AN: Pa-follow po ng account ko. Aside from Complete Surrender, may iba pa akong stories. You'll be notified if I have updates if you're following me. Thanks in advance! *** Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang damdamin ko kay Oscar. Ang kaso, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang lagay ko sa personal na buhay niya. May pagtingin din kaya siya sa akin? Lagpas apat na buwan na rin ang nakalipas mula noong niyaya niya akong mananghalian at hindi na iyon nasundan pa. Hindi ko alam kung asumera lang talaga ako na sa tindi ng pagmamahal ko sa kaniya ay binibigyan ko ng kahulugan ang bawat titig at kilos niya. Idagdag mo pa iyong sulsol ni Betty. Maaari din na abala lang talaga siya at lahat ng atensyon niya ay nasa bagong proyektong ginagawa namin. Siya ang may ideya nito,

