CYRUS' POV Sunday morning nun nang makatanggap ako ng maagang tawag galing sa number ni bossing. Napataas ako ng kilay habang binabasa ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Like, dude, nasa baba lang ako at nagtatanggal ng alikabok sa sofa set at ang lawak ng lilinisin ko ha! Kailangan ko na ata ng mga alipores sa mansyong 'to! Hindi pwedeng ako lang mag-isa ang maglinis. Si Manang Greta kasi ay priority niya si miss Naomi. Ako? Madami akong priority! Tss. Buti na lang at mataas ang sweldo ko. Kung hindi, naku, tatakasan ko talaga si bossing. Jowk lang. Kailangang magdagdag ng mga tauhan si bossing para sa maintenance ng mansyon, kaya lang masyado siyang pihikan pagdating sa mga tao. Mapili siya pagdating sa mga katiwala. At ayaw niya ng maraming tao sa loob ng mansyon. As much as

