Unfinished Game

1254 Words
NO LIMITS RICO Pagkatapos ng klase, tinawag niya ako sa gilid. Kalmado na siya ngayon pero ramdam ang katigasan sa desisyon niya, hindi na katulad nung dati na malambing o tila nagtatanong pa. Ang mga mata niya at halatang buo na ang pasya bago pa man kami magkaharap. "Rico, can you leave for a while? We need to talk," maikli pero seryoso niyang sabi. Wala na ring bakas ng pag aalinlangan sa boses niya. Pakiramdam ko ay naghahanda siya ng linya na hindi na pwedeng baguhin pa. "Pinauwi ko na rin si Jelo," dugtong pa niya, na parang sinasabing gusto niyang maging malinaw ang lahat habang kaming dalawa lang ang magkaharap. Sabay kaming naglakad palabas ng campus. Bitbit ko ang lahat ng gamit ko pero pansin kong hindi niya ako hinayaang dalhin ang sa kanya. Hawak niya ito nang mahigpit, na parang paalala na sarili pa rin niyang kaya pa din niya ang kanyang sarili, na hindi kailangan ng tulong ko. Tahimik lang siya sa tabi ko at diretso ang lakad. Hindi siya lumingon sa paligid o tumigil man lang. Bawat hakbang ay patungo sa isang direksyon, tungo sa pagtatapos ng lahat. Pagdating namin sa labas malapit sa sakayan ng tricycle, huminto siya at tumingin sa isang maliit at simpleng kainan sa kabilang kalsada. Simple lang at tahimik, tamang lugar para magbitaw ng mga salitang mabigat sa dibdib. "Gusto mo bang kumain muna tayo ng lomi, Rico?" tanong niya nang walang halong ngiti. Seryoso pa rin ang mukha niya pero hindi naman masama ang pakikitungo, parang huling pagkakataon na lang para maging maayos ang lahat bago maghiwalay ng landas. Sumama ako. Kahit alam kong may mabigat siyang sasabihin, hindi ko siya matanggihan. Pumasok kami at umupo sa may dulo. Mainit at mabango ang sabaw, pero ramdam ko ang lamig ng katahimikan sa pagitan namin. Hindi siya nagpaligoy ligoy at hindi na rin naghintay na matapos ang pagkain bago magsalita nang diretsahan. Tumingin siya sa akin nang diretso at walang alinlangan. "Ayoko nang patagalin pa ito, Rico. I am sorry, pero sa tingin ko ay tapusin na natin ang laro, dahil talo ka na." Tila huminto saglit ang oras pero hindi ako gumalaw o nagbago ng ekspresyon. Hinayaan ko lang na tumagos ang mga salita niya sa akin habang pinapanood siyang buuin ang sarili para sa susunod niyang sasabihin. "Let us just stop this game. Talo ka na rin naman, eh. Dahil sigurado na ako sa sarili kong kahit ano ang gawin mo ay walang magbabago kahit ano, still ay mamahalin ko ang asawa ko kung paano ko ito sinimulang 20 years ago." Walang pag-amin ng kahinaan o takot sa boses niya, at wala ring masyadong explanation kung bakit o saan nanggaling ang desisyong iyon. Simpleng desisyon lang mula sa kanya na buo at tapos na. Para sa kanya, malinaw na hindi ko na gawa ang hamon kaya dapat nang tapusin ang lahat habang maaga pa. Inilapag ko ang kutsara at tinidor sa mesa nang maingat para hindi makagawa ng ingay na makakasira sa bigat ng moment. Tinitigan ko siya nang maayos, hindi para manghamon kundi para ipakita na hindi ako natitinag sa sinabi niya. "Ma'am," panimula ko nang mababa pero matatag ang boses. "Sinasabi mong talo na ako at i-stop na natin? Madaling sabihin yan, pero hindi naman ata sumasang ayon sa pinagkasunduan natin nung simula." Tumingin siya sa akin nang matalim, hindi galit pero gustong iparamdam na wala na akong space para manindigan. "Ang laro ay depende rin sa gusto ko, Rico. Kung pakiramdam ko hindi ko na kaya at nakikita kong wala ka namang naipanalo, I have every right to stop this." "I get it Ma'am Almira, na ikaw ang may hawak ng decision mo," tugon ko habang nakatitig sa kanya. "Pero this game has a timeline and a set rules. Hindi naman ito pwedeng matapos lang nang ganun ganun lang dahil sinabi mong talo na ako, lalo na at hindi pa dumarating ang mismong dulo." "I just want clarity," giit niya habang nakahawak nang mahigpit sa baso niya. "Ayoko na nung araw-araw na pagdududa at paghihintay. Sa paningin ko, tapos na ang laban." "Sa paningin mo lang," sagot ko nang hindi bumababa ang tingin sa kanya. "Ang pagkatalo, hindi idinidikta ng kung sino ang nauunang sumuko o mag salita. Ang tunay na talo, kapag tinalikuran mo ang sarili mong salita bago pa matapos ang oras na itinakda natin." Gumalaw siya sa upuan, tila nababagabag na hindi niya agad makuha ang gusto niya. "Rico, please huwag mo akong piliting maging mas mahigpit sa'yo. Mas mabuting tanggapin mo na lang ito para maayos tayong maghiwalay at walang bitterness." "Hindi ako tumatanggi sa authority mo, Ma'am," patuloy ko nang mahinahon pero hindi sumusuko. "Pero hindi rin ako aalis na parang tumakas lang dahil kinatakutan mo ang puwedeng mangyari. Wala akong inaamin na pagkatalo dahil hindi pa tapos ang araw na pinagkasunduan natin. Kung tingin mo talaga talo ako, iparamdam at ipakita mo hanggang sa huli. Huwag mong tapusin habang may natitira pang chance, kasi baka ikaw rin ang magsisisi sa huli na hindi mo hiningi ang proof na kaya kong panindigan ito hanggang dulo." Tumingin siya sa akin nang malalim, halatang naguguluhan sa pagitan ng logical side niya at sa emosyon na sinusubukan niyang itago. "Ayoko lang ng gulo, Rico. You know how risky this is for my position." "Wala naman tayong ginagawang gulo, Ma'am," malambing pero seryoso kong sabi. "Tayo lang ang nagpapatotoo sa sarili nating kasunduan. Kung sure ka talagang talo ako, let the remaining time pass. Makikita mo naman kung tama ka. Pero kung i-stop mo ngayon, mananatili lang yang question mark sa isip mo if tama ba ginawa mo o tumakas ka lang sa challenge." Dahan-dahan siyang huminga nang malalim at tiningnan ang paligid na parang naghahanap ng sagot. Alam niyang may point ang sinabi ko, na hindi madaling isara ang isang bagay na hindi pa nakakarating sa dulo. Hindi niya kayang tiisin ang sarili niyang tanong kung ano ang pwedeng mangyari kung nagtiyaga pa siya nang kaunti. "Dalawampu't limang araw pa, Rico," bulong niya, na parang kinakausap ang sarili at ang bigat ng obligasyon. "Twenty five days left." "Dalawampu't limang araw," kumpirma ko nang may tipid na ngiti. "Pagkatapos noon, kung sa tingin mo talo pa rin ako at wala talagang pupuntahan ito, ako mismo ang magliligpit ng gamit ko at hindi na ako mang-gugulo pa kahit kailan. Pero for now, let the game continue, kahit medyo labag pa sa pakiramdam mo." Bumuntong hininga siya at napa iling nang bahagya. "Napaka matigas talaga ng ulo mo. Alam mo ba yun?" "Consistent lang, Ma'am," biro ko nang bahagya para mabawasan ang tension. "Para sa'yo rin naman ito." Tumingin siya sa akin nang matagal bago dahan dahang tumayo mula sa pagkakaupo. Inayos niya ang gamit niya at tiningnan ako nang huling beses bago humarap sa pinto. "Siguraduhin mo lang na worth it yang dalawampu't limang araw na yan, Rico." "Makakaasa ka," sagot ko habang nakatayo na rin sa tabi niya. Hindi na siya nagsabi ng talo ako at hindi na rin nagpumilit na huminto agad. Tinanggap niya na hindi ito matatapos sa kagustuhan lang ng isang sandali. Naglakad kami palabas ng kainan, hindi man katulad ng sweet na magkapareha, pero may mas matibay na pundasyon pa rin ang kasunduan namin. Hindi siya umamin ng kahinaan at hindi rin ako nagpaubaya. Ang laro ay nanatiling nakatayo at magpapatuloy pa rin, dahil sa puso niya, alam kong may bahagi pa rin na gustong makita kung paano ito magwawakas nang buo at walang pagkukulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD