Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang bumalik ako ng Maynila. Hindi ko nga inaasahan na magugustuhan ko ang takbo ng buhay rito. Labag kasi sa loob ko noong una na magtrabaho sa kompanya ni Mr. Zamora. Hanggang ngayon ay hindi ko makuhang tawagin siyang Papa.
Dumalaw siya sa amin isang taon matapos pumanaw ang asawa niya. Noong panahon na iyon ay hindi ko pa alam kung ano ang talagang papel niya sa buhay ko. Nagpakilala siya sa akin matapos niyang magpaalam kina Lola.
Nalaman ko na kinausap ni Mrs. Zamora si Tita nang matuklasan nito kung sino ang tunay kong ama. Inalok nito ng malaking halaga si Tita kapalit ng pag-alis namin sa mansyon at ang siguridad na mananatiling lihim ang pagkatao ko. Sumang-ayon na rin sa plano si Mr. Zamora dahil mahal naman talaga niya ang asawa. Naglagak sila ng malaking halaga sa trust fund para sa aking edukasyon at nagbigay rin ng panimula para sa maliit na negosyo.
Ayon kay Mr. Zamora, bago pa man yumao ang asawa ay nagsabi ito na nagsisisi sa naging desisyon noon. Sana raw tinanggap na lang ako at itinuring na tunay na anak. Marahil sabi nito, mas naging maligaya sila.
Kailan lang ay nagkaroon ng bakante sa kompanya nila. Kasalukuyan silang nag-uusap kung sino ang papalit sa iiwanang posisyon ng magreretirong opisyal nang lumabas sa pahayagan na pumasa ako sa bar exam. Doon sumibol ang ideya na ako ang sanayin na maging tagapamahala sa operasyon.
Nagpunta uli siya sa Cotabato para kumbinsihin akong magtrabaho sa kaniya. Napakarami pala niyang negosyo. Itinalaga akong Chief Operating Officer (COO) ng Zamora Engineering & Property Development, isa sa mga kompanyang pag-aari niya. Madali kong natutunan ang pagpapatakbo nito. Marahil namana ko sa kaniya ang galing sa negosyo.
Ibang usapan pagdating sa social gatherings. Kahit na ako marahil ang legal heir niya, nakagayak mayaman at may pinag-aralan, hindi ko pa rin matutunang magrelaks o mag-enjoy sa harapan ng mga taong taga-alta sosyedad.
Sa akin, obligasyon ang pagdalo sa mga ganitong okasyon. For Chloe, it is a place to enjoy, relax and re-connect with her friends and other acquaintances. Unlike me, she perfectly fits well in this world.
Bukod kay Mr. Zamora, si Chloe ang malimit kong kasama sa mga salo-salo. Malaki ang naitulong niya sa akin. Alam niya kung kaninong grupo ako komportableng iwan. Malakas din ang pakiramdam niya kung kailan ako babalikan para isalba sa aking kausap.
These people will judge me on the basis of what I wear and how I conduct myself, lalo na dahil tagapagmana ako. Naiintindihan ko na ang ginawa ni Chloe noong unang araw na bumalik ako rito. Pero kahit alam kong tama siya, I can not admit that to her.
Hindi na bumalik ang dati naming samahan. Civil kung makitungo siya sa akin. Dalawa lang naman ang pinapakita niya, either cool and professional attitude or irritated. Malakas ang impluwensya ng Ninong niya sa kaniya, kaya kahit ayaw niya akong kasama ay napipilitan siya.
Naputol ang pagdaloy ng nakaraan sa alaala ko nang kumatok si Karen at sumilip sa pinto.
"You have a meeting at nine o’clock, Sir," paalala sa akin ni Karen, ang sekretarya ko.
"Thanks. I'll be ready in a minute," sagot ko.
Ngayon ang presentation for the proposed residential house ng isa naming kliyente, si Mrs. Angelica Fuentes. From planning, building, architectural and interior design to landscaping ang kontrata.
