Nikka's POV Maaga ako gumising ngayon. Magtetraining kasi ako. Naligo na ako at nagbihis. Nakawhite T-shirt lang ako at skinny jeans. Pumunta na agad ako sa training room dito sa mansion. Kailangan ko ng magtraining dahil masyado na atang nangangalawang ang skills ko dahil puro tulog lang ang inaatupag ko. Gumawa ako ng isang libong light dummies at inutusang sugurin ako. Gumawa ako ng light dagger at light blades at pinapunta iyon sa mga dummies. Agad namang naubos ang isang daang dummies. Gumawa ako ng light shurikens at kunai at pinatama ulit ito sa mga dummies. Naubos naman din ang halos dalawang daan na dummies. Gumawa ako ng light bomb at pinasabog iyon sa parte ng training room na inaatake ng mga dummies. Agad din akong gumawa ng light shield na times ten ang kapal kaysa sa norm

