CHAPTER 26

1087 Words
SABAY SABAY NA NAGPARK ang mga sasakyan nila Charles, Megan at Top sa gilid ng kalsada. Bitbit ni Charles ang mga gamit ni Sirius at si Megan naman ay ang mga pagkaing itinake-out ng kanilang teacher para kay Sirius na nagbibigay kalituhan sa binatilyo. MIGZ POV Kitang kita ko kung paanong maingat na binuhat ni sir Top si Sirius papanhik sa kabahayan. Kaya pala walang Si na lumabas sa shotgun dahil nakatulog na ito. Kanina kasi ay mas pinili nitong sumakay sa kotse ng kanyang guro sa halip kay manong Ronie na driver niya. Dito ko rin nasaksihan kung paano batiin ng guwardiya na si kuya Jhun si sir na waring kilalang kilala ito roon at malaamo ang pagbati nito sa kanya. Ang mga mata ko ay hindi ko maiwasang subaybayan ang bawat mga kilos ng guro ni Si lalo na at alam na alam nito ang kuwarto ni Sirius nang pumanhik ito sa second floor na talagang ipinagtataka ko. Sumunod doon si ate Jenneth ngunit mga ilang minuto pa ay bumaba na rin ang katulong na muling ipinagtaka ko dahil walang sir Top na sumunod na bumaba. Hindi ako mapalagay. Kasalukuyan kaming narito sa may sala. Ayaw ko pang umuwe dahil sabi naman ni Tita Olive kanina ay dito na ko kumain ng hapunan. Mag aalas siete narin ng gabi. Then nakita ko na may kasama si Tita Olive na pumanhik sa itaas. Mas lalo akong nag-alala dahil narinig kong tinawag ni Tita itong "doc" . At muli makalipas ang mahigit bente minuto ay si Tita naman ang bumaba na walang sir Top. Kasunod noon ay pumanhik si ate Jenneth na may dalang basin. "Tita , something wrong po ba!? " si Charles. "Don't worry, she gonna be fine. Nag emotional breakdown kasi sya. Haisk!! What happened earlier? " tanong nito. Sasagot na sana si Charles ng sabay naming nakitaang bumaba na si sir Top at ang doctor. Matapos magpasalamat sa doctor ay kaagad namang umalis na ito at hindi na nagpapigil pa. "Tita." bati ni Top kay tita Olive. "Seniorito, ang tagal rin nating hindi nagkita." tugon nito kung kayat nagkaroon ng kasagutan ang katanungan ko kanina. Lumapit naman si sir Top upang humalik sa pisnge ni Tita Olive. At tinawag ni Tita Olive si sir na seniorito....? "Wanna talk to you in private tita. " wika nito at nauna pang lumakad kay tita Olive patungo sa kinaroroonan siguro ng office room ng bahay. Maya maya pa ulit ay bumaba si Sirius sa may hagdanan. "Si/Irish!" nagkasabay pa kami ni Charles. "I'm hungry... " sagot nya lamang. "Ma'am, nakahanda na po ang hapagkainan. Dapat nagstay ka nalang sa taas at hahatiran nalang kita. " - ate Jenneth. "I want to eat lot ate.... Eh kakaunti lang naman sinasandok mo for me pag sa taas ako kumakain eh. " dinig kong reklamo niya. "Naku, halos lahat na nga ng laman ng kaldero ang inihahatid ko eh. Talagang may balong malalim ka lang sa tiyan nak. Oh mga hijo, punta na kayo sa dining kakain na." aya ni ate Jenneth. Kaya agad narin kaming pumunta. "Si Sir Top po at Tita Olive ate Jenneth!? " tanong ni Si na nakatawag ng pansin sakin. "Nag-uusap pa sila ni Seniorito Top at ng tita mo nak. " "Prepare my stuff po ate. Sasama po ako kay Sir Top. I want to see my papa na. " HANGGANG NGAYON ay naguguluhan ako. Magkakilala si sir Top at si Si. Kaya pala ganun nalang ang pag-aasikaso ni sir Top sa kanya. Si Charles naman ay pansin kong may alam sa lahat. Ngunit hindi ko ito matanong dahil narin sa di naman kami close at lagi kaming nagtutunggali sa titigan. Apat na araw palang kaming nagkakasama ng babaeng gusto ko at nais kong lumalim pa ito. Nais ko pa siyang makilala. Nag-aaral ako ngayon at gumagawa ng homework. Sa ngayon ay ito ang kaya kong gawin upang makabalik ako sa section A. TOP POV Isinama ko si Sirius pauwe ng Mansion at tuwang tuwa sila mama ng makita nila ito. Si tito Ige naman ay nakaabang rin kanina at agad namang nagbonding ang mag-ama matapos ang apat na araw na sila ay hindi nagkikita. Nang makatulog si Sirius ay umalis narin si Tito Ige matapos naming mag-usap. Alam kong nabahala ito dahil sa nalaman na ni Sirius na nasa iisang campus lamang sila ng kanyang kapatid na si Savannah. Si Savannah na mayroon ng sama ng loob kay Sirius ay nadagdagan mula sa araw na ito dahil kay John Rafael. Nakakalungkot na ang inosenteng si Sirius ay nakakaranas ng mga ganitong karanasan at paano na lamang kung malalaman pa ni Savannah na si Sirius ay kapatid niya. Kabababa ko lamang ng hagdanan mula sa kwarto ni Sirius nang marinig ko sila papa at Kurt na nag-uusap sa sala. "Ma, seriously po, papa, talk to tito Ige na I want Sirius to be my future wife!!! Magpapalipat narin ako ng school at ako na ang magbabantay kay Sirius! " Fuck!!! Kung sa school mababaliw na ko sa mga lalaking umaaligid kay Sirius at hirap na kong bantayan ito, dadagdag pa ata itong kapatid kong chickboy!!! "Kurt ikaw bayan anak!? Akala ko ba ayaw mo ng mga arrange marriage." ani ni papa at umupo ako sa tabi ni mama. "Dati po yun pa, iba na ngayon. Si Sirius na ang pinag-uusapan ngayon eh." agarang tugon naman ng kapatid ko. Nakikinig lamang ako sa kanilang usapan ng tanungin niya ako. "Kuya, may bf ba si Sirius sa school!? " -Kurt "Wala." -me "Cool!!! How about pumupurma!? " -Kurt "Madami!" -me "See papa! Kaya need ng arrange marriage at baka maisahan pa ako!!! Di na dapat pinapakawalan ang tulad nya! " Agad na sagot nya na hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis eh. "I can't do that Kurt! " sagot ni papa. "But why!? " "How about your kuya Timmy? " si mama naman ng may panuksong ngiti at tumingin pa sakin. Napalingon ako kay mama. Muntik ko ng makalimutan na isa rin si Timmy na naghahangad kay Sirius. "How about him ma? Don't tell me he like Sirius too? " "Yes! Kung ako sa inyo son, win her heart. But not now. Bata pa si Sirius at ikaw ay bata pa rin kaya just enjoy muna ok! At regarding sa paglipat ng school. Its a No. Masyado ng late so goodnight guys na. Top behave. " Saka ngumiti si papa sakin ng nakakaluko. "I know pa.... goodnight everyone" at humalik ako kay mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD