Natutuwang pinagmasdan ko si Chloe. Nawala iyong pagiging class niya nang ibinulong kong may pagka-tsismosa siya. Buti na lang she took it for what it was, a joke. Aayawan ko sana ang alok ni Luke na sumama rito dahil kay Sophia. I hate to be in the same room with her. Nahirapan lang akong tanggihan dahil kay Chloe. I will do anything just to be with her. Sophia is a big surprise. Hindi na siya kasing taray katulad ng dati. Siguro may positive effect si Luke sa kaniya. O, iyong insidenteng kinasangkutan ng nobyo niya ang nagpabago sa kaniya. I have to be kinder with her though. Kahit paano, iniligtas niya si Chloe. Humiwalay sa amin sina Luke pagkatapos naming mag-luch, may iba silang pupuntahan. Naiwan kami sa dining hall at pinanood ang mga kumakanta sa harapan. "Shall we go?" tanong

