga akong makita. Imposible namang magsinungaling sa akin si mommy.
Magsisimula na sana akong maglakad paalis kaso may humawak sa kanang kamay ko. Lilingo na sana akokung ng bigla itong magsalita.
"Don't you dare to look at me. Sandali lang ito", sabi niya. Hmmm, pamilyar yung boses, saan ko nga ba maririnig iyon? Isip Nikka, isip. Malapit ko na sanang maalala kung sino ang tao sa likod ng boses na iyon nangbigla ulit itong magsalita.
"Ayan, pwede ka ng lumingon"
"Sean? Wahhh!!! Sean! May pa don't-you-dare-to-look-at-me ka pa. Ano bang ginawa mo?"
"Tignan mo yung leeg mo"
Kinapa kapa ko ito at naramdaman ko ang isang necklace. "Binigyan mo ako ng necklace? Wahhh, thank you!"
"Your welcome"
"Punta tayo doon sa tree of hope tapos maglaro tayo!", yaya ko.
"Anong lalaruin natin?", tanong ni Sean.
"Hmmm, Tagu-taguan!", sagot ko at hinila siya.
Ang tree of hope ay isang kakaibang puno. Madaming prutas na tumutubo doon at ang kaluluwa ng namatay na reyna ay nananatili sa tree of hope bago ito mapunta sa mundo ng mga diyos at diyosa. Iyon ang dahilan kung bakit lagi kaming nakatambay dito.
___________
Kumain kami at naghabulan. Maya-maya lang ay nag-aya na siya na maglaro ng tagu-taguan.
Kumuha sI Sean ng isang patpat at binali habang nakapikit.
"Kumuha ka ng isa, at kung sino ang nakakuha ng pinakamahaba ang siyang taya"
Kumuha na ako ng patpat at kinumpara namin iyon sa isa't isa. Napangiti naman ako. "Oh, ikaw ang taya!", natatawa kong sabi.
Bagot na sinagot niya ako. "Oo na, ikaw na ang magaling. Magtago ka na"
Nagtago ako sa likod ng tree of hope ngunit naagaw ng isang portal sa tabi gn tree of hope ang atensyon ko.
"Boo! Oh, ikaw na ang taya, ang pangit mo magtago"
"Tumahimik ka nga muna Sean, 'di muna ako nagtago. Tignan mo yun oh, bakit kaya may portal dyan?", tanong ko habang nakaturo sa portal.
"Hayaan mo na yan, tara na at ipagpatuloy na natin yung paglalaro"
"Ihh, mamaya na. Pumasok kaya tayo noh?"
"Hayst, naku, tawagan na lang natin sina mommy"
"Mamaya na, gusto kong pumasok"
"Hayst, bahala ka na nga dyan"
Napabuntong hininga na lang ako at lumayo sa portal. "Tara na nga, hayaan na lang natin ito"
Nagpatuloy ako sa paglalakad papalayo sa portal pero hindi na ako makagalaw. "Sean, hindi ako makagalaw"
"What?!"
"HINDI AKO MAKAGALAW!", natataranta kong sabi.
Naramdaman ko ang paghila sa akin ng portal. Hinawakan ni Sean ang kamay ko at pilit na hinahatak ako. "Mga kawal! Tulungan niyo kami!"
Nakita ko ang papalapit na mga kawal sa amin pero mas lumakas ang paghila ng portal sa akin hanggang sa napapikit na lang ako.
___________________
Nagising ako sa isang 'di pamilyar na lugar. Pagtingin ko sa kanan ko ay nakita ko ang isang magandang babae.
"Iha, buti nagising ka na", sabi niya sa akin.
"Nasaan po ako?"
"Nandito ka sa bahay ko, nakita kita kanina sa labas ng bahay ko, nakahiga ka at parang nanghihina kaya dinala kita dito", paliwanag niya.
Nilibot ko ang paningin ko sa lugar. Isang magarang bahay ang nakikita ko. Pinilit kong alalahanin kung paano ako nakita ng magandang babaeng nasa harapan ko pero wala akong maalala.
"Alam niyo po ba kung anong pangalan ko? Kung paano akoo napunta sa tapat ng bahay niyo?", tanong ko.
Umiling siya. "Mukhang nawalan ka ng alaala, huwag kang magalala, dito ka na lang muna sa bahay ko habang nagpapagamot ka pa. Oh siya, matulog ka muna at magpahinga, aayusin ko ang mga papeles mo"
Tumango ako at ginawa ang sinabi niya. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na ako.