Shane's POV
"Shane gising na malelate ka na,first day pa naman ngayon" sabi ni mommy.
"Opo mommy maliligo muna ako"- ako
Shane Jewel Mendez. 13 years of age and first year highschool sa St. Jude Academy. Blonde ang buhok ko at may color green na mata. Nagpakulay lang ako ng buhok at nagkocontact lens para hindi ako pagsabihan ng kungano-ano tungkol sa kulay ng aking buhok at mata. Ampon lang ako alam ko iyon dati pa pero nakalimutan ko kung bakit,papaano ako napunta dito. Pero thankful ako Kay mommy at daddy kasi kahit hindi nya ako kadugo inalagaan at tinuring na parang isang totoong anak.Ang drama ko.
Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako. Nakasalubong ko sina mommy at daddy na kumakain.
"Anak kain ka muna bago umalis", sabi ni Dad.
"Babalutin ko na lang yung dalawang sandwich,late na kasi ako dad"
"Anak magpahatid ka na lang sa driver natin tutal sabi mo late ka na"
"Sige mommy bye po sa inyo" - ako
Lumabas na ako ng bahay at nasa labas na ng gate si Mang Edward sya yung driver namin.
"Mang Edward pahatid po sa school malelate na po kasi ako"
"Sige po young lady"
Pinagdrive ako ni Mang Edward. Habang nasa biyahe nakatingin lang ako sa bintana ng van.
"Young lady nandito na po tayo"
"Salamat po"
Pagpasok ko sa gate ng school sinalubong agad ako ng mga staffs dito.
"Dito ulit po ba kayo mag-aaral Ms. Mendez?"
"Opo, saan po ba ang classroom ko ,Principal Grey?" - ako
"Star Section Ms. Mendez"
"Thank you po, doon po pala sa gate yung mga transferees,nagtatanong po kasi kung saan yung kanilang classroom"
"Thank you for reminding me"
"Your welcome po"
Hinanap ko kaagad ang classroom ko. Since Kinder dito na ako nagaaral kaya memorized ko na ang lahat ng classrooms, buildings, labs, etc.
Pumunta agad ako sa Highschool building at tinungo ang Star Section Classroom. Hinanap ko kaagad ang name ko sa list sa tapat ng pintuan.
Dito nga talaga ang room ko, halos lahat kasi classmate ko nung Grade 6 ay nandito din.
Pagkapasok ko binati agad ako nina Xiara at Agatha. Bestfriend ko sila ever since Grade 3.
"Shane dito ka sa tabi ko" - Xiara
"No dito sya" - Agatha
Ang seating arrangement kasi nila ay:
Vacant-Agatha-Xiara-Vacant
Marami pa namang vacant pero gusto ko talaga silang makatabi para may kachikahan kapag boring ang klase.
Alam ko na kung paano.
"Xiara,Agatha sa gitna nyo na lang ako"
"Sige", sabay nilang sabi.
Tumayo na sila at tinanggal ang sobrang seats. Dito kasi kami sa pinakalikod nakaupo.
"Hey"
Sino kaya yung pinagsasabihan nya luminga-linga ko kung saan-saan. Pero walang humarap sa kanya.Yung iba kong mga kaklase nagcecellphone at ang natira naman ay nagkukuwentuhan.
"Wag kang titingin kung saan-saan" - Jade
"Ako?", tanong ko.
"Oo ikaw, may iba pa bang hayop dito?"- Pearl
"Oo kayo, bakit hindi ba? Tigilan nyo nga yang pambubully kay Shane tingnan nyo muna ang sarili nyo bago kayo manakit", pagtatanggol sa akin ni Xiara.
"Baka nakakalimutan nyo pwede nya kayong ikick-out dito, Watch your words darlings.", sabi naman ni Agatha.
Nagulat ako sa presence nina Agatha kasi nagcecellphone lang sila kanina. Buti nandyan sila. Sila kasi ang nagtatanggol sa akin tuwing may nambubully sa akin.
Tiningnan ko sina Sapphire and Friends, mahaba kasi kung iisa-isahin ko pa yung mga pangalan nila. Nakita ko silang lumunok na lang ng laway. Totoo naman ang sinabi nila Agatha na kaya kong magpakick-out ng studyante dito sa school dahil sina mommy ang may-ari nito pero never ko pa iyong ginawa naaawa kasi ako sakanila.
"Sorry Shane, sorry talaga"- Jade
Nginitian ko lang sila hindi ako yung tipong nagtatanim ng galit sa kapwa. Grrrr... That's bad. I'm a good girl kaya.
Pumasok sa classroom namin si Mrs. Jolene. Siya ata yung adviser namin ngayon.
"Good morning class"
"Good morning Mrs. Jolene"
"For the transferees here in star section, I'm Mrs. Fermine Jolene, your class advisor. Introduce yourself here in front, one by one"
Nagsimula na silang magintroduce sa harapan. Nakita ko si Xander, katabi nya yung best friend nyang si Nathan. Childish silang dalawa kaya nagkakasundo pati na rin sa tipo ng babae parehas din. Ang ayaw lang sa kanila ng karamihan ay ang pagiging playboy pero hindi naman siya badboy.
Napansin nya atang may nakatitig sa kanya kaya binaling ko na lang ang atensyon ko sa mga nagiintroduce.
"I'm Chantelle Gin Bautista, I hope we could be friends"
"Leonard Guillermo, from Fatima Academy"
6 ata silang tranferees dito. Mahirap kasi ang magtake ng scholarship dito, pero pang top 5 lang itong school namin sa most prestigious school here in Philippines.
Si Agatha na pala. .'Go best, kaya mo yan, keep it up!', sigaw ko sa isip ko.
"Agatha Zamora, Hi transferees, I hope we could be friends"
Ako na pala magpapakilala. Pumunta na ako sa harapan at nagsalita.
"Hi I'm Shane Jewel Mendez"
Babalik na sana ako sa akong upuan ng may biglang nagtaas ng kamay, magtatanong ata.
"Yes Ms. Rivera"
"Ma'am kaanuano nya po sina Mrs. Dianna Mendez and Mr. Tristan Mendez of Mendez Boarding Association and the owner of this school?"
" Actually-"
Pinutol ko agad ang sasabihin ni ma'am.
"I'm their child"
Nagulat ang mga transferees sa sinabi ko at yung nagtanong tumahimik na lang. Bumalik na ako sa upuan ko at tinuloy na lang nila ang pagiintroduce tutal si Xiara na lang ang magpapakilala.
___________________
The bell rings.
Tapos na ang klase at uwian na. Umalis na silang lahat sa room maliban sa mga naelect na officer at sa aming tatlo.
"Mga sisters, mommy said na umuwi daw muna ako ng maaga sa bahay. Sorry sisters hindi ako makakasama sa inyo sa SM.", sabi ni Xiara.
"Ako din ehh sige bye sis", dugtong naman ni Agatha.
Hayst, mukhang busy sila ngayon.
"Magpapasundo na lang ako sa driver namin, bye sisssy", sabi ko at nginitian sila.
Agad naman silang nagwave sa akin.Umalis na sila pati ang ibang mga officers.
Tatawagan ko na sana si Mang Edward ng nalaman kong wala pala akong load kaya no choice ako kundi makitext sa iba.
Kaya lang si Xander na lang ang natira dito sa room nagcr kasi yung iba at ang iba naman umuwi na. Lulunukin ko muna ang pride ko para makauwi.
"Ehem, Ummm Xander pwede bang makitext wala na kasi akong load naubos na, pleeaassee", sabi ko with matching pout at puppy eyes pa kahit may pagkanerd ako marami pa ring nanliligaw sa akin at humihingi ng endorsement.
"Sige eto oh" - Xander
Nagtype kaagad ako at dinial ang number ni Mang Edward sa phone nya. Buti naman at sinagot niya.
"Mang Edward si Shane po ito nakitawag lang po ako wala po kasi akong load pakisundo po ako dito sa school........ Thank you po"- ako
Binalik ko agad ang phone nya sa kanya.
"Thank you Xander"-ako
"Walang anuman Shane, pwedeng makipagfriends sayo? Wala kasi akong ibang friend maliban kay Nathan so friends?"-Xander sabay lahad ng kanang kamay niya. Kukunin ko ba? Well, sayang ang chance.
"Sige friends" , nakipagshake hands sa kanya.
"Xander thank you ahh uwi na ako baka hinihintay na ako ni Mang Edward sa parking lot"
"Sige bye"
Umalis na ako sa room at pumunta sa parking lot. Buti naman at nakita ko na si Mang Edward nakakatakot kasing maghintay dito sa parking lot.
"Mang Edward uwi na po tayo"
Tumango lamang sya at pumasok na kami sa loob ng van at bumiyahe pauwi.