[Henry's POV:] Maaga akong nagtungo sa aking opisina dahil sa balitang natanggap ko. Ayon kay James ay naroon daw si Albert at buo na raw ang loob nitong ipullout ang shares niya sa HIC Group. Hindi ko mapigilang mainis sa apo kong si Liam, dahil sa pagiging makasarili nito ay patong-patong na problema ang kinakaharap ko araw-araw. Kagaya nalang nitong pagtalikod ni Albert sa partnership at sa pagkakaibigan namin. "Good morning po Mr. Chairman," sabay-sabay na bati ng mga empleyadong nakahilera sa ground floor ng building ng HIC Group. "Mr. Chairman nasa meeting room na po si Mr. Albert," sambit ni James. Halatang kabado ito dahil sa sunod-sunod na pagbuntong hininga nito. I head straight to the meeting room, at gaya nga ng sinabi ni James ay naroon na nga si Albert. Prente itong nak

