Walls Up

1131 Words
RICO Pagkatapos naming lumabas sa maliit na kainan at maghiwalay ng daan, naramdaman ko agad ang pagbabago. Hindi na lang siya basta nanahimik lalo pa siyang nagtayo ng napakatibay na harang sa pagitan namin. Akala ko nung una ay unti-unti na siyang magpapalambot o magiging mas bukas, dahil sa napag-usapan naming itutuloy pa rin ang laro hanggang sa dulo. Pero nagkamali ako. Sa halip na lumapit, lalo pa siyang lumayo at naging mas mailap pa kaysa dati. KINABUKASAN — UMAGA Kitang-kita ko na agad ang pagiging matigas at malamig ng pakikitungo niya. Pumasok siya sa classroom sa tamang oras, maayos ang uniform, at walang kahit anong pahiwatig na may kilala siya sa aming lahat na higit pa sa pagiging teacher at student. Tumayo siya sa harap, humarap sa aming lahat, at malakas na nagsalita. “Good morning class.” Tumugon kaming lahat. “Good morning Ma’am Almira.” Umupo siya, binuksan ang kanyang libro at talaan, nang hindi man lang tumitingin sa direksyon ko, na parang wala ako sa kanyang paningin. Nagsimula siyang magturo. Malinaw ang boses niya, may diin, at puno ng awtoridad. Ipinaliwanag niya ang aralin tungkol sa English Literature — detalyado, sumasagot sa mga tanong, at tinatawag ang bawat isa upang sumagot sa harap. Kapag dumadating na ang pangalan ko, walang pagbabago ang tono, walang kahit anong senyales na mayroon kaming ibang kasunduan na hindi nalalaman ng iba. Tinitingnan niya ako sandali, tapos agad ding aalisin ang tingin, na parang isa lang akong pangalan na nababanggit lang para sundin ang proseso. Walang lambing, walang pagkilala na mayroon kaming ibang mundo na kami lang ang nakakaalam. Nang matapos na ang talakayan, tumayo siya muli at humarap sa klase. Seryoso pa rin ang mukha at matigas ang tingin sa lahat. “Before I end our session, I have an important announcement to make.” Malinaw at matigas ang boses niya, walang halong emosyon. “Please be informed that by the end of this week, our class will have an official Field Trip. This is part of your curriculum and everyone of you is expected to join. Absence will only be allowed with valid reason that I may accept.” Tumigil siya sandali at dahan-dahang naglibot ang tingin sa buong silid. Nang dumating ang paningin niya sa akin, hindi man lang ito huminto o lumambot. Mas lalo pa yatang tumigas ang mukha niya at naging mas mahigpit ang tono. “Our itinerary and schedule have already been finalized.” Dagdag pa niya, at diretsong nakatingin sa akin na parang sinasabi niya ito para sa akin lang. “We will follow the group schedule strictly. No one is allowed to wander off alone. No one shall make decisions on your own. Discipline and unity shall be our priority. This is not an opportunity for personal leisure or doing whatever you please.” Inangat ko ang kamay ko at nagtanong. “Ma’am, what if someone wishes to visit places related to our studies? Do we really need to stay strictly with the group all the time?” Tumingin siya nang diretso sa akin, walang kahit anong emosyon sa mukha. “I have already made myself clear, Mr. Rico. No one shall leave the group and no one shall follow their own plan. You will follow the rules just like everyone else. You are not exempted from any of my instructions. Is that clear to you?” “Crystal clear, Ma’am.” Sagot ko habang hindi ko siya inaalisan ng tingin. Tumango siya nang bahagya at muling humarap sa buong klase. “There shall be no exceptions. Everyone of you is equal in my eyes inside this classroom and outside as well. Do not ever attempt to disobey my instructions. You know exactly what I am capable of doing. Do not assume that you possess any special privilege that others do not have. Everyone shall follow and no one shall question.” Lumabas siya ng silid at hindi na lumingon pa kahit sandali. Sinubukan kong sumabay sa kanya sa pasilyo habang naglalakad siya palayo. “Ma’am Almira, sandali po sana.” Pinabilis niya ang lakad at hindi ako nilingon. “I am in a hurry, Rico. I have other matters to attend to. Do not walk beside me. There are too many people around and it is not proper for us to be seen together.” Ganyan na rin ang naging ayos sa mga sumunod na araw. Kapag nagkakasalubong kami kahit saan sa school, tatalikod siya o maglalakad palayo bago pa man tayo magkausap. Kapag may pagkakataong magkakasama sa ibang gawain, mananatili siyang pormal at mahigpit. Walang kahit isang salita o tingin na magpapahiwatig na mayroon kaming ibang ugnayan. Parang pader na nakatayo sa pagitan namin, na lalo lamang tumataas sa bawat araw na lumilipas. Sinubukan kong intindihin ang ginagawa niya. Alam kong may takot siya. Ang taong walang kinatatakutan ay hindi magtatayo ng napakataas na pader sa paligid ng puso niya. Ginagawa niya ito para protektahan ang sarili. Alam niyang kapag lumambot siya kahit sandali, babalik agad ang lahat ng damdaming pilit niyang itinatago. Kaya pinipili niyang maging matigas at manatiling ganap na teacher lang sa paningin ko. Gusto niyang ipaunawa na sa labas ng aming kasunduan at sa labas ng oras na itinakda, wala akong halaga at walang puwang sa buhay niya. Muling nagtuloy ang araw, nagpatuloy ang klase namin sa ibang subject teachers. Pero tila naiwan na ako sa unang oras. Kung sa iba ay boring ang Literature, sa akin naman ay ito na ang naging paborito kong subject... dahil kay Ma’am Almira. KINAHAPUNAN Habang naglalakad ako pauwi, bitbit ang balita tungkol sa Field Trip at ang bigat ng pagiging mailap niya, sinabi ko sa sarili ko na hindi pa tapos ang lahat. Kung kailangan niyang maging matigas para makaramdam ng kaligtasan, hahayaan ko siya. Hindi ako magagalit at hindi rin ako bibitaw. Ang dalawampu’t limang araw ay patuloy pa ring tumatakbo, at kasama nito ang bawat pagkakataon para ipakita sa kanya na hindi lahat ng matigas ay pang-habambuhay. Sa biyahe na iyon, malayo sa school at sa mga mata ng iba... alam kong mahihirapan siyang panatilihin ang harang na iyon. Hindi ko alam kung paano niya ako pakikitunguhan doon, pero handa akong harapin ang anumang lamig na ibibigay niya. Dahil alam ko rin na sa likod ng bawat pader na itinatayo niya... darating ang panahon na kailangan din niyang huminto at tanungin ang sarili kung hanggang kailan niya kayang isara ang puso sa damdaming mas malakas pa sa kanyang pinakamatigas na desisyon. At habang pilit siyang lumalayo ay lalo ko lamang siyang ninanais. At lalo ko ring nalalaman na balang araw, kailangan din niyang huminto at harapin ang katotohanang hindi niya ako pwedeng itaboy habang buhay, lalo na kung ang puso niya ay may sariling paraan ng pagsagot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD