Xandra's POV "Isang araw ng nakalipas ahh. Hindi pa rin nagigising si Akira?", tanong ni Nathan. Simula ng mahimatay si Ren dito na natutulog si Nathan para mabantayan kami pero minsan doon din siya natutulog sa dorm niya. "Oo nga ehh. Si Tristan din. Isang araw ng hindi lumalabas sa kuwarto niya. Nagpapahatid na lang ng pagkain doon", sagot ko. "So anong gagawin natin?", tanong ni Gino. "Di naman puwedeng magpadalos-dalos lang tayo. At hindi pa natin alam kung anong poison ang ginamit kay Akira", sabi ni Tyron. "At hindi pa din nakakabalik ang mga girlfriends niyo", singit naman ni Nathan. "Wag kang magmukmok diyan Sean. Hindi pa napapatay si Agatha. Maliligtas pa natin siya. Maniwala ka lang", sabi ko sabay tapik sa balikat ni Sean. "Thanks insan", sabi ni Sean sabay ngiti. Maya-

