Chapter 5: Aftermath

1396 Words
I woke up to the sweet scent of fabric , soft and cozy king-sized bed na nagpabalikwas sa'kin. "Nasa'n ako?" Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ganito kagara ang nirerentahan naming kuwarto nina Jessica at Celine. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, nasa loob ako ng isang malawak na silid na mas malaki pa yata sa bahay na nirerentahan namin. May malalaking salamanin na bintana, kulay puting kisame na may nakabitin na mamahaling chandelier na hitik na hitik sa mga diyamante at kulay puting dingding. Even the furnitures were white and screaming with elegance. Memories of what happened last night started flashing in my mind like scenes from a movie. Sh*t! It was too late for me to realize that I'm naked under this white sheet. I searched for my clothes and to my surprise, I saw bloodstain on the bed. Hindi ako makapaniwalang isinuko ko agad ang lahat kay sir Liam. Binalot ko nang kumot ang aking sarili at dahan-dahan akong bumaba ng kama para hanapin ang mga damit ko. At halos manlumo ako nang makita kong napunit ang mga ito. Dismayadong naupo ako sa kama, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw kong humarap kay Liam na ganito ang itsura ko. Nasa kalagitnaan ako nang walang katapusang pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalakeng ayaw kong makita sa pagkakataong ito. He's wearing a black suit at mukhang ready na pumasok sa opisina. "Wear that." Inihagis niya sa'kin ang isang paper bag at nang tingnan ko ay damit ang laman nito. Magpoprotesta pa sana ako pero mabilis siyang umalis at isinara ang pinto. Well kahit naman siguro magprotesta ako ay useless parin dahil wala rin naman akong ibang choice kundi suotin itong damit na bigay niya. Mabilis akong pumasok sa banyo at nagsimula nang maligo. Makapal na kung makapal ang mukha pero kailangan kong makiligo dahil papasok pa ako sa opisina. Matapos ang mabilisang pagligo ay nagbihis na ako. Mabuti na lamang at lagi akong may dalang lipstick sa aking bag. Pinusod ko na lamang ang aking buhok matapos ko itong suklayin. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin ito gamit ang hair dryer niya. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin, infairness kasyang-kasya sa'kin itong binili niyang kulay puting dress. Alam na alam niya talaga ang size ko. 'Malamang may nangyari na nga sa inyo diba?' Bigla naman akong namula sa iniisip ko. Bumuntong hininga muna ako bago ako nagpasiyang pulutin 'yong mga damit ko na napunit kagabi at ipasok sa bag ko. Nagmamadaling lumabas ako ng silid. Pagkalabas ko ay inaasahan kong siya ang makikita ko pero sa kasamaang palad ay ang assistant niya na si Patrick ang bumungad sa'kin. "Ms. Claire, may emergency si sir Liam kaya ako nalang ang maghahatid sa'yo," sambit niya. Emergency ba talaga o sadyang wala lang akong halaga sa kanya? Hayst ano ba 'tong iniisip ko, syempre ako lang naman itong tangang nagpadala sa nararamdaman ko. "I understand. Hindi mo na ako kailangang ihatid magtataxi nalang ako," pagtanggi ko sa kanya. "Miss Claire utos po ni sir na ihatid kita," he insisted. "Sabihin mo nalang na hinatid mo 'ko kahit hindi," turo ko sa kanya. 'Di naman siguro masamang magsinungaling siya sa boss niya kahit isang beses lang. Wala naman 'yong magiging masamang epekto. Hindi naman iyon magiging dahilan ng pagkabankrupt ng HIC Malls. "Ma'am pasensiya na po talaga pero kailangan kong sundin si sir." Wala akong nagawa kundi pumayag nalang dahil sobrang mapilit siya. Kung may loyalty award deserve 'yon nitong si Patrick sa sobrang loyal ba naman niya sa boss niya. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang ako , malamang ay iniisip na nitong si Patrick na may namamagitan na sa'min ni sir Liam. Parang gusto kong isiksik ang mukha ko sa kung saan dahil sa kahihiyan. Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko ang bagay na iyon. Siguro ay iniisip na ni sir Liam na sobrang baba kong babae para ibigay agad ang sarili ko sa taong hindi ko pa gano'n kakilala. Nang malapit na kami sa building ng HIC Malls ay naisipan kong bumaba na. Ayaw kong may makakita na bumaba ako sa kotse ni sir Liam. Mahirap na , lalo na pag nakita ako nina Celine at Jessica talagang liliparin ako ng mga tanong galing sa dalawang iyon. "Dito mo nalang ako ibaba. Ayaw kong may makakita na katrabaho ko." Tumango lang si Patrick at itinabi na niya ang sasakyan. Marahil ay naunawaan niya ang ibig kong sabihin. Mabilis magliyab ang chismis kaya ayaw kong mapaso nito. Pagkababa ko ay pinaharurot agad ni Patrick ang sasakyan. Tumingin-tingin ako sa paligid baka may nakakita sa'kin pero nakahinga ako nang maluwag nang wala akong nakitang kakilala ko sa mga dumadaan. Binilisan ko ang aking paglalakad at habang tumatagal ay mas lalo kong nararamdaman ang hapdi sa aking ibaba. Shems epekto pa yata 'to ng nangyari kagabi. Kinakabahan tuloy ako dahil baka may makapansin kaya kailangan kong ayusin ang paglalakad ko. Pagkarating ko sa opisina ay sinalubong agad ako nina Jessica at Celine na parehong nakatingin sa'kin na may mapanuring mga mata. "Saan ka galing? Tawag kami nang tawag sa'yo to the point na bumalik pa kami dito sa opisina para hanapin ka pero wala ng tao rito! Hindi mo ba alam na nag-aalala kami sayo?" panenermon ni Celine. Kahit kailan talaga ang maldita nito. "Sorry, lowbat kasi 'yong phone ko," paliwanag ko nalang. Inirapan niya lang ako at napataas ang kilay niya nang mapansin niya ang dress na suot ko. "Saan ka natulog kagabi?" tanong ni Jessica, nahihimigan ko ang pag-aalala sa kanyang boses. "Umuwi kasi 'yong pinsan ko galing States. Sinundo niya ako, biglaan kaya hindi na ako nakapagpaalam sa inyo. Hindi ko rin naman kasi alam na uuwi siya," palusot ko. Tiningnan nila ako na para bang sinusuri nila kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Sinong pinsan?" Nagloading ako sa tanong ni Jessica. Kilala pala nila lahat ng pinsan ko sa father side at alam nilang wala akong close kahit isa sa kanila. "Pi..pinsan ko sa mother side." Mabuti na lamang at mabilis mag-isip itong utak ko. Hindi man ako close sa mga Villashne ay close naman ako sa ibang pinsan ko sa mother side. Ang biological mom ko ay half British pero hindi ko siya nakilala dahil maaga siyang nawala. Pero nakilala ko ang ilan sa mga pinsan ko at aware sila sa kalagayan ko sa loob ng marangyang mansion ng mga Villashne. Sa katunayan ay gusto nila akong isama sa States pero hindi pa ako ready pumunta do'n. Saka na siguro pag may napatunayan na ako. "Still dapat gumawa ka parin nang paraan para maipaalam mo sa'min na hindi ka makakauwi," wika ni Celine. Medyo mahinahon na ang boses niya. "I understand, I'm sorry." Yinakap ko silang dalawa. I feel so lucky to have them in my life. "Oh siya tama na ang drama tapusin mo na 'yong proposal mo. I heard ngayon ang balik ni Mr. Roberts galing sa business trip niya," ani Jessica. Si Mr. Roberts ang director ng HIC Apparel. "Oo girl para maipakita mo na agad sa kanya ang proposal mo," dagdag pa ni Jessica. "So hindi na kayo against sa proposal ko?" Sa pagkakatanda ko kasi ay ayaw nila sa plano ko dahil natatakot sila kay Miss Katey. "We know you. Alam namin na pursigido ka talagang gawin 'yon and as your friends syempre kailangan ka naming suportahan. Besides ayaw din naming mapatalsik ka dito sa kompanya," sagot ni Jessica na humaplos sa puso ko. They really are my true friends. "True. At 'wag kang mag-alala dahil hindi kami papayag na ibully ka ng Katey na 'yon. Ipaglalaban ka namin girl," dagdag pa ni Celine. "Thank you girls." 'Di ko mapigilang mapaluha sa mga sinabi nila. Ito 'yong unang pagkakataon na may nagsabing ipaglalaban ako. Buong buhay ko hindi ko naramdaman kung pa'no ipaglaban. Ang daddy ko lagi lang nananahimik tuwing inaaway ako ng stepmom at half-sister ko. Imbis na ipagtanggol ako ay pagagalitan pa niya ako tuwing magsusumbong ako kahit alam naman niyang ako ang tama. Minsan sa buhay natin may mga bagay at pagmamahal na hindi natin makukuha pero meron ding kusang ibinibigay ng mga taong tunay na nagmamahal sa'tin kahit hindi ka na mag-effort. I just realized that when love is real it does not have to be forced.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD