Pumasok sa bahay si Kuya Luke nang ihatid ako upang makausap sina Mama at Papa. Kaysa maghintay sa labas, inalok niya si Oscar na sumama sa loob . Hindi na namin kasama si Sophia, nauna na siyang inihatid kanina. Sumalubong sa amin sina Mama. Masaya kaming nagkukuwentuhan habang naglalakad papunta sa sala. Makalipas ang ilang saglit, nagpaalam ako sa kanila na magpapahinga na. Ewan ko kung bakit sumunod sa akin si Oscar nang papunta na ako sa silid. Hinawakan niya ako sa siko at iginiya sa sulok kung saan hindi matatanaw ng mga tao sa sala. "Ano na naman 'yon?" tanong ko. Ibinulsa niya ang mga kamay. "Mawawala ako ng isang linggo, may b'yahe ako." "So? Ba't nagpapaalam ka?" Hindi ko maintindihan kung bakit nalungkot ako sa sinabi niya. Selebrasyon ng birthday ko sa Biyernes ng gabi. Wa

