[Claire's POV:] Maaga akong nagising dahil parang bumabaligtad na naman ang aking sikmura. Saglit akong napatingin kay Caden na mahimbing na natutulog parin sa tabi ko. Nasusuka na naman ako, kaya agad na napatakbo ako papasok sa cr. "Mom?" pagtawag sa'kin ng anak ko habang sumusuka ako. "Mom? Where are you?" muling tawag nito sa'kin. Nagising siguro ito dahil sa biglaang pagbangon ko sa kama. Gustohin ko mang sumagot ay hindi ko magawa dahil ayaw paawat ng sikmura ko. Hindi naman ganito kahirap 'yong pagbubuntis ko dati kay Caden kaya medyo naninibago ako ngayon. Dati ay wala akong cravings at morning sickness, pero ngayon tuwing umaga talaga ay nahihirapan ako dahil sa morning sickness. Mabilis na flinash ko ang toilet at agad akong naghilamos sa sink at nagtoothbrush. Buti na lamang

