CHAPTER 25

1245 Words
Titig na titig sila sa mga bulaklak na nasa likurang bahagi ng classroom na dahilan ng tahimik na pag-iyak ni Sirius. Ilang beses narin kasi nilang ipinaliwanag dito na its normal na makatanggap ng mga ganun bunches of flowers. Pero ang mga salitang "flowering plants mop up carbon dioxide from the atmosphere, sift toxins and emit oxygen through photosynthesis making our planet habitable" ang siyang pinaniniwalaan nito. Mas lalo pa kasing nadagdagan yun ng masilayan ng mga tagacollege department ang ganda nito sa building nila. Wala namang masama sa mga bulaklak na ipinadadala sa kanya dahil panay pagcongratulate lamang ang naroon. At higit sa lahat richest kayo students here. Barya lang sa kanila ang pagbili ng bulaklak. BREAKTIME "If you don't mind Miss Melicano, we can donate all of that sa church." suhestiyon ni Top na kasalukuyan palang pinapanood ang pag-alo ng mga ito dito. Masyado na kasing nawala ang maganda nitong mata dahil sa namamaga na ang mga ito. Napapakamot narin siya sa batok dahil sa subrang kainosentihan ng kanyang alaga. Napatigil si Sirius sa pag-iyak. "Ay oo baby girl, matutuwa si father dahil babango ang simbahan! At mawawala na ang mga bad spirits" bulong ni Carlo. "Really!? Pero kawawa parin ang mga bulaklak....." humihikbi niyang ani. "Why they don't know na flowers' importance in nature is everywhere - they can feed insects, birds, animals and humans which can provide natural medicines for humans and some animals and aid in a plant's reproduction by enticing outside pollinators... Virtually all of the world's seed plants need to be pollinated. Look, anong gagawin ko dyan!? I can't eat that po... I can't share that sayo, sa kanila... Instead of destroying plants I'll be happy if yakut nalang sana lahat ng yan.... " "Ehhhh!? " reaction ng iba at napahagikhik naman ang the rest. "But the Almightly God will be grateful if dadalhin natin ang mga yan sa simbahan Miss Melicano. Its serves as a reminder of the gift of life God has given to the human community.” sagot ni Top na napapangiti dito kaya litaw na litaw ang kagwapuhan nito lalo na ng lumabas ang nagiisang nitong dimple at mapuputi nitong ngipin. Kaya naman ilan sa mga estudyante niyang babae ay napa o ang mga labi. "Really!? " si Sirius na naninigurado. "Yes. " sagot naman ni Top ng walang pag-aalinlangan. "We do that later sir!? " nakangiti na niyang tanong. "Of course! Ask your friends to come. " "Count me in baby girl! Help kita. Sakto yun!!! " si Carlo. "Kami din baby girl!!! " segunda ng iba. "Baby girl pass muna ako ha, tomorrow na promise, si papa kasi magsusundo samin ni mama mamaya" si Janel. "Oyyyy may bukas pa talaga ah!!! " -Jinky "100 % yan sis!!! Mapupuno nanaman ang table ni sir bukas!!! " "Kung sa bagay!!! " Matapos ang voting sa electric machine ay napagpasyahan na nilang pumunta ng simbahan. Nakakatawang isipin na ilan lamang ang hindi makakasama sa kanila ngunit bakas ang lungkot sa mga ito. Nagpaalam muna saglit si Top sa kanila at may kukunin muna ito sa faculty room. Kanya kanya ng hawak ang ilan ng mga bulaklak. Napansin naman ni Pia na may lakad ang section A kung kayat mabilis itong lumapit kay teacher Top at pinayagan naman itong magjoin bago ito pumunta ng faculty room. Si Geon naman ang dumikit kay Sirius at may iniabot ito sa dalaga na frame sa paper bag habang ang lahat ay busy. "Wowww!!!! You did this for me Geon!?" "Yap!!! Almost two days ko rin yang pinagpuyatan Sirius. Sana magustuhan mo! " "Of course I am!!! This is the best gift ever Geon! I love it! Sometimes turuan mo po ako ha! Charcoal sketching.... Ang galing..... Ako