[Third Person's POV:] Abala sa pagbabasa ng mga papeles si Albert Lee. Masusi nitong nirereview ang listahan ng mga produktong idedeliver sa America lalong-lalo na ang coffee beans. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa ngayong pumirma na ng kontrata si Mr. Williams, ang may-ari ng pinakamalaking coffee manufacturing sa America. Mabuti na lamang at ang kompanya niya ang napili nitong supplier ng mga coffee beans. Lubhang napakaimportante ng partnership niyang ito sa naturang kliyente dahil kikita ng malaki ang kanyang kompanya at magiging secured na ang kinabukasan ng kanyang negosyo. "Mr. Lee, gusto po kayong makausap ni Mr. Villashne." Nag-angat ito ng tingin dahil sa biglaang pagsasalita ng kanyang assistant. "Let him in, marahil ay gusto nitong pag-usapan ang mga huling detalye ng ship

