Umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa naabutan kong tagpo. Bakit nandito si Alvin, hindi naman kaniya ang bahay na ito? May pahawak-hawak pa sila ng kamay! Trabaho ba talaga ang ipinunta ni Chloe rito? Kahit kinuha na ng kasama ko ang atensyon nila, hindi pa rin bumitiw sa pagkakakapit ng kamay ang dalawa. Mayabang ang nakapintang ekspresyon sa mukha ni Alvin. Nakakalalaki ang tingin niya habang naglalakad kaming palapit sa kanila. Si Chloe ay sa kasama ko nakatuon ang pansin. Hinintay kong lumipat ang tingin niya sa akin. Pagalit na tinitigan ko siya nang magtama ang mga mata namin. Tumunog ang cell phone ni Engineer. Lumayo siya bago niya ito sinagot, kaya mag-isa na lang ako nang lumapit sa dalawa. “Napapadalas yata ang pagkikita natin,” sabi ko kay Alvin. “Yeah. Gano’n talaga ‘pa

