Chapter II: message ng U.W.A.C.

1265 Words
Apollo's Point of View Isang araw na mula ng ipaliwanag ko kay Hermes ang lahat na nangyari sakin mula ng umalis ako sa dati namin tinitirhan. Ayaw ko magpakita sa kanila at alam ni Hermes yon pero hindi ko sinabi sa kanya ang tunay kong dahilan ay ayaw kong mapahamak sila at ayaw kong pigilan nila ako pag nalaman nila ang tungkol sa pagiging salamangkero ko. "Hoy Jericho!! Tulungan mo naman ako sa homework natin sa English at Filipino oh. " sabi ng kaibigan kong si Oliver Si Oliver Santos ay kaibigan ko na kasama ko mula nang umalis ako sa amin, sya ay anak ng isang mayaman pero isa rin syang neglected child katulad ko. " Sige pero tulungan mo ko dito sa Math. " sagot ko sa kanya Naglalakad kami papunta sa apartment na lihim na binili ng lola Estrella ko. Pinalitan nya rin ang pangalan ko dahil mabilis daw ako mahahanap kapag hindi ko pinalitan. Ginawa nyang Jericho Cuerva ang pangalan ko. Makalipas lang ag ilang minuto ay nakarating na kami sa apartment ko at binuksan ang pinto pero bago pa kami makapasok ay may naramdaman akong prisensya ng isang salamangkero at nakita ko ang Principal na naglalakad palapit samin. " Mr. Ibarra, Mr. Santos may natanggap akong sulat mula sa main headquarters na ita-transfer na mga salamangkero mula sa Kyoto, Japan, Paris, France at New York City district dito sa Region 3, Philippines district at sa ating section mapupunta ang transfer. " sabi nya at kinuha ang isang envelope mula sa bulsa nya at ibinigay sakin. Binuksan ko ito at tinignan ang nakasulat. Name: Hiroshima Hiro ( Hiro Hiroshima in your country ) Gender: Male Technique/s: Ninjutsu, Hyoho Niten Ichi-ryu Equipment/s: wakizashi, katana Alias/es: None Name: Michel Déjà Vu ( le Fay ) Gender: Male Technique/s: Advance Spellcasting, Basic Elemental Magic ( Earth, Air, Fire, Water ) Equipment/s: Grimoire Alias/es: descendante de Morgana le Fay ( descendant of Morgana le Fay ) Name: Celestine Valentine Gender: Female Technique/s: Rapid Illusion, Dream Manipulation, Mind Reading Equipment/s: Custom Made Pistol Alias/es: Mind Walker They shall be here until they are ready to go back to their respective places. Until then they will be here. - Sage Director of Region 3, Philippines District Pagkatapos namin mabasa yon ay pumasok kami at ginawa namin ang aming mga homework namin. Pagkatapos namin gawin ang homework namin ay nanood kami ng balita. Ang totoo nyan puro p*****n nalang ang naibabalita ngayon. Ayon sa balita, hindi nila alam kung paano pinapatay o kung sino man gumagawa dahil walang naiiwan na bakas ang salarin bukod sa ang mga biktima ay na-dehydrate........ NAKU NAMAN!!! Isang salamangkero ang pumapatay sa kanila at ito ay sa pamamagitan ng water magic. Kinuha ko ang aking notebook ko. Ito ang espesyal na notebook dahil pwede ka magsulat at lalabas ito bilang mga lumulutang na picture sa mga tatak mahika na nasa bookmark na binigay ko ang nakasulat. Sa totoo lang hindi namin ito problema kung sa ibang lugar ito eh dito sa Region 3 nagaganap ang p*****n at iyon ang tanging dahilan. Kailangan nating magpulong ngayon din. - Soulfusioner/Sealmaster V Apollo Jericho Mondragon Ibarra Pagkatapos ko magsulat ay binuksan ko na ang isang espesyal na pinto at tinawag nya si Oliver at pumasok na kami at naglakad sa isang tunnel. Pagkadating namin sa kabilang dulo ay binuksan nila ang isang pinto at pumasok doon at nakita na nandoon na rin ang ilang miyembro ng Region 3, Philippines District. " Nakarating ka na din Apollo, ngayon sabihin mo na kung bakit mo kami pinatawag? " tanong ng isang lalaki na may kulot na itim na buhok, kayumangging balat, itim