Nagtataka ako kung bakit si Oscar pa ang dapat makipagkita kay Mrs. Fuentes. Karaniwang project manager at engineer namin ang humaharap sa mga kliyente puwera na lang kung multi-million ang proyektong gusto naming masungkit. At bakit ako ang kailangang isama niya? Gumaganti ba siya dahil naisahan ko siya kanina? “Sa parking area na kita hihintayin. We’ll use my car. There’s no point using two cars when we’re going in the same place,” sabi ni Oscar. Talagang sinadya niya pa ako sa opisina ko. Lumingon ako at nakita kong nakatayo siya sa pintuan. “Fine.” Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Naglakad siya tungo sa direksyon ng elevator. Sinipat ko ang mukha sa maliit na salaming nasa ibabaw ng mesa, nag-apply ng lipstick at saka sinuklay ang buhok. Tumayo ako, isinabit sa balikat ko

