[Liam's POV:] Alas-otso na ng gabi at hindi parin nagigising si lolo. Nailipat na siya sa ICU habang kami ni Lucas ay andito lang sa labas, naghihintay na sabihin ng doktor na gising na siya. Si Claire naman ay pinauwi ko na muna dahil alam kong hinahanap na kami ng anak namin. Si Patrick lang ang naiwan dito sa'kin dahil si Kevin ay pinasama ko kay Claire pauwi. She needs to stay with Caden lalo pa't hindi rin ako mapapanatag kung andito siya sa ospital kasama ko. She needs to rest. "Why don't you just go home and stay with your family?" Napasulyap ako kay Lucas dahil sa sinabi nito. "I want to stay with lolo," sagot ko nalang. Natawa ito dahil sa sagot ko. Parang gusto ko tuloy siyang sapakin sa mga oras na ito. Paano niya nagagawang tumawa gayong nasa loob ng ICU ang lolo namin at n

