How stupid can I be? Clearly, wala talagang damdamin si Oscar sa akin. Binulag ako ng labis na pagmamahal sa kaniya at iyon ang dahilan kaya isinuko ko ang lahat. Pero para sa kaniya, physical gratification lang ang nangyari kaya ganoon na lang siyang magsalita kanina. At kahit kanino puwede niyang makuha iyon, ‘di ba? Ganoon ba talaga ang mga lalaki? They can make love even with no feelings involve? Puwede rin ba nilang pagsabay-sabayin ang mga babae, katulad ng ginawa ni Oscar sa amin ni Miranda? Siguro nga. Because how could he kiss me so passionately when he had done the same thing with other women? Good kisser! Paulit-ulit na naririnig ko ang katagang iyon sa isip ko. Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko, baka sakaling mabura nito ang nakaiinis na sinabi ni Miranda. Ngunit bigo a

