He really has a very endearing smile. Wala sana akong balak sumama sa kaniya kaso iba ang lumabas sa bibig ko. Ngayon ko lang nakita ang side na iyon ni Oscar, boyish and unsure but trying hard to present a relax and an uncaring attitude. Napansin ko lang na mahalaga ang sagot ko dahil sa malapit na distansya namin sa isa't isa. I feel when he held his breath while waiting for my answer. I am also aware when the tenseness left his body after I agreed. Akala ko sa canteen o sa baba lang ng gusaling kinaroroonan ng opisina kami pupunta. Maraming kainan doon pero mukhang may iba siyang nasa isipan. Sa parking area kami tumuloy at sasakyan niya ang ginamit namin. Napangiti ako nang makita ang restaurant na pinuntahan namin. He is definitely acquiring class and loads of it just by the look

