"Chloe, teka!" tawag ni Oscar. Nakataas ang isang kilay na lumingon ako. Hinintay ko na makalapit siya sa akin. "Samahan na kita," alok niya. "Hindi ko kailangan. Gusto kong mapag-isa!" Tinalikuran ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Isinara ko ang pinto paglabas ko para bigyang-diin na ayaw ko talaga ng kasama. Nakahinga ako nang maluwang nang hindi siya sumunod sa akin. Tinahak ko ang daan papunta sa swimming pool area. Habang naglalakad ay tumatakbo sa isip ko ang babala ni Sophia. Don't let Oscar use you again! May dahilan ba kung bakit laging nagku-krus ang landas namin ni Oscar? Sinasadya niya ba ang mga pagkakataong iyon? Pero hindi siya kung 'di si Kuya ang nag-imbita sa kaniya. Lalagyan ko ba ng ibang kahulugan ang mga ikinikilos niya kapag magkasama kami? At ang mga s

