Noong malapit nang magtakip-silim, nagkita kami nina Kuya sa dining hall at sabay-sabay kaming bumalik sa cottage matapos maghapunan. Nagpaalam kaagad si Sophia na magpapahinga na. She has not regained her full strength yet, and she looks really bushed. Sumunod ako sa kaniya sa kuwarto kahit hindi pa ako inaantok. Maaga pa, kaso nakakahiyang iwan siyang mag-isa sa silid. Umupo muna ako sa sofa, ang mga binti ay nakatiklop at nasa ilalim ng aking hita. Umangat ang ulo ko mula sa pagbabasa nang bumukas ang pinto. Pumasok si Sophia. Bagong ligo siya, nakasuot ng puting roba at nakabalot ng tuwalya ang ulo. Scrub free of make up, parang magkasing-edad lang kami. Mas mukha siyang bata sa akin dahil nga sa maliit siya. Sabagay, hindi naman masyadong malaki ang agwat ng edad namin, mga tatlo o

