Chapter IV: Great Beasts

1428 Words
Timothy's Point of View Ako ngayon ay nakaharap sa aking asawa na si Martha Mondragon Ibarra na kakarating lang galing sa isang kaso, well she is a private detective, and hindi sya masaya. Ilang linggo na kasi mula noong sabihin ko kay Artemis ang pagiging Salamangkero namin dahil sa alam ko na merong mahika si Artemis pero ang nakakagulat eh pati si Apollo na nahanap ni Artemis ay meron ding mahika at sigurado akong pati si Hermes. Ang asawa ko ay nakatitig sakin ng nakakatakot at ang paligid ay nabalot ng katahimikan. " Nahanap nyo na si Apollo pero hindi nyo pa sya nilapitan!! Saan sya nakatira at ako na ang pupunta doon! " sabi nya " Pero Martha! Siguradong magtatago yon kapag nalaman nya na alam natin na nandidito tayo kaya-- Ayos lang Dad, alam nya na nandidito tayo pero hindi nya alam na alam nyo pero tanong ko lang, paano nyo nalaman? " pagputol sakin ni Hermes na nakikinig pala samin " Naniniwala ka ba na merong mahika, Hermes? " tanong ko sa anak ko at tumawa lang ito " Huwag nyo sabihin na isa din kayong salamangkero? " sabi nya at lumaki ang mata nya nang malaman nya ang kanyang sinabi " Oo anak at tatanungin kita ng maigi, naniniwala ka ba sa mahika? " tanong ko uli " Reaksyon ng mga Kadena! " sabi nya at may biglang lumitaw na mga kadena at naalala ko ang sinabi nya dahil isa yon spell. " Harang! " sabi ko at lahat ng kadena na papunta samin ay naharangan ng isang invisible field " Marami ka pang kakaining kanin, Hermes. " sabi ko sa kanya " Teleportasyon! " pagsasalita ko uli at diblang lumitaw sa tabi nya Nagulat sya sakin kaya natawa ako at nag-teleport pabalik sa dati kong pwesto pero this time hindi ko sinigaw ang spell. " Woah! Ang galing naman! " sabi nya at natawa lang ako, kung wala ng nangyari sa pamilya namin malamang nandito si Apollo. " Saan mo nga nalaman ang spell na iyan Hermes? " tanong ko at ang asawa ko naman ay nakatingin sa kanya " Kay kuya Apollo po Dad. " sabi nya at nagulat ako dahil si Apollo ang nagturo sa kanya " Talaga! Alam mo ba na ang spell na ito ang ginamit sa paggapos kay Bernardo Carpio? " sabi ko sa kanya at umiling ito " Timothy, may nabalitaan nga pala ako na dalawa sa anim na Great Beasts ay dinukot ng isang hindi pa nakikilalang salamangkero, buti nalang at nakatakas ang Bakunawa at nakipagsanib sa isang tao. " sabi sakin ni Martha at napanganga ako dahil may nangdukot sa dalawa sa anim na Great Beasts Ang Great Beasts ay mga elemento-nilalang na kayang gamitin ang kanilang elemento-kalikasan sa pinakamalakas nitong katangian. Sila ay ang ibon na mukhang dragon na si Minokawa na may elemento-kalikasan na liwanag, ang uwak na may tatlong binti na si Yanwu na may elemento-kalikasan na apoy, ang dragon na si Bakunawa na may elemento-kalikasan na tubig, ang leon na taga Nemea na si Nemeios na may elemento-kalikasan na lupa, ang kabayong may pakpak na si Pegasus ay may elemento-kalikasan na hangin, ang lobong kidlat na si Raiju na may elemento-kalikasan na kuryente at ang aso na may tatlong ulo na si Cerberus na may elemento-kalikasan na anino. " Ano po ang mga Great Beasts? " tanong ng kakarating lang na si Artemis " Ang Great Beast ay ang mga pinakamalakas na elemento-nilalang na kayang gamitin ang kanilang elemento-kalikasan sa pinakamalakas nitong katangian. Sila ay sila Minokawa, Yanwu, Bakunawa, Nemeios, Pegasus, Raiju at Cerberus at ang elemento-kalikasan nila ay liwanag, apoy, tubig, lupa, hangin, kuryente at anino. Ang kakayahan nila ay gusto makuha ng mga ilang salamangkero pero hindi nila magagawa yon kung hindi sila pumayag sa ritwal ng pagsasanib. " pagpapaliwanag ko sa kanila " Sabi mo kasama sa Great Beast na ito ay si Yanwu na ito, sya po ba ay isang black bird with three legs? " tanong sakin ni Artemis " Oo, bakit mo ngapala naitanong yan Arty? " tanong ko sa kanya " Naalala ko kasi noong pumunta ako sa apartment ni Apollo na isa sa nakita ko noong ginamit ko yung kakayahan ko ay ang isang itim na ibon na may tatlong binti na kausap si Apollo at naalala kong tinawag nya itong Yanwu. " sabi nya " At kailan ka naman pumunta doon? " tanong ni Hermes sa kanya " Noong pumunta ka doon ng maggagabi na. " sabi ni Artemis at lumaki ang mga mata ni Hermes sa sinabi ni Artemis " Kaya pala tumingin muna sa paligid si kuya Apollo dahil naramdaman nya dahil alam nya na may sumunod sakin. " sabi ni Hermes " So protektado si Yanwu, ang taongsanib naman ni Bakunawa ay kailangan naman ng training, si Minokawa ay nawawala at ang iba pa ay nasa teriteryo nila kaya may chance pa tayo na pigilan ang kung sino man na dumukot ka Minokawa. " sabi ni Martha " Ganun na nga. Kailangan muna natin tawagan ang P.M. ( Parliament of Magic ) para mapag-usapan ang mga gagawin natin at mabalaan ang mga salamangkero sa ibang lugar lalo na't hindi natin alam ang kilos ng misteryosong salamangkero. " sabi ko at naghanda na para puntahan ang Sage Senate ng Pilipinas. ( The Parliament of Magic - Philippine H.Q. ) Ricardo Escobar Sr's Point of View Nandito ako ngayon sa Parliament of Magic H.Q. ng Pilipinas kasama ang Chief Sage Director na pinuno ng mga Sage Director at ang representative ng bansa sa main H.Q. ng Parliament of Magic at ang mga iba pang Sage Director ng bawat rehiyon at ang mga namamahala ng mga pamilya at angkan ng mga salamangkero. Nandito din ang mga leader ng Philippine Branch ng mga maliliit na organisasyon na pinili na tumulong sa U.W.A.C. Hindi naman mga salamangkero ang karamihan sa mga organisasyon pero sila ang mga taong nakakaalam ng ginagawa ng samahan. " Nandito tayo ngayon dahil sa merong nadiskubre na isang pangyayari ang mga salamangkero ng Region 3 District. " sabi ng Chief Sage na isang lalaki na kasing tanda namin at nakasout ng cloak kaya hindi makita ang mukha. " Ang mga salamangkero na nasa pangangalaga ko ay nasa isang mission noon nang makita nila ang isa nilang kakilala na prinoprotektahan ni Bakunawa na matagal ng nawawala. Ang sabi nya dinukot daw sila ni Minokawa ng isang hindi pa nakikilala na salamangkero. " sabi ko at nagsimula na magbulungan ang mga tao at pinatahimik sila ng Chief Sage. May taong nagtaas ng kamay at tinawag naman sya ng Chief Sage " Sa tingin ko ay gusto nila dukutin ang mga Great Beasts at pwersahan silang ipagsanib. " sabi ng isang pamilyar na lalaki at laking gulat ko dahil si Timothy Ibarra lang naman ang nagsalita. Sya ay may itim na straight na buhok, itim na mata, matangos na ilong, maputag labi at nakapormal syang suot. " Imposible naman iyon! Wala pa akong naririrnig na pwersahang pagsanib! " sabi ng Sage Director ng Region 2 na si Alfred Domingo na kaedad ko. Sya ay kalbo na at puro kulubot ang katawan at nakaupo sa wheelchair " Posible iyon. Isang ritwal ang ginagawa ng mga mangkukulam para pwersahan nilang maipagsanib ang mga elemento-nilalang sa kanilang sarili. " sabi ng Sage Director ng NCR na si Teresa De Mesa na isang matandang babae na may maputing kulot na buhok at nakasuot ng isang bistida na may disenyo na bulaklak at may hawak na tungkod. Tumango naman ang Chief Sage sa sinabi ni Teresa at sinabi nito na sasabihin ito sa Parliament of Magic H.Q. at lahat kami ay nagsitayuan at isa-isa nang lumabas at lalabas na ako nang may lumapit sakin at nakita ko na si Timothy Ibarra iyon, ang dating miyembro ng U.W.A.C. na may magulong itim na buhok, itim na mata, matangos na ilong, mapulang bibig at nakasuot na formal na damit. Kita ko rin na kasama nya ang asawa nyang si Martha na may mahabang brunette hair, matangos na ilong, mapulang bibig, saktong body figure at nakasuot ng trench coat, black boots, black pants at puting polo. " Sage Director Escobar meron sana ako gusto i-request sayo na ipasok sa District mo si Artemis at Hermes. " sabi nya at sinabi nya na alam nya na nandoon sa Saint George Academy sa Subic nag-aaral si Apollo at miyembro ng Region 3 District dahil si Artemis ay may Psychometric na kakayahan. Pumayag ako dahil sa alam ko makakatulong sila samin. End of Chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD