Gusto kong pumito habang naglalakad. Ang kaso, hindi ako marunong niyon kaya idinaan ko na lang sa pagngiti ang sayang nararamdaman. Mabilis talagang magbago ang takbo ng buhay. Kanina lang, ang lungkot-lungkot ko. Pero heto ako ngayon, tila lumulutang sa ibabaw ng alapaap dahil sa saya. Pumasok ako sa kuwarto ngunit nakailang hakbang pa lang ako ay bumukas uli ang pinto. Sumunod pala si Oscar sa akin. Ipininid niya ang pinto at hindi pa siya nagkasya roon dahil ni-lock niya pa iyon. Nanlalaki ang matang sabi ko, "Are you out of your mind! Pa'no kung may nakakita sa 'yo?" Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya. "Wala! Sinigurado ko! At ni-lock ko 'yong pinto para walang mang-iistorbo sa 'tin!" Humalukipkip ako. "At bakit mo naman ako sinundan?" "Gusto ko lang linawin ang lahat sa at