na mata, pangong ilong, maputlang labi, nakasuot ng Brown na Trenchcoat at police uniform sa loob. Sya si PMSg Daniel Contreras na isang Magic Item Creator at Sightseeker VII ang rangko nya. " Napanood nyo yung nasa balita, yung pumapatay? " tanong ko at tumango naman sila " Ayon nga at nasama ako sa pag-iimbestiga sa kaso. Ano naman kinalaman no'n sa pagtawag mo? " tanong ni Daniel " Ahh, na-gets ko na!! Namatay sa dehydration ang pumapatay sa kanila bukod sa pagkaumpog ng ulo nila. May posibilidad na isang salamangkerong gumagamit ng water magic ang salarin. " sabi ng isang babae na na may maikling buhok, brown na mata, matangos na ilong, mapulang labi, maputing balat, perfektong katawan at nakasuot ng pang-nurse na uniform. Sya ay si Erika Sandoval na nurse sa isang ospital sa Pampanga at isang Healer IV " Oo at kailangan ko malaman kung ano ang dahilan. Sir Contreras ano ang pagkakapareho ng mga biktima? " tanong nito sa pulis " Hindi ko alam dahil magkakaiba ang mga profile nila, wala din silang connection sa isa't - isa. " sagot ng pulis " Alam nyo tignan nyo ang mga bagay na pwede mag-connect sa kanila, halimbawa sa bola, di ba may mga sport na ginagamit ang bola kahit naiba ang rules. " suwestiyon ng isang lalaking nakapangbahay na suot, mahaba at kulot na buhok na umaabot sa balikat, ang mga mata nya ay itim, may matangos na ilong, maitim na labi, maitim ang balat at may sigarilya na nakasindi ang nakalagay sa bibig nya. Sya si Aldus Capricorn Sta. Maria pero ang tawag sa kanya ng ilan ay 'Kapre'. " Sige titignan ko. Saka nga pala Director, nasaan nga pala ang ilan nating kasama? " tanong ni Daniel sa isang matandang lalaki na nakaupo sa wheelchair. Ito ay may maikling buhok at dark brown na mata at pangong ilong, ang balat nya may mga kulubot na dahil sa katandaan. Sya ang Sage Director o ang pinuno sa Region 3, si Ricardo Escobar Sr. " Ang iba sa kanila ay nasa Region VII sila para tingnan ang seguridad sa Kampilan ni Lapu-Lapu at ang iba pa ay pumunta sa albularyo para magpatulong sa paghahanap sa Minokawa at Bakunawa. " sabi ng matanda na sya namang ikinatngo ng lahat. " Ah! Kailangan ko nang umalis at susunduin ko pa ang mga ita-transfer sa airport, mauna na ko. " sabi ng Principal namin sa school at umalis na " Apollo, Oliver, maiwan kayo at kayong lahat ay umalis na. tapos na ang pagpupulong ito. " sabi ng matanda at umalis na ang iba " Musta na kayo, Apollo at lalo ka na Oliver, Hindi mo na ako dinadalaw kasama ang apo kong si Katherine. " " Pasensya na po kasi hindi ako kinakausap ni Katherine dahil hindi parin nya tanggap ang arrange marriage nyo. " sagot ni Oliver na may halong lungkot " Ayos lang yon, kung hindi ko sya pinilit dito sa arrange marriage ay hindi ko sya mapoprotektahan sa mga kalaban ko. " sabi ng matanda " Sige na bumalik na kayo at marami pa kayong gagawin bukas. " sabi ng matanda at umalis na kami at bumalik na sa apartment ko. Pagkabalik namin ay umalis na si Oliver at umuwi na sa bahay nila ni Katherine Escobar. Oh! How ironic can this be, nagkaroon ng pagtingin si Oliver kay Katherine pero si Katherine naman ay ayaw sa kanya. Si Sage Director naman ay gumawa ng kasunduan kay Oliver para protektahan ang apo nang malaman nito na ang isa sa dati nitong kalaban sa negosyo ay target ang apo nya. At ito ang dahilan ng arrange marriage. Maya-maya ay narinig kong may kumatok sa pinto kaya pumunta ako sa pinto at bubuksan ko na sana ng makita ko ang paligid na magulo kaya nilinis ko muna ng mabilisan at bumalik sa pinto at nang binuksan ko ang pinto nakita kong................ End of Chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD