NO LIMITS
18 Days to Go
Kinabukasan, tila bumalik ang lahat sa dati... o mas tumang na sabihin, bumalik siya sa kung sino talaga siya sa harap ng iba.
Labingwalong araw na lang ang natitira mula sa aming kasunduan. Sa loob ng classroom, walang pagbabago, still ay mahigpit siya, istrikto, walang puwang sa pagiging soft. Kapag nakatayo siya sa harap, hawak ang nakatalikod sa blackboard o hawak kaya ang kanyang lesson plan, ang bawat salita ay malinaw, matatag, at may bigat.
"No talking while I'm discussing," sabi niya nang diretsahan nang may humingi ng pabor sa kaklase ko kanina. "If you want to speak, raise your hand. This is not a marketplace... this is a classroom. Respect the lesson, respect each other, and most of all, respect yourselves."
Walang palusot, walang pabor... kahit ako. Noong nakalimutan kong isulat ang assignment ko, tiningnan niya ako nang diretso, walang pag-iiba ang ekspresyon. "You know the rules, Rico. No excuses. Submit it tomorrow before the first bell. And don't let it happen again."
Ganoon siya... matigas, patas, hindi nagpapakita ng anumang pagkakaiba sa pagtrato sa akin. Ang tingin niya ay matalas, ang tindig ay tuwid, ang bawat utos ay sinusunod. Ipinapakita niya sa lahat: siya ang guro. Walang ibang kulay, walang ibang kwento.
Pero sa sandaling tumawid kami sa pintuan ng kanilang tahanan... Dito ay masasabi ko ding nagbabago bigla ang lahat.
Na parang ibang tao ang bumabati sa akin sa loob ng bahay nila. Ang matigas na linya sa kanyang noo ay lumuluwag. Ang matalas na tingin ay nagiging malambot at mainit.
Ang boses na may awtoridad sa classroom ay nagiging banayad, parang haplos sa pandinig. Dito, sa loob ng tahanan nila...walang pader, walang pagtatago, walang kailangang itago.
Masaya siyang nagluluto para sa amin... para kay Jelo, para sa akin, at syempre para sa asawa niya. Mga paborito naming ulam na inihahanda nang may pag-iingat, bawat galaw ay dahan-dahan at puno ng pag-aaruga.
Naroon ang kanyang matamis na ngiti ... hindi pilit, hindi pormal, kundi natural, parang laging naroon, naghihintay lang na makita kami.
"Jelo, Rico... halika na kayo at umupo rito," tawag niya, ang boses ay puno ng kagaanan. "Siguradong gutom na kayo. Maghapong nag-aral at naging busy sa mga school activities niyo sa ibang klase... kailangan niyong kumain nang maayos."
"Opo, Ma'am," sagot ko habang dahan-dahang umuupo sa tabi ni Jelo. "Salamat po. Lagi na lang talagang napakasarap ng niluluto niyo."
Tumingin siya sa akin habang inilalagay ang ulam sa gitna ng mesa... may bahagyang pamumula sa pisngi, pero hindi na siya umiiwas ng tingin gaya ng dati.
"Wala iyon," sabi niya nang mahina habang inaayos ang upuan niya sa kabilang panig. "Masaya ako kapag nakikita kong busog kayo at komportable dito. Ituring mo na ang bahay na ito bilang bahagi ng tahanan mo din Rico... Just feel at home.... Ang hinihiling ko lang: maging magalang, maging tapat, at maging mabuting kaibigan kay Jelo. Iyon lang."
Nagsimula kaming kumain. Masaya siyang nakikita kaming nagkukuwento, tumatawa, nagtutulungan, nagkukuwentuhan tungkol sa mga simpleng bagay.
Paminsan-minsan ay magtatanong siya... hindi para suriin, kundi para makinig.
"Huwag kayong magmadali sa buhay Rico at Jelo." sabi niya sa amin habang dahan-dahang kumakain. "Darating din ang panahon na hahanapin niyo ang sarili niyong daan. Ang mahalaga: matuto kayong maging mabuting tao bago maging matatalino."
Hindi ko maikakaila... lalo siyang naging napakaganda sa paningin ko. Hindi lang ito basta ganda ng mukha. May kislap sa kanyang mga mata na parang sumisigaw ng kapayapaan.
Kahit nasa bahay lang siya, nakasuot ng simpleng damit... maayos ang buhok, malinis ang katawan. An effort less beauty kumbaga. Natural na maganda ay kahit ano ang gawin ay nananatili siyang maganda.
Ang bawat paggalaw: pagliligpit man ng plato, pag-aayos ng mesa, pagtawa sa aming mga kwento, ay masasabi ko puno ng biyaya at p********e.
Isang hapon, habang nagpapahinga kami sa sala, si Jelo naman ay abala sa pagbabasa sa kabilang dulo ay naramdaman ko ang tamang pagkakataon. Katabi ko siya, ang liwanag ng hapon ay humahalik sa kanyang mukha.
"Napakaganda mo talaga, Ma'am," bulong ko... sapat lang para siya lang ang makarinig.
"Kahit saan... sa paaralan man o dito sa bahay ay hindi ka nakakasawa tingnan Ma'am. Pero mas malaya ka rito. Mas nakikita ko kung gaano ka kaganda nang totoo."
Namula siya nang bahagya pero hindi na umiwas. Sa halip, napangiti siya nang mas malawak, iyong ngiting walang reservation, walang pagkukunwari.
"Bakit ganyan ka magsalita, Rico?" tanong niya nang mahina. "Wala naman akong espesyal na ginagawa. Simple lang akong babae, nagtatrabaho, nag-aalaga ng pamilya, sinusubukang gawin ang tama araw-araw."
"Pero iyon na nga po ang espesyal," sagot ko nang diretso. "Sa school ay matigas kayo, may paninindigan, hindi nagpapatalo. Dito naman... malambot kayo. Mainit. Parang lahat ng pagod ay nawawala kapag nakikita ko kayong ganito."
Tumingin siya sa akin nang matagal na parang tinitingnan kung totoo ba ang naririnig niya. Pagkatapos ay dahan-dahang sumagot:
"Dahil dito sa bahay, Rico," paliwanag niya nang malumanay. "Dito ko nararamdaman na tanggap ako kung sino ako... walang takot na mahusgahan. Sa school, kailangan kong maging matigas para sa inyo, para sa disiplina, para sa kinabukasan ninyo. Pero dito... hindi ko kailangang maging teacher. Pwede akong maging ako lang."
Nagpatuloy kami sa pag-uusap... tungkol sa kanyang pagkabata, sa mga pangarap niya noong bata pa siya, sa kung paano niya natutunan na hindi kailangang maging perpekto para maging mahalaga.
"Noong bata pa ako," kwento niya habang nakatingin sa bintana, "Ang akala ko ay kailangan kong maging walang kamali-mali para mahalin. Lumaki akong laging maingat, laging sumusunod, laging iniisip ang sasabihin ng iba. Ngayon ko lang naintindihan na ang tunay na halaga ay hindi galing sa kung ano ang nakikita ng iba. Nanggagaling ito sa kung paano mo tinatanggap ang sarili mo."
Minsan ay sumasali rin si Jelo sa usapan.
"Tol...Rico," tanong niya habang itinataas ang ulo mula sa libro, "kapag nakapagtapos ka na, ano ang gusto mong maging?"
"Gusto kong maging matagumpay," sagot ko, ang tingin ay hindi lumalayo kay Almira, "at gusto kong magkaroon ng sapat na kakayahan para alagaan at pasayahin ang taong pinakamahalaga sa akin."
Napansin ko ang pagtigil ng kanyang hininga nang sandali... bahagya lang, pero naramdaman ko, bago dahan-dahang ibinaling ang tingin niya sa anak niyang si Jelo na walang kamalay-malay.
"Magandang pangarap iyan, Rico," sabi niya... ang boses ay bahagyang nanginginig, pero matatag pa rin. "Sana ay marating mo ang lahat ng iyon nang marangal at tapat."
***
Madalas, kapag tahimik na ulit ang lahat ay nagkakatitigan kami. Walang salita, pero marami ang sinasabi. Nakikita ko ang pagtanggap sa kanyang mga mata... dahan-dahan, paunti-unti, pero tiyak.
Bago ako umali sa gabing iyon, napagtanto ko: ang labingwalong araw na natitira ay hindi na lamang tungkol sa laro.
Ito ay tungkol sa pagkakakilala sa kanya... sa dalawang mukha ng babaeng ito: ang teacher kong matatag na nagtuturo sa akin ng tamang landas, at ang babaeng puno ng puso na nagpaparamdam sa akin na may puwang ako sa kanyang mundo.
Sa bawat pagtingin niya... minsan mahigpit, minsan malambot ay alam ko: unti-unti nang bumababa ang mga pader. At sa bawat ngiti niya sa akin sa pagitan ng pagtuturo at pagluluto, nararamdaman ko nang malinaw na hindi na lang ako mananatili sa labas.