ito!!! With my smile? Wait, sa office ni Maam Principal isn't it!? " "Yes! That was the first time I saw you smiling. And of course!!! Tuturuan kita basta may oras ka... Honestly I have lots pa here. " at inabot ang sketching pad niya. "Really, let me see!!! " Woww this is all me.... drinking yakult,,, eating!? speeching? Ang galing naman po! Salamat Geon! " at hinalikan siya sa pisnge na naging cause ng pagkakatulala niya. Nagising lamang ito ng binatukan ni Harry. "Ang dugas mo ha!!! Nakaisa ka!!! " "Shut up tol!!!! Pinaghirapan ko yun!!! " sagot niya. Si Charles at Pia naman ay nag-uusap sa may pintuang bahagi. At sa araw ding iyon ay nagkasundo ang dalawa. Maya maya pa ay napagpasyahan na nilang umalis. Ang tropa ni Megan ay napasama narin sa kanila at ganun din si Zack. Sunod sunod ang mga sasakyan nagpark sa likuran ng simbahan malapit sa University. Nagulat si Father Sebastian ng hapon na ay may sakristan na tumungo sa kanyang opisina at may naghahanap raw sa kaniya. "Brother Top, di ko inaasahan na mapapadalaw ka sa araw na ito. " bati ni Father na napatingin sa mga batang nagkumpulan. "Pasensya na po father. I have one student here kasi na gusto nyang may mapupuntahan ang mga bulaklak na iniregalo sa kanya. Then she decided to donate it in here. " "Wow!!! Sa tingin ko nga napakarami niyan. Nakakalugod naman na ang simbahan ang handa niyang pag-alayan. Teyka para hindi kayo gabihin ipapaassist ko na kayo sa mga katiwala ko dito ha. " At agad nitong tinawag ang sakristan na tumulong. Kinuha nito ang mga ilang gagamitin kung saan ipapatong ang mga halaman na tatagal ng isang Linggo o mahigit pa. Masaya nilang pinagkakaabalahan ang pagdedesinyo ng mga bulaklak sa plorera. Habang busy ang lahat ay napagawi ang mata ni Sirius sa mga batang nangangalakal ng mga basura sa bandang gate ng bakuran ng simbahan. Unti unti siyang napatayo at napalapit sa may pintuang ng simbahan malapit sa tribuna. Nagulat din ito ng may makuha itong supot ng Jabe at may lamang buto ng chicken joy na siyang isinubo sa bibig. "They are the street children's o batang lansangan Sirius. Madaming nagkalat na mga batang nasa kalye lamang o sa kalsada na walang permanenteng tirahan at yung iba pa ay wala ng mga magulang. Sa araw araw na pamumuhay nila, sila ay umaasa lamang sa paglimos na naibibigay ng mga tao. At dahil sa limos na iyon, kahit papaano ang kanilang pangangailangan ay natutus'tusan tulad na lang sa pagkain nila sa araw-araw. Pano nalang kung wala na silang malimusan? Ano na ang gagawin nila? Saan sila kukuha ng pagkain nila sa pang araw-araw? Kaya kung mapapansin mo, basura ang katapat." mahabang pahayag ni Zack na nakatingin rin sa mga bata. "Madaming bata ang hindi nakaka'kain ng tama Si, sabihin na nating sa loob ng isang araw ay halos di pa nga sila kumakain. Hindi rin sila nakakapag-aral at ang kanilang mga suot ay madudumi, at kung saan-saan sila natutulog sa kalsada...." Dagdag nito at ng tingnan niya si Sirius ay mababakas ang lungkot sa mga mata nito at may mga ilang butil na namang luha ang masaganang naglandas sa kanyang mukha. "Poor baby girl!!! " si Carlo na kinabig payakap si Sirius sa malapad niyang dibdib habang ang iba ay napabuntong hininga na lamang. Kinausap naman ni Top ang mga estudyanteng nakasama nila regarding sa kalagayan ni Sirius. Nakiusap ito na huwag silang magsawang umalalay na ipaunawa ang mga bagay na actual na niyang nasasaksihan sa realidad at malaki ang kinaibahan nito sa nababasa lamang. Nung hapon din iyon ay si Top na ang naghatid sa dalaga at convoy lamang ang sasakyan nila Charles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD