"May ibabalita ako sa 'yo! Guess what?" agad na bungad sa akin ni Betty nang sinagot ko ang tawag niya. Nagpapahinga na ako sa bahay. "What?" nakangiting tanong ko. "Guess nga, eh. Wala ka namang ganang kausap!" "Give me a clue. Wala akong ideya kung anong gusto mong ipahula sa akin." Inayos ko ang unan at isinandal sa headboard ng kama. Umupo ako at humanap ng komportableng posisyon. "Hmm...It's about a certain guy," pamisteryosang turan niya. "Si Oscar," siguradong sabi ko. Tinakpan ko ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan ko. Kinuha ko rin ang isa pang unan at ipinatong iyon sa aking kandungan. "Korek! Ang bilis mo namang mahulaan." "May iba pa bang guy na palagi nating pinag-uusapan? Kung gusto mo akong mag-isip mabuti sana hindi masyadong halata ang binigay mong clue." "O s'y

