Maaga pa lang ay gising na ako. Nasa study room ako at hinihintay ang pagdating ni Chloe. Habang nasa malalim akong pag-iisip ay tumunog ang cell phone ko. Dinampot ko iyon sa ibabaw ng mesa at kunot-noong tiningnan ang naka-register na number, kay Engineer Delgado iyon. “Sir, narinig mo na ba ‘yong balita?” agad niyang bungad sa akin. “Anong balita?” tanong ko “May ibang developer daw na nagbigay ng proposal sa APM Group of Companies!” "Ano! That's impossible! Wala pang dalawang linggo mula nang binigay natin ‘yong proposal sa kanila, pa'nong may iba pang proposal na naipasa in just a few weeks! It took us more than six months to finish it?" bulyaw ko sa aking kausap. "I'm not sure how, Sir, but my source is reliable. He's one of the managers of APM. Sabi niya, they received anoth

