Sabay na kumakaripas ng takbo ang dalawang dalaga palayo sa mabangis na halimaw na kung tawagin ay Ayu. Duguan na ang isa sa kanila, sapagkat hindi nila inakalang lalabanan nila ang halimaw na walang tulong mula kay Mayumi. Ito ang ipinagtataka ni Hanidwa habang tumatakbo sila palayo... at papasok ng kagubatan dito sa kabundukan ng Agayon. Takipsilim na kung kaya't ilang ulit din siyang natisod dahil sa mabilis niyang pagtakbo. "Abiya! Gawin mo ang lahat upang makatakas sa halimaw! Huwag kang hihinto sa pagtakbo!" sigaw niya sa kasama na bahagyang nahuhuli sa kanya sa pagtakbo. Kinakabahan na nang matindi si Handiwa. Ngayon lang kasi niya naranasan ang ganitong pangyayari na mag-isa niyang kakaharapin ang isang halimaw. Masyado na siyang nasanay na palaging nasa tabi niya ang kanyang ale

