Naabutan kong nagtatalo ang maglola sa kusina. Nahinto lang iyon nang marinig nila ang papalapit na yabag ko. “Gising ka na pala,” sabi ni Lola. “Halika’t magkape ka na muna.” Akmang tatayo siya ngunit pinigilan ko. “Ako na ang magtitimpla ng kape ko, La.” Lumingon ako kay Oscar na nakahilig sa counter ng kusina. “Nagkape ka na?” “I can use another cup.” Tumayo siya nang tuwid. Kumuha ng dalawang tasa at inabot sa akin iyon. Itinuro niya rin kung saan nakalagay ang kape at asukal. Ipinatong ko sa lamesa ang natimplang kape. Nagminustra siyang umupo ako. “Mag-almusal na kayo. Nagluto si Hilda bago umalis,” sabi ni Lola. Tinanggal niya ang takip ng almusal namin. “Sa’n ho nagpunta si Tita?” tanong ko. “Sa palengke. Maaga talagang umaalis ‘yon. Inaantabayanan niya ‘yong mga karneng id

