Chapter 35

1658 Words

Inilabas ko ang mga damit sa loob ng bag at sinimulang ilagay iyon sa kabinet. Walang sariling banyo itong silid kaya sa ibabaw ng tukador ko ipinatong ang lahat ng toiletries. Hindi ako makapagdesisyon kung ano ang susunod na gagawin. Ayaw ko munang bumalik sa patio, sa nakita kong ekspresyon ng mukha ni Kuya kanina, mukhang kalabisan kung nandoon ako. Dumungaw ako sa nakabukas na bintana. Boring. Walang makita kung 'di katabing cottage lang. Nagpasya akong lumabas para kumuha ng maiinom sa kusina. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas din ang katabing pinto. Hindi ko na kailangang lingunin upang malaman kung sino iyon. Animo'y may stiff neck ako sa tindi ng pagpipigil na sulyapan si Oscar. Hindi rin kailangang maging henyo ako upang malamang nakasunod siya sa akin. Hanggang sa kus

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD