Walang nagawa si Arowana kung 'di ang huwag galawin ang matandang hukluban. Ayaw niya kasing sumugal. Ang pagkakaalam niya, may mga uri talaga ng sumpa na mas tumitibay at lumalakas kapag ang nagbigay nito ay nasawi na. Kaya alam niyang sa sandaling pinatay niya si Silag ay maaring magkatotoo nga ang banta nito sa kanya. Na dapuan siya ng isang sumpa at hindi na siya makalabas dito sa loob ng bulkan. Kaya naman ay tahimik na lamang siyang naghintay sa maaring sunod na maganap sa kanya. Wala siyang ibang mapagpipilian kung 'di ang umasa sa mga winika ni Kanlaon kanina. At iyon ay ang pagdating dito ni Purol. Oo, batid niyang may hindi pa sila pagkakaunawaan ni Purol, kaya hindi alam ni Arowana kung magtutungo nga ba rito si Purol sa sandaling malaman nito na siya ay naging bihag ni Kanlaon