Dito rin namamasukan si Chloe as part of the interior design team. Sa maikling panahon na inilagi ko rito sa kompanya, ngayon ko lang siya makakasama sa trabaho. May memo akong pinadala nang malaman kong sa kaniya ibinigay iyong proyekto. Binalaan ko siya na maghinay-hinay, because she has a propensity to spend, baka mapamahal ang quote nitong proyekto at mapunta pa sa iba.
Lumabas ako sa aking opisina. “Nasa conference room ako, if you need me.”
“Yes, Sir,” tugon ni Karen.
May mga kumausap sa akin habang papunta ako sa conference room, kaya pagdating ko roon ay kompleto na ang lahat. Nahagip ng paningin ko si Chloe. Saglit siyang nag-angat ng mukha bago itinuon uli ang atensyon sa laptop niya.
She looks chic and beautiful, as usual. Kahit nasa trabaho siya, she still has this air of sophistication. But at least, may alam pala siyang gawin bukod sa magwaldas ng salapi ng magulang niya.
Umupo ako sa dulo ng mesa at sinabihan silang mag-umpisa na ng kanilang presentation. Nakinig akong mabuti ngunit nang si Chloe na ang nasa harapan, mas naging interesado ako. Siya ang pinakahuling nagsalita.
Ipinakita niya iyong planong ginawa niya. Ipinaliwanag niya ang general concept at inisa-isa niya ang detalye nito. May mga visual slides din siyang inihanda upang mas maunawaan namin ang ideya niya.
“That's what we can do with Mrs. Fuentes' house. Any questions or comments," sabi niya nang matapos siyang mag-present.
Sumulyap ako sa ibang mga kasamahan ko. Nakakunot-noo ang iba. Nagpalitan ng makahulugang tinginan ang iba. They are too polite to say what they have in mind. That it’s disappointing. Not impressive. Mediocre.
I voice it out. “Honesly, it’s not good enough. Is that all what you can do?”
Ngumiti siya. “It’s all the budget allows me to do.”
Sumandal ako sa upuan at pinagde-kuwatro ko ang paa. “And I suppose you can do better if you have a larger budget?”
“Of course.”
“You’ll be saying next that I should give you another shot?”
“You’re guess is as good as mine.”
Nagsukatan kami ng tingin. Hinintay ko siyang magbaba ng tingin pero walang takot pa rin siyang nakipagtitigan sa akin. Naputol lamang iyon nang may magsalita at sabay kaming sumulyap sa kaniya.
“Wala ka yata sa mood nang ginawa mo ‘yan, Chloe,” sabi ng project engineer namin.
“Kailangan ng inspirasyon,” kantiyaw ng manager.
“Sagutin mo na kasi si Bernard.”
Sumama ang hilatsa ng mukha ko sa narinig. Tumayo na ako. “Sabihin mo na lang kung may naihanda ka nang isa pang interior design.”
“P’wedeng ngayon na? May dala akong alternative design.”
Umupo uli ako at masusi ko siyang pinagmasdan. May nabubuo nang hinala sa isip ko pero pagbibigyan ko siya. "You can proceed."
Kung kanina lukewarm ang reaksyon ng mga kasama namin sa unang slides, sa pangalawang powerpoint presentation niya ay very enthusiastic sila. Mukhang mas pinaghandaan niya ito. May mga sample pictures pa siya ng mga materials na gagamitin.
“Wow! Ang ganda n’yan, ah. Kailan ko kaya maa-afford ‘yan?” sabi ng manager.
“Managinip ka na lang,” biro ng engineer.
Nangalumbaba iyong isa pang staff namin. “Hanggang pangarap na lang talaga tayo.”
Napagtanto ko na sinadya ni Chloe na hindi pagandahin iyong unang presentation. Gusto niyang ipamukha sa akin na hindi ko dapat pangunahan ang trabaho niya. Kaya pala ganoon ang ekspresyon ng mukha ng mga kasama namin. Nagtataka sila kung bakit hindi impressive iyong una nilang nakita.
Tumikhim ako para kunin ang pansin nila. "If we will choose the second option, how much more will it cost us?" tanong ko. Alam ko na mas mahal iyon.
"I've estimated that the cost will go up by three million pesos," sagot ni Chloe.
"Hah! It's a no brainer, then. We'll just stick to your first presentation."
"I disagree! I happen to believe that the second presentation would cinch the contract for us!" Ipinatong pa ni Chloe ang dalawang kamay sa mesa. Medyo yumuko siya na lalong nagpalitaw sa kaniyang kaseksihan. She is wearing an above the knee skirt, nakatuck-in ang blusang sleeveless na may kuwelyo pero malalim ang neckline.
"You could take your leave, guys. I'll discuss this with Chloe alone."
Narinig ko ang ingay mula sa silya nang nagtayuan ang ibang kasama namin. Gumawa rin ng ingay ang tunog ng inililigpit na papeles at pagsara ng laptop. Mayamaya ay nagpaalam na sila.
Hinintay kong mapag-isa kami. "Bakit mo nasabi na mas magugustuhan ni Mrs. Fuentes iyong pangalawang design mo?"
"Because when I made the first presentation, I had in mind your warning to go easy on cost. But when I made the second presentation, I had Mrs. Fuentes in my mind,” nagtitimping sabi niya. Dapat ba siyang paniwalaan?
Nagpatuloy siya. “If there's one word that I can apply to her then it's lavish. Mrs. Fuentes likes to flaunt her wealth. Gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo na mayaman siya. Kaya gumawa ako ng isa pang design na hindi lang siya mapapabilib, mapapa-wow pa siya!" Mababasa mo sa mga mata niya na handa niya itong ipaglaban. May apoy ang tinging ibinato niya sa akin at pati ang kaniyang pisngi ay namumula.
So there is something this lady is passionate about. Ganoon din kaya siya sa kama? Bakit ba sumagi sa isip ko iyon? Ramdam ko tuloy ang biglang pagsikip ng pantalon ko sa harapan. Kusang nagbigay pugay ang alaga ko kahit ano pang saway ang gawin ko. Umayos ako sa pagkakaupo at naghanap ng mas komportableng posisyon.
Saglit na namagitan sa amin ang katahimikan. Bumuntunghininga muna ako bago sumagot. "Okay, we’ll give it a go on one condition."
"Condition?" kunut-noong tanong niya.
"Yes, that you'll go with me when I'll present that to Mrs. Fuentes." Pinilit ko pa ring umaktong relaks kahit na alumpihit ako sa pagkakaupo.
"I don't get why I need to be there," giit niya.
"I don't need to explain myself," mahina ngunit mariing sabi ko. Nagsukatan uli kami ng tingin. Nagpakiramdaman kung sino ang unang susuko. "You can take it or leave it. It's your choice."
"You're serious, aren't you?" asik niya.
"Never in my life will I joke something as important as this." I see indecision in her eyes.
"Fine! I'll take it, then," inis na sagot niya.
"Good! Get ready with your things. We'll be meeting our client this afternoon at one o’clock."
"What? I already have commitments this afternoon!"
"Cancel them," balewalang utos ko.
Tumayo ako at nagtungo na sa pinto. Padabog na niligpit ni Chloe ang gamit niya habang palabas ako ng conference room. Jerk ang narinig kong huling sinabi niya kahit pabulong lang iyon.
Pagpasok na pagpasok ko sa opisina, inutusan ko kaagad ang aking sekretarya.
"Karen, can you call Mrs. Fuentes and confirm our meeting today? Free all my schedule this afternoon, I'm not sure when I'll be back."
"I'll do that, sir," sagot niya.
Kahapon pa ako kinukulit ni Mrs. Fuentes tungkol sa plano. Nabanggit ko na ngayon mapa-finalize iyon. Gusto niyang makita kaagad iyon kaya nagpa-set agad siya ng meeting.
I am dreading this meeting. Baka kasi hindi ako makapagtimpi. Si Mrs. Fuentes ang klase ng taong gusto kong iwasan. But I am hoping that she will behave if Chloe is with me.