Chapter III: Gulat

1290 Words
Nakaraang Chapter Apollo's Point of View Maya-maya ay narinig kong may kumatok sa pinto kaya pumunta ako sa pinto at bubuksan ko na sana ng makita ko ang paligid na magulo kaya nilinis ko muna ng mabilisan at bumalik sa pinto at nang binuksan ko ang pinto nakita kong................ 3rd Person's Point of View Pagkabukas ni Apollo nang pinto ay nakita nya ang kanyang kapatid na si Hermes pero naramdaman nya na hindi nag-iisa si Hermes at alam nya na nasundan ang kapatid nya kaya tumingin muna sya sa paligid atsaka pinapasok si Hermes. Artemis' Point of View Nakita ko si Hermes na umalis ng bahay kanina kaya sinundan ko sya kasi nagtataka ako na umalis sya ng bahay dahil pagabi na. Nakita ko sya na pumunta sa isang Apartment Building at kumatok sa pinto at maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok sya. Pumunta ako sa tapat ng pinto at hinawakan ito. Hindi ko sinabi sa mga magulang ko na meron akong kakayahan na malaman kung ano ang nangyari sa isang tao sa pamamagitan ng paghawak ng bagay na pag-aari nila at nang mag-research ako ay nalaman ko na tinatawag itong psychometry. [ Nakita ko na ang mga bagay ay sadyang bago pa lamang. Nakita ko ang isang batang 13 years old at isang matanda na na-recognise kong si lola Estrella. " Sayo na ito pagmula ngayon, Apollo. " " Hoy Oliver! Pinapatawag tayo ni Sir Leon, may meeting daw ng U.W.A.C. region 3! " " Okay lang yan pre! Magsisisi din sila sa mga ginawa nila. " ] Nagulat ako dahil sa huli ay nakita ko na rin sya. Atsaka ko lang na-realize na alam ni Hermes na si Apollo ang nandito. Agad akong bumalik sa nilipatan naming bahay at hinanap si dad. Agad ko silang nakita kaya tumakbo ako papunta sa kanila. " Dad! Dad! Nahanap ko na sya! Nahanap ko na si Apollo! " sigaw ko sa kanila at napatingin sila sakin " Talaga!! Saan sya? " tanong ni Dad sakin at mabilis kong sinabi sa kanya lahat nang nangyari maliban sa paggamit ko ng kakayahan ko. " Alam mo anak alam ko naman ang tungkol sa kakayahan mo. " diblang sabi ni Dad na ikinagulat ko " Huh?! A-anong si-si-sinasa-sabi nyo-- Wag mong itanggi, Artemis. Alam ko dahil marami akong hindi sinabi sa inyo ng mga kapatid nyo. " sabi ni Dad at nagsimula syang magsalita ( Kinabukasan ) Nandito ako ngayon sa classroom ko nakatitig sa whiteboard. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Dad ay isang taong tinatawag na salamangkero at dati syang miyembro ng isang samahan ng mga salamangkero na tinatawag na U.W.A.C. " Ayos ka lang ba Artemis? " nagulat nang may diblang nagtanong sakin at nakita kong nasaharapan ko na ang kaklase kong si Samantha Joy Delos Reyes na nakatitig sa harapan ko. Magsasalita na sana ako ng makita kong nahulog ng ballpen nya kaya dinampot ko at pagkadampot ko ay aksidente kong na-activate ang kakayahan ko. [ " Dear Diary, Nakita ko nanaman ang mahal kong si Jericho. Ang maitim nyang buhok na tumatakip sa isa nyang mata, ang gwapo nyang mukha, ang nakakahimatay nyang pagngiti at nakaka-hypnotize nyang titig. Nai-imagine ko na ang magiging itsura ng magiging anak namin. Sincerely yours, Sammy" " Jericho + Samantha forever " ang nakasulat sa gitna ng puso " Mister & Misis Cuerva " ] Okay, alam ko naman na maganda si Samantha kasi sa mga lalaki sya ang epitome of beauty. Ang kanyang buhok ay abot leeg na straight, dark brown ang kulay ng mata, pangonng ilong, maputlang labi, perpektong katawan. At alam ko kung sinong Jericho ang tinutukoy nya, si Apollo. " Ah, eto nga pala ballpen mo. " sabi ko sabay abot sa kanya Hindi ko na tinapos iyon dahil nakikita kong obsess at mukhang may pagka-possessive si Samantha kay Apollo. Samantha's Point of View Nakita kong nag-iba ang expression ng mukha ni Artemis nung dinampot nya ang ballpen ko at nag-aalala ako na baka may nangyari sa kanya. Itatanong ko sana uli kung ano ang iniisip kaso dumating na ang guro namin kaya umupo na ako at in-announce ang mga kailangan gawin at mga special events, and speaking of special events, ang school namin ay magkakaroon ng mythology subject for a month ang school na tradition ng school dahil ang may-ari ng school ay mahilig sa mythology at folklore. Alam ko naman na mahirap ito sa ibang tao dahil nakakalito ito pero sa section 9-I ay madali lang ito dahil pinag-aralan na namin ito last week. ( Pagkatapos ng Klase ) Naglalakad na ako palabas ng gate nang makita ko si Jericho kasama ang isang kaklase nya. Na-curious ako kaya sinundan ko sila. Nakarating kami sa Olongapo at nakita ko sila na pumasok sa isang abandoned building kaya pumasok din ako. Ang dilim ng building at tanging liwanag lang ay galing sa labas na pumapasok sa mga bintana. Nakita ko na may parang isang mahe ang nagsimulang mag-emerge mula sa dilim at nakita ko ang isang aso na may pulang mata at nakakatakot na itsura. Nagsimula na itong mag-ungol at tumakbo papunta sakin. Kahit gusto kong tumakbo kaso lang dahil sa takot kaya hindi ko magalaw ang katawan ko. Palapit na ang aso nang may humarang ditong isang mysterious creature. Ang mysterious creature ay mukhang ahas na may pakpak. Maya-maya pa ay may narinig akong mga yabag ng paa at dumating si Jericho kasama ang kaklase nya at isang duwende. " Oliver, eto ang...... " " Bakunawa! " sabay-sabay nilang sabi " Tulungan nyo ko! Dinukot nila kami ni Minokawa at nakatakas lamang ako! " sabi ng creature sa kanila " Pero sino namang makakagawa no'n? Malakas kayo at may mga nagbabantay na mga salamangkero sa tahanan nyo. " sabi ni Jericho sa creature Pero bago pa sumagot ang creature ay umatake ang aso pero bago ako maatake nito ay isang liwanag ang bumalot sakin. " Ako, si Bakunawa, ay tinatanggap ang taong ito bilang kasanib ko! " Narinig kong sabi ng isang boses na katunog ng boses ng creature at nang mawala na ang liwanag ay nakita akong nadagdag sa suot kong uniform na black na skirt na hanggang tuhod, white sando at green na polo. Ang nadagdag ay isang korona na feeling ko ay gawa sa kaliskis at sunay na parang sanga, nakasuot arin ako ng coat na sleeveless at meron na akong pakpak na parang sa dragon at ang mga ito ay ash gray ang kulay. " Pagtawag: Espadang walang talim: Sinag! " narinig kong sabi ni Jericho at lumabas ang isang Arnis " Ako, si Apollo Jericho Mondragon Ibarra, ay makikipagsanib sa elementong-nilalang, ang uwak na may tatlong binti, na si Yanwu " Nabalot ng liwanag si Jericho at nang mawala ito ay meron ng armor ang kanyang mga binti at kaliwang braso at sya ay may pakpak na parang sa ibon. " Apoy ng Araw: Liwanag ni Sinag " sabi ni Jericho at nabalot sa liwanag ang paligid at nang mawala ang liwanag ay nawala na ang aso. " Ako, si Apollo Jericho Mondragon Ibarra, ay tapos na makipagsanib sa elementong-nilalang, ang uwak na may tatlong binti, na si Yanwu " Lumiwanag ulit sya at nawala ang pakpak at armor nya. Tumingin sya sakin na parang may ine-expect sya sakin at maya-maya ay bumuntong sya ng hininga nya. " Ulitin mo ang sasabihin ko; Ako, si Samantha Joy Delos Reyes, ay tapos na makipagsanib sa elementong-nilalang, ang dragon, na si Bakunawa " " Ako, si Samantha Joy Delos Reyes, ay tapos na makipagsanib sa elementong-nilalang, ang dragon, na si Bakunawa " Nabalot Ako ng liwanag at nang ito ay mawala ito ay nawala ang suot kong coat, korona at pakpak. End of Chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD